EPISODE 14

1008 Words
"Oh Miss Risa? Akala ko po ba ay mag papahinga na kayo," sambit naman ni Lars na itinago sa kanyang likod ang rosas na nahulog sa kanyang harapan kanina. "Eh yun na nga eh. Hindi lang din kasi talaga ako makapag pahinga sa di ko maintindihang rason. Siguro ay sanay na rin talaga ako na gabi natutulog kahit na ang aga aga kong nagising kanina dahil sa dami ng inasikaso ko," sabi pa ng nakangiting dalaga. Dito ay na realize ni Lars na talagang totoo ang sinabi sa kanya ni Mang Erwan na maagang umaalis si Risa para sa negosyo nito kaya naman mababakas sa mukha ng binata na talagang nag aalala siya para sa kanyang among sobrang ganda sa kanyang paningin kahit na naka simpleng white tshirt lamang ito at naka suot ng maiksing shorts na kita ang kalahati ng kanyang legs. Subalit naka suot din ito ng heels kaya naman medyo tumangkad siya. "Ma'am, wag po sana ninyong pagurin ang sarili ninyo sa kakatrabaho," ang wika ng nag aalalang binata, hindi niya ito pina plastic dahil talagang nag aalala lang din siya sa lagay ni Risa na tumanggap sa kanya sa mansyon nito. "Baka lang po kasi kung mapaano lang kayo?" Lumapit naman si Risa kay Lars, "Ano ka ba? Wag ka nang mag alala sa akin kasi sobrang sanay na sanay na talaga akong mayroong problema. And besides, adult na rin naman ako. Wala man sa hitsura ko pero 27 years old na ako. Kaya lang, nag mumukha akong bata dahil madalas din akong nasa derma," sabi niya pa. Halos hindi naman maka paniwala si Lars sa kanyang narinig, hindi dahil sa hitsura nito kung di dahil sa murang edad ay naging isang ganap na mayaman kaagad si Risa. "Ay ganun po ba? Congrats po sa inyo Ma'am, masasabi ko po na talaga namang deserve na deserve ninyo ang lahat ng mga natatamasa ninyo ngayon sa buhay niya." "Salamat naman din Lars! Siya nga pala, ano pala yung nasa likod mo? Parang napansin ko kasi na meron ka yatang tinatago?" tanong naman ng dalaga. Ngayon, napangiti si Lars at nag pasya siya na ibigay ito sa kanyang napaka gandang amo. Lumapit siya hanggang sa katapat na nila ang isa't isa. "Flowers for you po," sabi ni Lars, "Alam kong sumisimbulo ang red roses sa romance pero gusto ko lang sanang ibigay sa inyo to bilang pasasalamat sa pag tanggap niyo sa akin. Wag po kayong mag alala kasi sa susunod po, bouquet na po talaga ng bulaklak ang ibibigay ko sa inyo." Namutla naman ang mukha ni Risa sa natanggap niyang bulaklak sa binata. Sa dami ng mga bonggang bulaklak na kanyang natanggap, talagang aminado ang dalaga na ang pinaka sweet sa lahat. Inamoy niya pa nga ito at mas naging doble naman ang kanyang kilig. "Thank you so much, Lars, you do not know how much it means to me. Kaya lubos lubos akong nagpapasalamat sayo kasi talaga namang pina gaan mo ang pakiramdam ko. Alam ko na ngayon lang tayo nagka kilalang dalawa at marahil ay sasabihin ng ibang mga tao na maling mag tiwala pero sa tingin ko naman ay talagang isa kang mabuting tao. And with that, I would say na..." Napa lunok si Risa ng ilang beses nang nag iba ang tingin sa kanya ni Lars. Para bang tumigil ang kanilang mga mundo sa sandaling ito. At ngayon na sa tingin ni Risa ay na love at first sight sa kanya ang binata, gusto na niyang ipagtapat ang gusto niyang sabihin dito. "Listen to me Lars," sabi naman ng dalaga. "Ano yun Ma'am?" ang tanong naman ni Lars na naka ngiti pa rin sa kanya. "Lars, I need your help. Sana naman ay matulungan mo ako," dagdag ng dalaga. "Anything Ma'am, pwedeng pwede po akong tumulong sa abot ng makakaya ko." This time, wala nang inaksayang oras pa si Risa at bigla na lamang niyang hinalikan ang labi ng binata. Halos manlaki ang mga mata ni Lars sa ginawa ni Risa ngunit aminado siya na talaga namang nasarapan din siya sa matamis na halik ng kanyang boss. Umabot nang ilang minuto bago sila huminto sa kanilang ginagawa. Sobrang speechless na ngayon si Lars na parang umurong ang kanyang dila sa bilis ng mga pangyayari. Natulala na lamang siya ulit sa mukha ng magandang dalaga sa kanyang harapan. "I know na sobrang nabigla ka sa nangyari kaya lang let me explain this to you, Lars! Si Dad kasi ang tumawag sa akin kanina at sinabi niya sa akin na ipag kakasundo niya akong muli sa isang mayamang negosyante na hindi ko naman mahal. Ang nakaka inis pa ay pupunt bukas si Dad dito sa mansyon kasama ang lalaking ito at iaayos na nila ang aming wedding. This is really urgent matter at wala na talaga akong ibang taong pwede kong malapitan bukod sayo. Kaya naman, in stead na maging isang body guard ay gusto kong mag panggap ka bilang boyfriend ko at soon to be my husband. Wala kang ibang iintindihin dahil ako ang bahala sa lahat. Basta ang kina kailangan ko lang ay sakyan mo ang pag papanggap nating ito kasi ayaw ko talagang maikasal ako sa lalaking hindi ko mahal. Sure ako na tatameme si papa kapag nakita niya na may iba akong kasintahan," ang mahabang paliwanag pa ng dalaga. Mas lalong natulala si Lars sa sinabi ni Risa sa kanya. Bukod pa rito ang halikan nilang dalawa kahit na ngayon lamang sila nagka kilala. Subalit gusto rin ni Lars ang nangyayaring ito at gusto niya rin na madaling maka limot kaagad sa pag sasama nilang dalawa ni Angel na sobrang pait. "Ma'am Risa, sobrang nagpapasalamat lang din po ako sa inyo. At dahil sa boss ko kayo, bukal na bukal po sa aking kalooban ang pinapagawa ninyo sa akin. Gamitin niyo lang po ako sa paraan na gusto ninyo. Wala naman po itong magiging problema pa sa akin. Basta, malaki po ang utang na loob ko sa inyo sa lahat ng tulong ninyo," sagot ng naka ngiting binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD