Pagkatapos kong mag-empake ay naligo agad ako at nagbihis ng mabilis.Napaupo ako sa aking kama dahil naisip ko kong tama ba itong gagawin ko.Sinuot ko ang shades ko at inaayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin. Naisipan kong bumaba para kumain.Paglabas ko ng pintuan ay nakasalubong ko si Eugene na akma sanang papasok sa silid ko.Hinagod niya ang kabuuan ng suot ko at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.Iilang bultahe ng kuryente ang naramdaman ko ng hawakan niya ang kamay ko kaya pinalis ko ang kamay niya. “Bakit ganyan ang suot mo? Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong nito. “Uuwi na ako sa amin.Ayoko na dito sa mansiyon mo.Maghiwalay na tayo," agad kong sagot kaya hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at matiim na nakatitig sa akin. “At sa tingin mo ba papayag ako sa gusto mo

