"Theo... " sambit ko sa pangalan ng lalaki. Kitang-kita sa mga mata nito ang hindi maunawaang emosyon. Kung masaya ba itong makita akong muli ay hindi ko alam. Sa kabilang banda, miski ang sarili kong nararamdaman ay hindi ko maunawaan. May parte na kinakabahan ako at may parte din na parang masaya akong makita ito. "F*ck, Clarissa! Where have you been? Para kang kabute na bigla nalang dumarating at nawawala. Tapos ngayong hindi ka na namin hinahanap, magpapakita ka uli?" Pasimple akong huminga. I feel like suffocating. Kinakabahan ako at hindi ko alam kong ano ang aking isasagot sa tanong nito. "M-maupo ka muna." nauutal kong sabi kay Theo. He is towering in front of me and it makes me feel more intimidated. "Cut being polite!" Sumalampak nalang ito bigla sa couch na nasa likura

