Laurene Pov Gusto ko ng makipaghiwalay kay Eugene.Gusto kong magpakalayo-layo.Napapagod na ako sa nararamdaman ko para sa kanya.Nahihirapan na ang puso ko lalo na ngayon na alam kong parang lumalim na ang nararamdaman niya para sa kanyang nililigawan.Nadudurog ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang boses ng babaeng nililigawan niya. Wala akong karapatan na sabihin ang totoo kong nararamdaman kasi alam ko naman kung bakit kami naging mag-asawa at ayokong marinig sa kanya, na hindi niya ako gusto. Nandito ako ngayon sa paborito kong tambayan 'nung nag-aaral pa lamang ako.Pagkatapos kong mag-out ay tinakasan ko na ang driver na magsusundo sa 'kin.Gusto kong mapag-isa muna. Bakit ba kasi ako nainlove sa kanya? Bakit siya pa? Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone pero hindi ko ito pi

