“Pre, hindi pa rin ba kayo tapos?” Iritableng tanong ni Leal, hawak at humihigop ng buko juice na papalapit sa dalawang seryosong nag-uusap. “Pasensya na sa pagsira ng moment niyong dalawa, wala naman maganda dito at puro tubig lang ang makikita. Pwede ba magpunta na tayo sa susunod na destinasyon—“ Naputol ang sasabihin ng lumipad sa kinatatayuan nito ang isang pares ng tsinelas ni Yaji. Nangangalaiti sa kaibigan na kanina pa sinisira ang araw niya. “Wala kang pakisama, ikaw ang nagpumilit na sumama at ngayon ay ikaw pa ang malakas na magreklamo. Umalis ka sa harapan ko, baka hindi lang tsinelas ang lumipad sa iyo!” gigil na usal ni Yaji at nag-aakmang kumuha ng bato na papaliparin papunta kay Leal. “Pasensya na sa paghihintay, tapos na kami, babalik na rin kami sa sasakyan.” Hindi mag

