"Ate Grace, pabili po akong ketchup 'yung sa bote." Sabi ko sa tindera. Magluluto ako nang maalalang wala na pala akong stock ng ketchup. So, I have to run out and buy here. Kapit-bahay ko lang naman kaya safe na lumabas ako kahit gabi na. Bukas nalang siguro ako mamimili ng groceries, gulay, karne at iba pang pangangailangan ko. It's been a couple of months now and I am really enjoying my stay here. Nagsimula na rin akong magtrabaho ng regular. Ala-una ng hapon ang shift ko hanggang alas-otso ng gabi sa isang hotel sa Laguna. "Day-off mo, Issa?" tanong ni Ate Grace sa akin. Tumango naman ako bago iniabot ang bayad sa babae. "Oo, ate." "Wala ka ba talagang kasama diyan sa tinitirhan mo?" "Meron po." Kahit wala ay sinasabi ko nalang na meron. Alam naman kasi nila na ako lang

