EPISODE 16

1024 Words
"Balikan? Sa ngayon, wala pa akong planong bumalik sa kanila kasi paniguradong itataboy lang nila akong muli. Pero yung pag hihiganti, sumasagi na ang bagay na yan sa utak ko. Subalit parang imposible sa isang kagaya ko ang umangat, marami pa akong kakaining bigas bago ako umangat sa buhay. May nararamdaman pa rin ako sa dati kong kinakasama kaya mas maigi siguro kung timbangin ko muna ang sitwasyon. Eh kinupkop nila ako noong naaksidente ako, baka sa bandang huli ay daanin nila ako sa mga sumbat." "Kung pinahirapan ka nila sa loob ng mahabang panahon, wala silang karapatan na isumbat ang lahat ng mga naitulong nila sayo. Di sa sinasabi ko na mag higanti ka ngunit may rason ka upang magalit sa mga taong kumumkop sayo. Mahirap din ang masyadong mabait kasi inaabuso ka ng ibang mga tao. Dapat ipakita mo rin na matapang ka. Minsan, yung mga taong inaabuso, sila yung mga taong mahihina at di marunong lumaban." "Ang lalim yata ng hugot mo, Risa? Para yatang nakaka relate ka sa sinasabi ko?" "Somehow masasabi ko na nakaka relate ako sa sinasabi mo kasi ganito rin ang sitwasyon namin ni Dad. He thinks that I am still young and cannot decide on my own. At siguro ito yung masasabi ko na downside kapag anak ka ng isang mayaman na walang ibang hinangad kung di ang mas lalo pang yumaman. Ayaw nyang mag hirap kami kasi magiging kahihiyan raw ito sa iba naming mga angkan na namayapa na. Hirap, kaya di mo rin masabi na kapag mayaman ka ay perfect na ang buhay mo. So anyway, I will leave you na ha? I shall see you later and please sana ay inumin mo yung coffee because I was the one who prepared for that. Favorite coffee ko yan," nakangiting sabi pa ng dalaga. Natulala na lamang si Lars sa magandang dalaga na ito. Tila ay bumilis rin ang kabog ng kanyang puso. Pag alis ng dalaga ay kaagad ininom ni Lars ang kanyang kape. At nasarapan naman ang binata sa kape na gumising sa kanya kaya mabilis nya itong naubos. Naligo s'ya, medyo natagalan lamang sapagkat ito ang unang pagkakataon ni Lars na maligo sa ganitong klase ng sosyal na cr. Mayroong shower, mayroong salamin ang pintuan at automatic ang toilet. Maraming uri ng sabon at mayroon pang bath tub. Mabango ang cr at naka tiles ang sahig. Manghang mangha ang binata sa mga nakikita nya, malayong malayo ito sa bahay na natirahan nya dati. Mabilis na naligo ang binata at sinuot ang damit na binigay ni Risa para sa kanya. Isa itong puting polo shirt na swak na swak ang size sa kanyang malaking katawan. Ang ganda pa nga ng ngiti ng binata, poging pogi ito sa kanyang sarili. Sa buong buhay nya ay ngaun lamang nito naranasan na makasuot ng ganito kamahal na damit. Bumaba na sya at nakita si Risa na kumakain mag isa. Abala rin ang dalaga sa laptop nito habang nakain. Ang daming nakita ni Lars na mga pagkain at prutas na nakahain sa lamesa, isang bagay na hindi nito naranasan noong nasa bahay sya ni Angel. Pagbaba ni Lars, tumay lang ito at dinapuan ng hiya sa kanyang katawan. Lumingon si Risa at napangiti ito sa nahihiyang binata. "Come on Lars, let us eat! By the way, tama lang pala ang pinabili kong damit for you kanina. And I hope na paramihin pa ang damit ko. I want Dad to see you na presentable. First impression pa naman ang pinaka importante sa kanya!" Umupo na si Lars at napatingin ito sa mga plato sa kanyang harapan. Suddenly, nang makita nya ang mga ito ay sumakit ang ulo nya, napahawak sya rito at isang alaala ang tila sumagi sa utak nito kung saan nasa isa syang hapagkainan at kaharap nya ang isang tanda na mayroong malabong muka. Nag aaway sila ng dalawang ito at bigla syang umalis. He was really in pain as of this moment, napayuko pa nga ang binata. Sa labis na pag aalala ni Risa ay hinaplos nito ang likod ng binata at tiningnan sya ng mayroong pag aalala. "Lars, are you okay? If masakit ang ulo mo, I have medicine sa kwarto ko, tell me what is going on?" Nawala ang sakit ng ulo ni Lars at napatingin ito sa dalagang nag alala para sa kanya. "Wala ito, medyo sumakit lang ang ulo ko pero nawala din kaagad. Pero di ko alam kung paano gamitin ang mga ito maliban sa kutsara at tinidor." Tinuruan naman ng dalaga si Lars na kumain gamit ang mga kasangkapan sa harapan nito. Nagka usap pa ang dalawa habang sila ay masayang kumakain. Matapos nito ay sumakay kaagad sila sa magarang sasakyan ni Risa. Magkatabi silang dalawa sila at nang nasa loob na ay labis ang pagkamangha ni Lars sa ganda ng sasakyan ng dalaga. "Grabe Miss Risa, iba yung sinakyan natin kahapon at iba rin ang sinakyan natin ngayon. Ang dami mo sigurong mga kotse?" "Sakto lang naman ang kotse ko. Apat, ito yung nakita mo kahapon at yung dalawa na sports car ko, naka park din doon sa may garahe. Di ko yun masyadong ginagamit sa labas kasi mainit sa mata ng mga tao. Ito at yung kotseng ginamit ko kahapon, parehas kong mga paboritong gamitin. If you don't mind me sharing, napaka gala kong tao. As in, halos naikot ko na yata ang buong Metro Manila at kabisado ko na rin ang mga pasikot sikot sa mga daan. Madami na rin akong mga napuntahan na mga restaurants at mall, nanood ng sine at marami na akong mga nabiling gamit na di ko na rin kaylangan. Wala lang, happiness ko yun eh." "Wag ka sanang magalit ha? Pero gusto ko sanang itanong sayo kung mayroon ka bang mga kaibigan? Yung mga taong nakakasama mo sa pag gagala mo? Ako kasi, wala akong naging kaibigan simula nang mapadpad ako sa puder ng kinakasama kong babae." "Friends? I am also alone, nagkaroon naman ako ng mga kaibigan, noon ito noong nag aaral pa ako. Isa rin ito sa mga pinagbawal ni Dad, kapag daw di mayaman, wag ko raw kaibiganin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD