"Model?" mayroon pa rin pag dududa ang binata sa sarili nito kung kaya ba nyang gawin ang pagmomodelo. Isang haplos sa likuran nito ang naramdaman nyang galing sa dalaga. "Bakit? Wag kang matakot, alam kong mahirap ito para sa iyo sa umpisa. Pero let us go to the gym together. Pero pede rin na if you want, I can buy some equipment in my home para di na tayo lalabas if you want. I forgot to mention kasi na dapat ay maganda rin ang katawan mo before becoming model. May charm ka naman so for sure papasa ka." "Hahahaha!" natawa si Lars bigla, isang bagay na pinagtaka ng dalaga na seryoso sa sinasabi nito. "Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinasabi ko?" Tumigil si Lars sa pagtawa nito. "Sorry, ini imagine ko kasi ang sarili ko na nag gi gym. Medyo malaki rin kasi ang tiyan k

