Bihis na bihis na sina mama at papa nang bumaba ako para mag-breakfast. May appointment ako ngayon sa OB ko. Today is our fourth visit to the hospital at sasamahan ako ulit ng parents ko. My baby bump is already showing and I am liking it. "Ang aga niyo namang gumayak." "Mabuti na rin 'to kesa ikaw ang maghintay. Kumain ka na at maghanda pagkatapos. We'll be waiting for you, anak. Ipatawag mo nalang kami sa katulong kapag ready ka na. Doon lang kami ng papa mo sa library." Madalas magkulong si Papa sa opisina this past few days. Si Mama naman ay laging nasa tabi nito upang rendahan ito sa pagtatrabaho. Though he is feeling okay, hindi maialis ni mama na mag-alala at matanda na nga si papa. "Sige po, mama. Bibilisan ko nalang ang kilos para hindi tayo masyadong maantala." "Take your

