"Do you know her?" At parang mahika na nagising ako sa aking pagkatulala. Doon ko lang din napansin na may kasama pala ang lalaking pinagtataguan ko. Napatingin ako sa babae. Maganda. Seksi. At mukhang modelo. Nakapaikot ang kamay nito sa braso ni Jaime na parang sawa. And from the looks of it, mukhang hook-up lang ang dalawa kasi parehong mukhang nakainom. At dito pa talaga nila naisipang mag-check in? Pambihira! "Hey, miss. You're so rude! Are you mad at me? I don't even know you!" The woman rolled her eyes on me. Hindi na ako sumagot pa. Basta ko nalang hinanap sa database ang detalye ng reservation ni Jaime Sawyer. "Here's your key card, sir. Room 88B, 3rd floor." "Thanks!" Pahablot iyon na kinuha sa akin ng babae. Kung sa ibang pagkakataon baka hindi ko na pinalampas

