Malapit na matapos ang buwan ng anihan, ang paligid na kay gandang tignan. Sa sariling paningin ni Myle, ang buwan ng anihan ang pinakamagandang tignan sa hindi malaman na kadahilanan, siguro ‘y dahil na rin sa mga taong hindi nauubusan ng trabaho at mga pamilya na may pangtustos matapos ang mahabang panahon na paghihintay. Masarap sa balat ang malakas na hangin, ang sikat ng araw na hindi nakakapaso. Hapon na nang mapagpasyahan na lumabas, katatapos pa lamang niya gawin ang bestida na susuotin sa darating na kaarawan ni Legina. Isang lingo rin siyang kinulit ng kaibigan na sumama, hindi ito papayagan ng magulang hanggang hindi siya kasama kaya’t sa bandang huli ay nilamon na naman siya ng konsensya. Batid niya madalas silang i-kompara ng magulang ni Irene, masakit iyon sa kaibigan nguni

