Malakas ang sariwang hangin na umiikot sa buong lugar, ang sikat ng araw na hindi masakit sa balat, at ang mga tawanan ng mga batang naghahabulan sa daan. Maganda ang araw ngunit kasalungat non ang busangot na mukha ng binatang naghihintay sa labas ng bahay ng nililigawan. “Bakit ka pa sumama?!” Singhal at matalim ang tingin na tanong ni Yaji kay Leal na prenteng nakaupo sa loob ng sasakyan. “Nang-aasar ka ba talaga.” Hindi siya nito pinansin bagkus ay inilabas ang ulo at sinusuri ang buong paligid. “So, ito pala ang bahay niya, kasing laki lang ng isang kwarto sa Hacienda niyo.” komento nito na mas lalong nagpainit ng ulo niya. “Ngayong nakita mo na ang laki ng bahay niya ay pwede ka na umuwi ng Hacienda, magpasama ka kay Legina mag-ikot at tigilan mo na ang kabubuntot.” minsan na nga

