Napahawak naman ako sa suot kong kwintas.
"Nakakainis! Bakit ko ba inaaksaya ang buhay ko dahil sa lalaking 'yun," pagdadabog ko.
Hinarap ko naman ang mga bangkilan. Nasa anyong tao pa sila kaya kinausap ko sila ng masinsinan.
"Dakpin mo siya!"
Agad naman nila akong nilapitan. Nagpupumiglas naman ako sa sakit na nararamdaman ko. Ang higpit ba naman ng pagkakatali.
"Mukhang tanga din ang isang 'to," tawa ng isa. Humagalpak naman sila ng tawa.
Pilit naman akong nagpumiglas pero kahit anong piglas ko ay kinapos na ako kaagad ng hininga.
Nakakainis naman ang katawan tao kong 'to!
At ayun na nga umayon na ako sa kanila. Pumasok na kami sa loob ng kweba. Ilang taon na din simula ng pagbalik ko.
Maraming nagbago.
Lumabas na kami sa dulo ng kweba at tumambad sa akin ang isang kasiyahan.
Nakasuot ng magagarang kasuotan ang mga bangkilan dahil likas sa kanila ang magandang kaanyo-an.
May nagsasayawan suot ang kanilang mabubulaklak na tradisyunal na kasuotan.
Nilibot ko naman ang paningin ko. Kasalukuyan silang nakatali sa malaking puno. Naawa naman ako kay Mang Isko at mukhang bugbog sarado si Rosa.
Tinulak naman ako ng bangkilan may hawak sa akin papunta sa mga nagsasayawan. Nasaan kaya ang lalaking 'yun?
Tinulak naman ako ulit ng bangkilan at napasubsob ako sa lupa. May ritwal silang ginagawa. Sumasayaw pa din sila. Napahawak nalang ako sa suot kong kwintas.
Wala na akong naisip na paraan.
"Huy 'wag!" boses ng isang pamilyar na boses.
Bumungad naman sa akin ang kaibigan kong dwende.
"Huwag mong gagawin 'yan, pinunong Laida, " saad nito.
"Nasa loob ng kubo ang mahomanay," saad nito.
"Bakit nila dinakip si Arki?"
"Dahil siya ang bagong kinorohanan ng mga mahomanay," saad nito.
"At ano naman ang kinalaman ng mga bangkilan?"
"Nag-uunahan ang bawat uri ng mga aswang kung sino ang makakasakop sa kaharian nila, pinuno," sagot niya.
"Tutulungan kitang makatakas dito," sabi niya.
"Ako mismo ang sumuko sa kanila dahil kailangan ko silang tulungan," saad ko naman.
"Ngunit matagal ka nang nanahimik."
Huminga nalang ako nang malalim.
"May iba bang paraan?"
"Takot ang mga angkan ko na makisali sa digmaan," malungkot nitong sabi.
"Isang kapre ang kumausap sa akin na nakita ka niya kaya nandito ako ngayon sa harapan mo, pinunong Laida."
Tumigil ang sayawan at tumunog ang malakas na pagpalo ng tambol.
"MGA ALAGAD KONG BANGKILAN," sigaw mula sa isang bangkilan.
Lumuhod naman silang lahat dahilan para makita ko kung sino ang nagsasalita.
Ang hari ng mga bangkilan.
"Alam kong nasisiyahan na kayo sa mangyayaring kasalan ng aking kapatid at ng hari ng mga mahomanay!"
Puno naman ng hiyawan ang lahat. Lumabas na si Arki kasama ang isang matandang babae.
"Pft!" pagpipigil ko sa pagtawa.
Kitang-kita ko naman mula dito ang pagngiwi ni Arki at ang malapad na ngiti ng matanda.
"Masusubaybayan natin ngayon ang pagbabago ng ating prinsesa!"
"PAGSASALUHAN NATIN ANG MGA ALAY," sigaw nito.
Naghiyawan ulit ang lahat. Hinila naman ako ng isang bangkilan at sa hindi ko inaasahan ay kinaladkad nila ako sa harap.
"NAAMOY KO ANG ISANG BIRHEN," saad ng matandang ipapakasal sa damuho.
Halata naman nagulat si Arki sa presensya ko.
Bumaba naman ang matanda sabay hinawakan ako sa bandang baba ko.
"Hindi magtatagal ay magiging akin na ang alindog mo," saad nito. Hindi naman ako umimik. Hindi ako naniniwala na anak siya ng bangkilan dahil isa siyang mangkukulam.
Hindi ko naman inexpect na kaagad nila akong papatayin. Napaatras naman ako nang mapansin ang hawak nitong punyal.
Napatingala naman ako, pulang buwan ang bumungad sa akin.
Naramdaman ko bigla ang pagtalsik ng kwentas ko kasabay ang pagtagos ng dugo ko sa mukha ko.
Naghiyawan ang lahat sa sobrang kasiyahan.
Hindi ko na kaya...
"Hindi---hindi," mahinang bulong ng mangkukulam.
Nanginginig ang kalamnan ko at hindi ko mapigilan ang pagkamuhi mula sa mutya ko.
"Aack, bi--bi," mahinang sabi ng mangkukulam habang sakal-sakal ko siya sa leeg. Itinaas ko naman siya sa ere at agad nanahimik ang lahat.
"Anong ginagawa mo?!" sigaw ng bangkilan.
Hinagis ko naman sa harap niya ang matandang mangkukulam.
"Isa kang aswang?!"
Tumalon naman ako sa kinaroroonan nila. Sinakal ko ng walang ka hirap-hirap ang hari.
"Ibaba niyo ang dalawang bihag kung ayaw niyong ubusin ko kayo," saad ko. Wala naman umimik. Nanlisik naman ang mga mata ko habang unti-unting nagbabago ang kulay ng buhok ko.
"Agaras!" mahinang saad nito.
Ihinagis ko naman siya dahilan para mapaigik siya sa sobrang sakit.
Agad naman nilang kinalagan sina Mang Isko at Rosa.
"Pi--pinunong Laida," saad nito.
"Kung ayaw mong ubusin ang angkan mo, aalis kami ng matiwasay" saad ko.
Kinakabahan na napatango ang hari.
Naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ni Mang Isko, pansin ko ang hawak niyang kwentas , ang nasira kong kwentas.
Maayos kaming umalis sa kuta nila. Gumawa ng lagusan si Mang Isko at dumaan na kami dito.
"Tatay, anong klaseng aswang si Adi?"
"Isang awok."
Natigilan naman ako.
Alam kong alam niya kung ano ako.
"Kamahalan, kamusta ka?"
"Okay lang ako,"sagot ni Arki.