Kuta ng mga Bangkilan

1021 Words
Humanga ako sa kakayahang taglay ni Mang Isko. Tumagos na nga kami sa lagusan na ginawa niya mula sa resort papunta sa dimensyon namin. "Hawakan mo itong punyal at makakatulong ito sa'yo," saad naman ni Rosa. Nag-aalinlangan naman akong tanggapin kaso bigla naman niyang hinila ang kamay ko sabay abot ng punyal. Medyo napaigtad naman ako dahil gawa ito sa tanso ngunit hindi ako nasaktan. Napahawak naman ako sa kwentas ko. Muntik ko nang makalimutan. "Nakakaagaw pansin ang suot mong kwintas," saad ng matanda. "Po?" "Wala na tayong panahon para magdaldalan pa, tayo na, Mang Isko," nagmamadaling sabi ni Rosa. Napabuntong-hininga naman ako nang sumunod na ang matanda. Ramdam kong naghihinala na siya . Ang kwentas na ito kasi ay gawa ni Miss Ana, may sagrado itong orasyon na nakakapagpagil sa pagiging aswang ko. "Base sa mapa, patungong silangan ang kuta ng mga bangkilan," saad naman ni Rosa. Tumango lang kami at sumunod sa kanya. Ilang daang taon na din simula no'ng lisanin ko ang mundo na ito. Naalala ko pa kung gaano ka saya at masagana ang pamumuhay ng mga nasasakopan ko. "Ilang siglo na din simula nang digmaan,"saad ni Mang Isko. "Tatay naman, huwag mo ng kwentuhan ang babaeng 'yan, ano naman ang pakialam niya," singit ni Rosa. "Hayaan mo na ako Rosa, gusto kong magkwento kasi nababagot din naman ako sa kakalakad natin," ani nito. "Mabalik tayo," tikhim pa ni Mang Isko. "Ilang siglo na din ang nagdaan simula ng digmaan, maraming aswang ang nagbuwis ng buhay at isa na dun ang mga albularyo, babaylan at manunugis." "At dahil 'yun sa walang kwentang pinuno," madiin na pagkakasabi ni Rosa. "Ngunit si Pinunong Laida ay natatangi." "Nasasabi mo lang 'yan dahil minsan na din kayo natulungan," bwelta naman ni Rosa. "Bakit ba ang tindi ng galit mo sa pinuno na 'yun?" tanong ko. "Dahil mahina siya at bobo." Napataas naman ako ng kilay kaso pinigilan ko ang reaksyon ko. Natahimik naman si Mang Isko at napabuntong-hininga. "Mas pinili ni pinunong Laida na intindihin ang grupo ng harimodon ngunit tinraydor pa din siya nito at pinaslang pa ang matalik nitong kaibigan na manunugis." Napayuko naman ako. "Hindi alam ni pinunong Laida na napapalibutan na pala siya ng mga taksil na aswang at pinaslang siya sa mismong trono niya." "Mas mabuti pang huwag na natin pag-usapan ang tungkol kay pinunong Laida," saad ko. Tahimik lang kaming naglakbay. Ilang sapa na din ang dinaanan namin at nasa pangalawang bundok na kami. Halos mainis naman ako kasi ang hina-hina na ng katawan ko. "Bakit pa kasi natin 'yan sinama tatay e!" inis ni Rosa. "Teka, nauuhaw ako." Agad ko naman kinuha ang botelya na may laman na tubig. "Buti nalang at nakadikwat ako ng bottled water sa event kanina," saad ni Mang Isko. "Bakit ba kasi sa dinami-daming babae na mapapangasawa ng kamahalan ay ikaw pa?" saad ni Rosa. "Alam mo, Rosa, namumuro ka na sa akin!" Padabog naman akong tumayo at nagsimula ulit na maglakad. Napapapikit nalang ako sa sobrang pagod. Gustong-gusto ko nang hilahin ang kwentas na ito at nang maibalik lahat ng lakas ko. "Adi," saad ni Rosa sa likod. "Ano?!" Natigilan naman ako kasi nakakapanibago naman ang tono ng pagakakasabi niya. Agad naman akong lumingon . May mga lalaki nakapalibot sa amin at isa-isa nilang tinututok sa bandang leeg nina Rosa at Mang Isko ang mahahabang kuko nila. "Hanggang dito nalang kayo,"saad naman ng lalaking nasa likod ko . Agad ko naman hinatak ang ibinulsa kong punyal at kaagad na tinutok sa leeg nito. Nanginginig naman akong nakahawak sa kanya. Pambihira! Ang hina ng katawan ko! "Walang silbi ang lakas ng isang mortal sa aming mga aswang,"saad nito sabay hila ng braso ko. Wala naman akong nagawa dahil nga mahina ako. "Aray!" saad ko. Ramdam ko ang pagbanat ng mga buto ko. Agad kong nabitawan ang punyal at namilipit sa sobrang sakit. Hindi ko naman inaasahan ang tigalpo na sasambitin ni Mang Isko at napaliyad ang mga bangkilan sa sobrang sakit. Patuloy pa din sa pag-oorasyon ang matanda kaya naparalisa ang mga bangkilan . Agad naman itong ginilitan ng leeg ni Rosa hanggang sa naubos niya lahat . Napahawak naman ako sa nabali kong braso. "Sa susunod, huwag kang magmarunong," saad ni Rosa. Ngumiti naman si Mang Isko sa akin at tinapik ako sa braso. "Mang Isko, hindi mo ba ako gagamutin?" naiiyak kong tanong. "Kaya mo na 'yan," tapik niya pa. Napakunot-noo naman ako. Tahimik nalang akong sumunod sa kanila. Ramdam kong malapit na kami sa kuta ng mga bangkilan. "Nandito na tayo," saad ni Rosa. "Maiwan ka na dito, Adi,"saad ni Mang Isko. "Ngunit kailangan kong puntahan si Arki." "Pabigat ka lang," saad ni Rosa. Wala naman akong nagawa at nagpa-iwan na ako. Napaupo naman ako sa may punong-balete. Ramdam ko naman na may sumisitsit sa akin. "Psst!" "Psst." Hindi naman ako umimik nang may naamoy akong usok. "Pambihira at dito pa talaga!" "Hoy, tao, anong ginagawa mo sa bahay ko?" saad naman ng kapre. "Pakialam mo," saad ko habang hinihilot ang paa ko. "Gusto mo bang gawin kitang putahi?" "Kung gugustuhin mong kumain ng isang agaras," saad ko. "Nagpapatawa ka ba?" tawa niya . Hindi ko naman inaasahan ang pagpulot niya sa akin. "Ha-ha-ha ano ka ngayon, bata!" "Pag ako nagalit, kakai--" "Huh? Oh? Impo---" Maayos naman niya akong pinatayo sa palad niya tsaka tinitigan sa malapitan. "Pinunong Laida?!" sigaw niya at kaagad akong binalik sa kinauupoan ko kanina. "Manahimik ka kung ayaw mong kainin kita,"saad ko. "Pa-patawad!" saad nito sabay takbo. Ramdam ko pa ang pagyanig ng buong lugar. At talagang naalala pa niya ako. Lumipas ang ilang oras at hindi pa din sila nakakabalik kaya naisipan ko ng sundan sila. "Adi, tulungan mo kami," naririnig kong bulong mula sa hangin at boses 'yun ni Mang Isko. Agad naman akong nagmadali. Bumungad sa akin ang mga kawal sa b****a ng yungib. Mas lalong pinaigting ang seguridad nila dahil siguro kina Mang Isko at Rosa. Anong gagawin ko? Wala nang ibang paraan. "Hoy!" sigaw ng isang bangkilan na nakapansin sa akin. Nakakainis naman e! Paano ba 'to? Kailangan ko na atang hubarin muna ang kwintas ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD