Ralph Pov Iba talaga ang kutob ko sa kasama ni Laurenz.Parang may something sa kanilang dalawa.Totoo nga kaya ang sinabi ni Tita Jenevel tungkol doon sa pagpapakasal ni Laurenz? Hindi kaya 'yong lalaking kasama niya ay asawa niya? Pero paano nangyari na kailangang magpakasal siya ,eh kung tutuusin ay tomboy naman si Laurenz. “Ang lalim ng iniisip mo.Kasing lalim ng Pacific ocean,” saad ni Erwin kaya napangisi na lamang ako. “Iniisip ko pa rin kasi 'yung sinabi ni Tita tungkol doon sa pagpapakasal ni Laurenz.Hindi kaya totoo ang sinasabi niya at nagsisinungaling lang si Laurenz para hindi natin siya kulitin pa?" tanong ko habang nakatitig kay Erwin. “H’wag mo ng isipin ang mga bagay na 'yan dahil kahit kailan hindi naman naglilihim sa 'tin si Laurenz.Magtiwala tayo sa kanya at kung toto

