Pinunasan ko ang mga luha kong ayaw pa rin tumigil sa pag-iyak.Huminga ako ng malalim tsaka ako nagsalitang muli. “So, ang ibig mong sabihin ay palabas lamang itong lahat? Lahat ng sinabi at ipinaramdam mo ay pawang kasinungalingan lamang?” Halos hindi ko lubos maisip na pwede itong mangyari sa aming dalawa. “Oo.Lahat ng ipinakita ko sa iyo ay pagpapanggap lang.Ang totoo niyan ay sa simula pa lamang ay scripted na ang lahat.Come to think, Laurenz. Nagtagpo ang mga landas natin kung saan nasiraan ka ng sasakyan.Lahat ng nangyari sa araw na iyon ay planado ko.Pati na ang pagkakaroon ng malaking utang ang mga magulang mo.Tinakot ko ang mga magulang mo para pakasalan ako kahit wala naman talagang utang ang mga magulang mo sa akin dahil gawa-gawa ko lang 'yon.Gusto lamang kitang gawing laruan.

