"Maraming salamat sayo Risa, subalit mag ingat din sana tayo. Ingatan natin ang mga sarili natin dahil malakas ang kutob ko na baka mayroong gawing masama si Angel. Oo matagal kaming nagkasama pero baka dine demonyo si Angel ng sarili nitong pamilya. Sana ay magkita tayo sa malapit sa police station o kahit saang mataong lugar, yung di sila makakagawa ng gulo." "Sa mall tayo makikipag kita sa kanila. Sa isang restaurant, and for our added security, I am going to hire people to look after us until the transaction is done." "Magha hired ka?" na guilty si Lars sa sinabi ng dalaga, ayaw n'ya sana na humantong pa sa ganito. "Di mo na siguro ito kina kelangan pang gawin Risa. Masyado nang malaki ang magagastos mo at nakakahiya ito, malaking abala pa sayo?" "So what?" mabilis na sagot ng dal

