EPISODE 18

1014 Words
"Actually yes, malaki ang sinasahod ko sa kanya but I also have my own investments na rin. Natuto lang ako sa mga trading, inaral ko ang mga ito and so far, sa umpisa mahirap i analyze pero at the end ay naging madali na ito for me. Ikaw, baka malay mo, soon enough, kapag bumalik na ang mga alaala mo, mayaman ka pala, mas mayaman than me." "Hahah!" biglang natawa si Lars at muli syang napakamot sa kanyang ulo. "Malabong mangyari yung bagay na yan kasi sa hitsura ko pa lang, di na ito totoo." "Teka? Baka yan ang dahilan kung bakit ka pala kinupkop ng pamilya ni Angel? Kasi iniisip nila na mayaman ang mga magulang mo at sobrang jackpot sila sakaling maikasal kayo. Pero napagtanto nila sa bandang huli na baka kabaliktaran ito? No office, just thinking out of the picture." "Hahaha!" ang patuloy na pagtawa ng binata, "Di ko alam kung paano ko sasagutin ang sinabi mo pero sana nga mayaman na lang din ako para maraming pera at maraming mga kaibigan." "Joke ba yun? Ako nga mayaman pero loner ako. Depende rin siguro sa tao. Ako kasi, introvert ako at sanay nang mag isa sa buhay. Masaya naman ang life, masasabi ko na nafu fulfil ng materyal na bagay ang buhay ko." "Naiintindihan kita sa bagay na ito pero malamang ay mayroon ka ring planong mag asawa, tama ba?" "Mag asawa? Oo pero sa ngaun kasi ay di ko priority na magkaroon ako ng boyfriend, enjoy muna ang life. At isa pa, ayaw ko rin munang pilitin ang sarili ko. Ang love, darating din yan sa tamang panahon. Minsan kasi, the more kong pilitin, baka the more pang ayaw ibigay ang true love sa akin." "Paano kung bigla mong magustuhan itong ireto ng papa mo sa unang tingin pa lang?" "Hahahaha! Never kong maiisip ang bagay na yan, kahit na siguro sya pa ang pinaka gwapong lalaki sa paningin ko, I will never like him at itataga ko ito sa bato!" "Eh ano ba ang quality na hinahanap mo sa isang lalaki ha?" tanong ni Lars. Bigla kasing na curious ang binata na baka masyado ring mataas ang standard ni Risa. "Quality? Di uso sa akin ang ganyan, kahit na siguro pinaka mahirap na tao sa pa mundo, kapag tumibok ang puso ko kapag nakita ko ang tao na yan, masasabi ko na go ako sa kanya. For me kasi, love is blind talaga, kung sino ang gusto ng puso ko, ito yung susundin ko. How about you ba? Ano ba yung nakita mo dito sa sinasabi mong Angel? For sure mayroong something sa kanya which is enough for you para masabi mong gusto mong pakasalan ang babaeng ito." Napabuntong hininga ng malalim si Lars. Napa isip rin sya kung ano ba ang nakita nya kay Angel na naging dahilan para pumayag itong maikasal sa anak ng mga tumulong sa kanya. "Di ko rin alam eh. Parang limot ko na rin yung rason kung bakit ako pumayag na maikasal sa kanya. Baka nga nahihiya lang din ako sa pamilya nya kaya ako pumayag na ikasal. At ngaun na wala na kaming dalawa, di na ako masyadong nagagandahan sa kanya. Kung tatanungin mo naman ako kung ano ang standard ko sa babae, basta kung sino yung dumating sa buhay ko ay masaya na ako. Di na ako nag hahangad ng sexy at magandang babae, mayaman at makinis. As long as maganda yung attitude nya at maagan syang kasama, masaya na ako doon." Naging malalim ang tinginan nilang dalawa at muling naalala ni Lars yung tamis ng halikan nila noong nakaraang araw. At napangiti rin si Risa sapagkat katulad ni Lars ay gumunita rin sa kanyang alaala ang matamis na halik nila kahit na saglit lang ang tinagal nito. "Lars, sya nga pala, I almost forgot to mention this to you pero kung mayroon ka pang mga kaylangan sa buhay, anything under the sun, please do not hesitate to tell this to me as I will not think twice to grant your wish." "Grant my wish? Di naman ako ganung tao, walang sumasagi sa isipan ko na hiling na gusto kong tuparin mo pero sana ay patuluyin mo ako sa bahay mo hanggang sa makahanap ako ng trabaho." "Haven't I told you na boyfriend kita so of course ako ang gagawa ng paraan dito. May condo rin ako and you are always welcome sa mansyon ko kapag wala si Dad. Don't worry about it, I am not going to abandon you especially now that everyone abandoned you. The world is really cruel to the people na walang wala but I am so glad that I am not of them." "Pero Risa, curious ako, bakit tila labis ang pagtitiwala mo sa isang lalaki na kagaya ko? Nito lang tayo nagkita pero grabe kaagad yung tiwala na binibigay mo. Alam kong napag usapan na natin ang tungkol sa bahay na ito pero sabihin na nating sadyang nahihiwagaan ako sa nangyayari." "I dont need to know you for months para pagkatiwalaan kita but let me remind you na sadyang ganito akong tao, nagtitiwala ako ng mabilis and I know na ikaw yung magpapatunay saken na mayroon pa rin mga taong mababait sa panahon na ito. Don't let me down because I trust you so much and sya nga pala, kung madali akong magtiwala, madali rin akong mawalan ng tiwala sa isang tao lalo na kapag masakit yung ginawa nila and I think this is already self explanatory considering na normal thing sa isang tao na nagtiwala na magalit sa tao na niloko sya. Even ikaw, sa naging sitwasyon mo ng dati mong asawa, pinagkatiwalaan mo ito but look what she did? Marahil ay mahal mo pa sya pero you no longer put your trust in her. Am I right about it? Don't tell me na pagkakatiwalaan mo pa ang isang babae who betrayed you after loving her?" "Marahil ay tama ka rin sa mga sinasabi mo. Masarap magtiwala sa isang tao at mahirap nang ibalik yung tiwala kapag nasira na," pag sang ayon ni Lars.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD