Sa kabilang banda, nasa loob ng kwarto ni Angel, inis na inis ito habang natungga ng kanyang kape. Tumaas ang kanyang dugo ng dalaga matapos nitong maraning ang mga masasakit na sinabi ni Lars sa kanya. Para rito, isang lalaki si Lars na walang utang na loob, makasarili at binalewala nito ang lahat ng mga sakripisyo n'ya para sa relasyon nila. "Tang ina mo kang lalaki ka! Lagot ka talaga sa akin kapag nagkita tayong dalawa, titiyakin ko sa iyo na pag sisisihan mo ang lahat ng mga sinabi mo. Sa lahat ng mga tao, ako pa ang sinabihan mo at kinalaban mo. Nasaan ang utang na loob mo Lars? Nasaan ang pagpapasalamat nito? Ni di man lang nga nagawang makapag paalam. Kung sino man ang tumutulong sa kanya, malamang ay dini demonyo s'ya nito upang magkaroon ng matinding galit si Lars. Pero nagtata

