"Ganun? Parehas pala tayo kaya din siguro pinagtagpo tayo ng tadhana," sabi ng binata.
"Siguro nga? Pero ano pala ang nangyari sa iyo kanina, Lars? Bakit bigla yatang sumakit ang ulo mo?" nakangiting tanong ni Risa.
Napakamot sa ulo si Lars, alam ng binata na di lang isang imahinasyon ang nakita nito kanina kung di ang alaala ng kanyang nakaraan na biglang lumitaw sa kanyang isipan. Subalit wala pang balak ang binatang napakamot sa ulo sa naging tanong ni Risa.
"Ah? Wala, ganito naman ako eh, minsan ay sumasakit talaga ang ulo ko," sagot nyang naka bungisngis.
"Really? Because I am so concern kung madalas mo na itong nararanasan. Pede kitang ipa check up sa doctor kasi baka bigla itong mangyari sa harapan ni papa."
"Di, wala lang naman ito Risa, pasensya ka na sa nangyari pero maayos ang lagay ko. Sya nga pala, nabanggit mo kanina na dapat mag bahagi ako ng tungkol sa akin at nasabi ko na rin na mayroon akong kinakasamang babae. Ang pangalan nito ay Angel at nahulog ang loob namin sa isa't isa noon. Malaki ang utang na loob ko sa mga magulang nitong nagligtas ng buhay ko."
"Angel?"
"Oo, yan ang pangalan nya pero ipinagkasundo sya ng mga magulang nya sa isang napakayamang lalaki na mayroong galit sa akin. Pero sa maniwala ka man o sa hindi, sa tagal ng pagsasama naming dalawa, kahit na isang beses ay di kami nagsiping."
Nanlaki ang mga mata ni Risa na di nakapaniwala sa kanyang narinig.
"Seryoso ka ba sa sinabi mo ha? May hitsura ka naman, Lars at natitiyak ko na naaakit sayo si Angel dahil di naman siguro sya magpapakasal sa lalaki kung di nya mahal?"
"Mahirap man paniwalaan pero ito yung katotohanan. Masakit para sa akin kasi akala ko ay magkakaroon na ako ng pamilya noon. Subalit napapa isip din ako, mabuti na lang din siguro na di kami nagkaroon ng mga anak kasi balak pala nyang magloko."
"See? Di masamang magalit sa mga katulad nila. Walang wala yung time na niligtas ka nila kasi baka nga mayroon pang ibang gumawa nito. Sadyang sila lang ang nauna. Pero maiba ako ng usapan, wag mo na sanang i open kay Dad ang tungkol dito ha? Just this once, sakyan mo sana ang sinasabi ko at sabihin mo sa kanya na isa kang manager ng restaurant kung saan ako kumain last month and nagkikita na tayo since then. He hates any guy na mayroong sabit so ipapakilala kita sa kanya bilang isang binata, do you understand? I know na may kirot din ito para sa iyo sapagkat nako konsensya ka but don't worry about it, I've got your back, Lars. Titiyakin ko sayo na di ka mapapahamak kapag ako ang nagsalita sa kanya. All you need is to introduce yourself to him and that is all, tapos na ang problema ko."
Litaw na litaw sa muka ni Lars na mayroon pa s'yang pagdududa sa sinabi ng dalaga.
"Saglit, paano kapag tinanong nya ako tungkol sa pamilya ko? Kung sino ang mga magulang ko at iba pang mga bagay? Ano ang sasabihin ko sa kanya?"
"Lars, since you lost your memory, sabihin mo sa kanya na wala ka nang parents and you are on your own. Ikaw yung nagpaaral sa sarili mo, tumayo ka sa sarili mong mga paa hanggang sa nakapagtapos ka ng iyong pag aaral at nagka work ka. Dad truly admires hardworking people, yung mga taong sobrang dedicated sa buhay nila and I am so sure na mai impress mo sya nito and he is going to hold back sa plano nito for me na ipakasal ako sa ibang lalaki."
Kahit na masarap pakinggan ang mga sinasabi ng dalaga ay bakas pa rin ang takot kay Lars na mayroon pang pagdududa kung kaya ba nitong makapag sinungaling sa tatay ni Risa.
"Oh bakit tila mayroon kang agam agam Lars? Promise, I understand how scary it is to do something like this especially na di pa naman kayo nagkikitang dalawa ng papa ko but I can assure you na di kita ipapahamak. All you need to do is to put your trust in me, okay? I am not going to let you down, I swear!"
"Sige, walang problema, bilang malaki na rin ang utang na loob ko sa iyo, dapat na gawin ko kung ano ang gusto mo. Pero uunahan na kita ha? Di rin kasi ako marunong magsinungaling, gagawin ko yung best ko para kapag nag kaharap na kaming dalawa ng papa mo, titiyakin ko na di nito mahahalata na nagsisinungaling ako."
Hinawakan ni Risa ang kamay ni Lars at naging wagas ang kanyang ngiti.
"Sobrang thank you Lars ha? Promise, tatanawin ko ito bilang isang malaking utang na loob. I just feel so irritated sa ipapakilala ni Dad to me."
"Teka? Di ko alam kung naitanong ko na ito sa iyo noon pero nagkaroon ka na ba ng boyfriend dati? May naipakilala na ba ang papa mo sayo na nagustuhan mo pero na trauma ka?"
"Well, marami akong mga admirers noon pero ni isa ay wala akong sinagot not because I hated them, as a matter of fact, mayroon akong gusto sa ilan sa kanila, natipuhan ko pero di sila pasok sa standard ni Dad. I was so young that time, and he was in control of all my decisions eh wala akong magawa kasi natatakot ako na baka malawan ako ng allowance that time. By the way, nagtatrabaho na ako ngayon sa corporate ni Dad so I am earning my own money, not relying on him anymore which is a good thing at ang lahat ng mga cars na meron ako, I worked hard for them."
"Wow!" sabi ng binata, "Mukang malaki yata ang sinasahod mo sa company ng papa mo?"
"Actually yes, malaki ang sinasahod ko sa kanya but I also have my own investments na rin. Natuto lang ako sa mga trading, inaral ko ang mga ito and so far, sa umpisa mahirap i analyze pero at the end ay naging madali na ito for me. Ikaw, baka malay mo, soon enough, kapag bumalik na ang mga alaala mo, mayaman ka pala, mas mayaman than me."