Naguluha namang bigla si Lars sa kanyang narinig pero naalala niya na sinabi pala ni Risa na mataas ang standard nito pag dating sa pag pili ng lalaki.
"Grabe? Akala ko talaga kapag mayaman ay wala nang mga problema dahil sa mayroon silang mga pera," ang mga salitang binigkas ng bibig ni Lars matapos ang ilang sandali.
"Lars, actually pera lang din naman dahilan kung bakit gustong ipagkasundo si Risa ng tatay niya sa lalaking dumalaw rito isang buwan na ang nakaka raan. Ang sabi pa nga ng ilang mga kasambahay na naka rinig ay bilyonaryo ang lalaking ito at marami din siyang mga negosyo sa loob at labas ng ating bansa. Kaya wag mong isipin na porket mayaman sila ay di na nila problema ang pera. Ang mas iniisip nga nila ay kung paano pa mas yumaman. Pero ako ayos lang sa akin kahit na hindi ako masyadong mayaman. Simpleng buhay man pero at least kahit papaano ay wala na akong masyadong iniisip. Tingnan mo si Madam. maaga pa lang ay talagang umaalis na siya at puro sangkatutak na problema sa kanyang mga negosyo ang madalas niyang inaalala."
"Kahit naman po sigurong tao, gustong umangat sa buhay eh," pananabat ni Lars, "Kagaya ko po na madalas ding maliitin ng ibang tao kasi nga basura lang ang tingin nila sa akin. Subalit kung may pera naman po ako, natitiyak ko po na mag babago ang tingin nila sa akin eh. Sa mundong ito po, pera lang naman talaga ang solusyon sa lahat ng mga problema. Ang pera na tao din ang may gawa."
"Oh siya Lars, tsaka na lang tayo ulit mag kwentuhan ha? Basta kung mayroon ka lang kailangan ay tawagin mo lang din ako."
"Sige po, pero yung iba pong mga tauhan ni Madam dito ay mga guards niya po?" tanong naman ng binata.
"Ahh... dalawa lang naman din ang bodyguards na kasama ni Madam palagi. Isa sa kanan at isa sa kaliwa. Pero siya nga pala, since nabanggit mo ito, ano pala ang dati mong naging trabaho ha?"
Kinabahan naman si Lars sapagkat hindi naman talaga siya nag sasabi ng totoo umpisa pa lang. Subalit wala naman siyang ibang choice kung di ang mag sinungaling ulit.
"Dati po akong guard sa isang warehouse," sagot niya pa.
"Good! Eh di marunong ka na rin pa lang humawak ng baril? Kung ganoon ay wala nang kaso yan. Isa kasi yan sa mga sobrang importanteng kailangan matutuhan ng guard ni Ma'am sapagkat requirement din niya ang mayroong baril."
"Baril?" napa kamot naman sa ulo si Lars at tumawa ito ng awkward, "Actually, hindi naman po talaga ako marunong humawak ng baril kasi batuta lang po ang hawak ko doon. Kaya pasensya na sana kayo," pag papatuloy niya pa.
"Ano?" pag tataas ng boses ni Mang Erwan na mas lalo na tuloy nag dududa kay Lars, "We? Talaga ba? Kanina, sinabi mo na nag iisa ka na lang sa buhay, tapos ngayon di ka marunong humawak ng baril? Yung totoo Lars, masyado na kasi akong matanda at halos kayang kaya kong bumasa ng tao. Ang tanong ko, ano ba talaga ang totoo sayo ha? Guard ka tapos hindi ka pa gumagamit ng baril noon?"
"Pramis, hindi naman po ako mag sisinungaling sa inyo eh," sabi ni Lars na napa lunok na lamang, napag tanto niya na ang kanyang kausap ay isang mahusay na tao na kayang humuli ng sinungaling. "Kaya sana naman po ay paniwalaan ninyo ang sinasabi kong ito."
"Hays? May choice pa ba ako? Kung di ka marunong gumamit ng baril, eh di batuta ang dadalhin mo kapag kasama ka sa lakad ni Madam? Ganun ba?"
"Willing to learn naman po ako eh. Lahat naman po siguro ng mga bagay ay madali na lang din matutuhan. As long as pag bibigyan po ako ng boss natin, sisikapin ko po talaga na matuto alang alang sa trabahong ito," muling paliwanag pa ni Lars, yamot na yamot na siya at ayaw na niya talagang makipag usap sa matandang kanyang kaharap ngayon.
"Sige, bahala na kayo ni Ma'am na mag usap. Hindi ko na uusisahin pa ang bagay na ito," sabi pa ni Mang Erwan.
Tumalikod na ang matanda at dumeretso na ito ng lakad. Nang maka alis na siya sa kwarto ni Lars ay napa buntong hininga ng malalim ang binata.
"Wuuu! Muntikan na ako doon ha? Talaga naman, bakit kahit saan ako mag punta ay sinusundan talaga ako ng kamalasan? Noong una ay si Andrew, pangalawa ang pamilya ni Angel, at ngayon naman ay mayroon pang isang matanda na minamanmanan ang bawat kilos ko. Sure ako na di siya kumbinsido sa mga sinabi ko sa kanya. Paano na lang kaya ako nito? Sana naman ay wag akong itakwil ni Risa dahil siya na lang talaga ang pwede kong asahan ngayon sa buhay ko. Kung wala siya ay hindi ko na alam kung saan na ako pupunta? Basta, hindi ko ito pwedeng hayaan na mangyari na lang sa akin," muling bulong ni Lars sa kanyang sarili.
Humigop siyang muli ng kape at pag lingn naman niya sa tapat ng balcony ay tuluyan nang nawala ang rainbow sa kanyang harapan. Kung mayroon man siyang isang nagustuhan sa sinabi ni Mang Erwan kanina, ito ay ang tungkol sa pag asa na sumisimbulo sa rainbow. Natagpuan naman niyang nakangiti ang sarili niya habang papalapit siya sa balcony, iniisip ang bilis ng mga pangyayari sa kanyang buhay.
Hanggang sa mamaya pa, habang palalim ang kanyang iniisip ay bigla na lamang lumipad sa kanya ang isang red rose na may tangkay pa. Kinuha niya ito ay inamoy. Para bang mas lalo siyang nagkaroon ng pag asa sa buhay at gumaan ang kanyang pakiramdam habang hawak hawak ang rosas na ito.
Sa ngayon, ang tanging hiling na lamang ni Lars ay ang tuluyang manumbalik ang kanyang memorya at maging mayaman.
"Mukhang nag e enjoy ka sa magandang tanawin ha?" ang tanong ng isang pamilyar na boses ng isang babaeng nanggaling sa kanyang likuran.
Nang lumingon naman si Lars, halos malaglag na lamang ang kanyang panga ng makita ang babaeng sobrang lakas ng dating sa kanya.