Hinahanap

1342 Words
"So kamusta ba ang pag-istay mo sa apartment na 'yun?" "Nalaman ko na may ilegal na tambakan ng karne ng tao sa kabilang unit," ani ko. "Ang pinagtataka ko lang kung bakit natunton ka ng mga kumupkop sa'yo ngayon," saad naman ni Miss Ana. Yun din naman ang nasa isip ko pero sino ba sila para pagtiisan ko. Ilang araw na din akong hindi bumabalik sa mansion at mukhang wala na akong balak. "Adi," bungad sa akin ng isa namin librarian. "Po?" "May naghahanap sa'yo sa baba," aniya. Napakunot-noo naman ako. Sino naman ang naghahanap sa akin? Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito e wala naman akong naging kaibigan bukod sa mga nagta-trabaho dito sa library. Bumaba na ako at bumungad sa akin ang isang lalaki. Napaismid naman ako nang mamukhaan ko ang taong kaharap ko ngayon. "Ang lakas naman ata ng kakapalan ng mukha mo para takbuhan ang pinag-usapan natin," aniya. "Kasi magulo," saad ko. E ba't hindi nalang ang girlfriend niya ang pinakasalan niya. "Uuwi na tayo." "May trabaho pa ako." "Magkano ba ang kinikita mo dito at nang mabayaran ko." Napahawak nalang ako nang mahigpit sa bandang sintido ko sabay hingang malalim. "Miss Ana," nahihiya kong sabi. Hindi ko kasi napansin ang pagdating niya . Pansin kong nagtaka siya sa presensya ng damuho. "Hoy , tanda." Napamaang naman ako sa narinig ko. Nilipat ko naman ang paningin ko kay Miss Ana at halatang hindi siya natuwa sa inasta nito. Nakakunot-noo naman tinanggal ang suot nitong shades at halata pa din nagyayabang sa harapan namin. "Hindi ko alam kung bakit pa sa dinami-daming tagapagmana, ikaw pa ang napili," ani ni Miss Ana. Nagulat naman si Arki sa sinabi nito. "Adi, mas mabuting sumama ka muna sa antipatiko na ito bago ko pa ito bitawan ng tigalpo." Naningkit naman ang mata ko sa sobrang inis dahil kahit ako ay walang magawa sa sinabi ni Miss Ana. Ayokong maranasan ulit ang kasumpa-sumpang tigalpo mula sa isang batikan na babaylan. Walang sabi naman akong sumama sa kanya at nauna na rin sumakay sa van. Pansin kong naiwan pa din siya sa loob at kinakausap si Miss Ana. Natawa naman ako dahil para siyang bata na kinukulit si Miss Ana at si Miss Ana naman ay tinataboy siya gamit ng kamay nito. Pansin kong may tumikhim sa harap ko. "Hala, sorry, hindi ko po kayo napansin," saad ko. Ngumiti naman ito at nagsalita ulit. "Mukhang hindi ko na dapat patagalin pa ang lahat, pinunong Laida," saad nito. "Pa-paano mo nalaman ang totoong katauhan ko?" Nagulat naman ako nang bigla itong yumukod sa harap ko. Alam kong secretary siya ni Arki pero hindi ko alam kung bakit parang may mali sa mga nangyayari ngayon. "Kailangan namin ang tulong mo." "Tulong? So alam mo na isa akong---." "Agaras." Napalunok naman ako ng laway. "Anong binabalak niyo sa akin? " seryoso kong tanong. "Kailangan namin ang tulong mo." Nalaman ko na malawak na pala ang sakop ng himagsikan ng mga abwak . Malayong masasakop na din ang kaharian nila. "Kaya ba nandito kayo sa dimensyon na 'to para magtago?" "Ganun na nga." "Paano naman ang mga inosenteng mamamayan niyo?" nag-aalala kong tanong. "Matagal na namin silang nilipat sa ligtas na lugar." "Kung gayon bakit kailangan niyo pa ang tulong ko? " "Dahil ikaw ang pinuno ng mga aswang." "Matagal na akong walang silbi!" inis ko. Natigilan naman siya. "Naubos ang lahi ko dahil mahina ako!" galit kong sigaw. "Sana no'ng una pa ay sinabi niyo na ang lahat," saad ko. "Pinunong Laida, papunta na dito ang kamahalan." "Ibig mong sabihin, hindi niya alam?" pabulong kong tanong at tanging tango lang ang tugon nito. "Nakakainis, isang hamak na babaylan lang ang hindi rumespeto sa akin!" galit nito. Pinigilan ko naman huwag mainis lalo na't sinenyasan ako ni Mr. Cruz na manahimik lang ako. Gulong-gulo pa din ang isip ko sa mga nangyayari kaya halos wala na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng taong ito. Umabot din ng ilang oras at napadpad kami sa isang resort. Nauna naman siyang bumaba at sumunod na ako. Pansin kong may mga body guards na sumalubong sa amin at yumukod. Sumunod lang ako kay Arki hanggang sa makapasok kami sa main hall. Mukhang may malaking salo-salo na nagaganap. Paano kaya nakukuha ng damuho na 'to na magsaya habang ang kaharian niya ay nagkakagulo? "Walang kwenta," inis ko. "May sinasabi ka ba?!" inis niya. Inirapan ko lang siya . Umagaw naman ng pansin ko ang mga kababaihan na daig pang mga bulate sa sobrang kilig dahil sa kasama ko. "Ngayon alam ko na kung gaano ka ka-swerte na ako ang napakasalan mo," pagmamayabang nito. "Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo," inis ko. "Tsk, alam ko naman na kinikilig ka na din e," dagdag pa niya. Sinamaan ko naman siya nang tingin. May lumapit naman sa amin at nag-assist kung saan kami uupo. Naiilang naman ako kasi nasa bandang harapan kasi kami. "Ba't ka kinakabahan?" natatawa nitong tanong. "Kungsabagay, ano naman ang na nararanasan ng isang dukha," dagdag pa nito. "Manahamik ka nga! Kanina pa ako naririndi sa pagmamayabang mo," inis ko. May lumapit naman waitress sa amin at hinain na ang pagkain sa mesa namin. Nakatitig lang ako sa mga pagkain nasa harap ko. "Mukhang may mali dito." Hindi naman umimik ang katabi ko dahil busy siya sa pag-eentertain sa mga babae sa kabilang table. Sa sobrang inis ko ay inapakan ko ng madiin ang sapatos niya. "Aray! Ano ba?!" "Napakalandi mo," mahina pero nakadiin kong sabi. "Baka nakakalimutan mo na trabaho lang ang lahat?" aniya. Napalunok naman ako ng laway. Hinayaan ko nalang siya sa pinaggagawa niya at masuri kong tiningnan nalang ang isang menu sa gilid. Tumayo naman ako at nagmasid muna sa paligid. "Aaaah!" sigawan mula sa kabilang banda. Naku, lagot na. "Aswang!" sigawan nila. Agad ko naman hinanap si Arki . Teka, nasaan na ang damuho na 'yun? Hindi naman mawari ang ibang bisita dahil sa dumating na mga aswang. Bakit sumusugod ang mga bangkilan dito? "Tumakbo na kayo palabas!" sigaw ng isang matanda. Ramdam ko ang presensya niya at hindi ako nagkakamali, isa itong albularyo. Agad naman akong nakisiksik mula sa kaguluhan at nilapitan ang matanda. "Ginoo." Napakunot-noo naman itong bumaling sa akin. Alam kong nagulat ito dahil sa pagtawag ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung paano, oo, dalaga pa ako sa anyong panlabas pero ilang daan taon na din akong namumuhay sa mundo. "Bakit may mga bangkilan na sumugod dito?" pasigaw kong tanong. "Hindi ko alam!" "Sino ka ba? Bakit may alam ka sa kanila?" saad naman ng babae na nasa likuran ko. Hindi ko naman siya pinansin at tinuon ulit ang atensyon ko sa paghahanap kay Arki. "ARKI," sigaw ko. "Wala na dito ang prinsepe ng mga engkanto," aniya. Nakuha naman niya ang atensyon ko at nilingon siya kaagad. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Si Arki ang dahilan kung bakit sumugod dito ang mga bangkilan," saad ng matanda. Napapikit naman ako sa sobrang bigat ng ulo ko. Nakaramdam naman ako ng pagkabahala kahit na alam ko naman na hindi na sakop ng responsibilidad ko ang damuho na 'yun. "May alam ba kayong paraan para masagip si Arki?" "Teka, sino ka ba?" tanong ng babae at halatang naiinis na. "Asawa ako ni Arki." Pansin kong natahimik silang dalawa at yumukod bigla sa harap ko. "Ipagpaumanhin mo ang naging asal ng apo ko dahil hindi ka namin nakilala," sabi ng matanda. "Ako nga pala si Adi, kayo ba?" "Ako si Mang Isko." "Rosa," tipid naman pagpapakilala ng babae. "Magtulungan tayong sagipin ang asawa ko." Nakakadiri man pakinggan pero tinodo ko na ang pagpapanggap bilang asawa ng asungot na 'yun. "Ba't ba kasi ang tanga niya at nagpahuli pa kaagad sa mga aswang na 'yun!" inis ko. "Nakakatawa ka naman," saad ng babae "Si Arki ay isang prinsepe kung tawagin pero bago pang sibol na dugong-bughaw na engkanto." "Anong ibig mong sabihin?" "Sabihin na natin na kung anong edad niya ngayon ay iyan talaga ang sa kasalukuyan." Kaya pala isip-bata ang isang iyon at irresponsable!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD