Nauna na akong bumalik sa hotel na tinutuluyan namin nina mama at papa. Medyo sumama ang pakiramdam ko dahil parang may hinahanap ang pang-amoy ko. Hindi ko mawari kaya napagdesisyonan kong itulog nalang. Ang mga magulang ko naman ay may pinuntahang kamag-anak somewhere in Quezon City. They wanted me to go with them but I said no. Hindi ko rin naman mai-enjoy ang pakikipag-socialize lalo pa at hindi na naman maganda ang pakiramdam ko. Kampante naman ang mga ito na iwanan akong mag-isa dahil may kasama naman akong isang kasambahay at ang dati kong yaya para mag-asikaso sa akin. "Ya, gisingin niyo nalang ako kapag nakauwi na sina mama at papa. Mauna na po kayong kumain. Iidlip lang po muna ako." I am a little bit dizzy. Mukhang dala ng sobrang antok o baka mood swings na naman. "Sige na,

