EPISPODE 14

1014 Words
Isang araw ang lumipas, habang si Lars ay mahimbing ay pumasok si Risa. Mayroon itong dalang mainit na kape sa kanyang kamay. Di kasi naka lock ang malaking kwarto ng mansyon kung saan mahimbing na natutulog ang binata. Nilapag ni Risa ang mainit na kape at nakita ang binatang naka hubad. Natagpuan ni Risa na masaya ang kanyang pusong bumibilis ang t***k habang titig na titig sa binata. "Sino ang mag aakala na sobrang bilis ng mga pangyayari, Lars? Sa isang iglap, ang problema ko na matagal ko nang iniisip kung ano ang magiging solusyon, ikaw lang pala ang makakapag bigay ng kasagutan. Ikaw yung duminggin sa mga panalangin ko. I know we are going to fake our relationship but I seriously don't mind kung mauuwi ang lahat ng ito sa seryoso. It's easy for me to trust someone specially when that someone has a face like him. Ang inosente tingnan nitong si Lars and I know na naging malungkot ang buhay ng lalaking ito that is why I want to make him happy again. And I will not be forcing him to tell his entire life when he does not feel like sharing it. Hinaplos ko ang pisngi ni Lars na tila ay napasarap sa tulog nito dito sa kwarto at kahit na tanghaling tapat na ay mahimbing ang pagkakatulog. O kaya ay nagpuyat ito sa kakaisip ng mga problema nito sa buhay. Somehow, I pity him, I may not experience a poor life pero alam kong di patas ang society sa mga taong walang pera katulad ni Lars. Sa mga taong walang maipagmamalaki, marami ang mga taong kumakawawa. Even galit ako sa dad ko, I am so thankful to him kasi naging maayos ang pagpapalaki nito. Tinuruan nya ako ng kagandahang asal at kung paano itrato ng maayos ang mga mahihirap na tao. Nasasabik ako na yakapin at hagkan ang lalaking ito. I want him to sleep more but we need to go derma care. He is already cute but I want him to be as handsome as my dream guy. I want him na kabugin ang lalaking ipapagkasundo ni Dad to me. Ipapamuka ko sa Dad ko that ako pa rin ang masusunod sa sarili kong buhay. I will never allow him na pakialaman ang magiging love life ko! Not in a million years that is why I am using Lars para di matuloy ang gusto nitong mangyari." ang pag sasalita ng dalaga mag isa sa isipan niya. Litaw sa tono ng pananalita ni Risa na galit ito sa ginawa ng kanyang ama. She then started kissing him on his cheeks, the only way she knows na magpapa gising sa binata. Napailing pa nga si Lars na nanlaki ang mga mata sa halik na natanggap nito mula sa magandang dalaga na tumanggap sa kanya. Nag nginitan sila at isang masayang pag bati ang natanggap ni Lars mula rito. "Good morning ang good afternoon! Mukang masarap ang tulog mo, Lars? Sorry if I entered your room without knocking on the door. I wanna wake you up na kasi we are going to a certain place." He smiled at her as well knowing that this is the only way he knows to make her happy. "Walang problema, sino ba ako para mag reklamo kung ikaw naman ang may ari ng napaka laking mansyon na ito? Eh ito ngang kwarto ko, halos doble yata nito ang laki ng pinagsamang kwarto ko dati at sala namin. Mayroon pa itong balcony na sobrang lawak, ang sarap pala talagang maging mayaman... ganito parati ang gising mo." Napabuntong hininga ng malalim ang dalaga na ani mo'y di nito tiyak kung paano sasabihin na di rin kaya ng pera na solusyunan ang lahat ng mga problema nito. "Siguro marahil tama ang mga sinasabi mo. Naiintindihan kita sapagkat nanggaling ka sa mahirap na pamilya at nasa isipan mo na kayang solusyunan ng pera ang karamihan sa mga problema subalit sinasabi ko sayo, di pera ang solusyon sa problema ko kung di ikaw. So please get up and take your breakfast and lunch, pupunta tayo sa dermatologist and then ipapa enhance natin ang hitsura mo. No offence to you but I really want you to look so decent when you face my dad so I am hoping that you will allow this to happen." "Retoke?" tanong ng binata na halatang nagugulahan, "Parang ganito ang tunog sa utak ko." "No, I promise that this is not what you think it is. Iba ang retoke sa pagpapa facial, trust my words Lars, wala tayong babaguhin sa muka mo. From the world itself na enhance, kung ano yung meron sayo, ile level up natin. By the way, I shall wait you sa baba ha? May dala pala akong coffee for you, inumin mo while it's hot. Then you can take a shower na, may damit na rin akong hinanda for you. Gusto ko kasi na maka-alis tayo ng maaga para maaga rin tayo makauwi. But I have some good news for you, made delay ang pag uwi ni Dad dito as he is minding his several businesses. S'ya nga pala, it would be much better if you say your life to me, more than what you told me the last time. Kanina sinabi ko sa sarili ko that I will not pressure you pero nag iingat ako just in case na magtanong si Dad. Ang panget kung di natin kilala masyado ang isa't isa tapos ipapakilala kita kay Dad." Ngumisi ng bahagya ang binata. "Wala naman masyadong laman ang buhay ko. Wala akong maalala, tapos yung nag iisang babae pa na mahal ko, tinaboy ako at sumama pa sa ibang lalaki. Ito na marahil yung pinaka masakit sa lahat. Yung tao na ang akala ko ay magiging kasama ko sa hirap, nasilaw sa pera at nagpa pressure sa pamilya nito. Di ko rin sila masisisi na gusto nilang guminhawa ang buhay nila pero mali na itrato nila akong parang isang malaking basura." "Mukang mabigat ang pinagdaanan mo sa kanila ha? So ano ba ang plano mo? Balak mo ba silang balikan upang makapag higanti?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD