Sakay na kami ng taxi at ang ilang gamit namin ay iniwan na namin.Tanging mga mahahalagang dokumento at iilang damit lang ang dinala namin.Habang lulan kami sa sasakyan ay naisip ko na kahit gaano pa kasakit ang ginawa sa akin ni Eugene ay hindi ako puwedeng maglugmok na lang sa sulok. Palaban ako at hindi ako magpapadaig sa nararamdaman ko.Nakarating kami sa Taguig at nagulat ako dahil isang napakalaking mansiyon ang bumungad sa amin.Akala ko isang simpleng house and lot lang kaya agad akong napatingin kay mama at papa, kapwa sila ngumiti sa akin. “Ito `yung sinasabi kong bahay at lupa na pag-aari ng aking kaibigan.Maganda ang lugar,tahimik hindi katulad sa tinitirhan natin na maingay at magulo,” malumanay na wika ng aking ina. “Sa laki nito? Mansiyon na ito, Mama.Tatlo lang tayong tit

