Chapter 10

1141 Words
Chapter 10 - Genny's POV - Agad akong pumunta sa bahay at pagkadating ko doon ay naroon nga sila Mommy at ang Mommy ni Troy. Agad akong pinaupo ni Mommy at nag-kwentuhan sila ng Mommy ni Troy tungkol sa kasal namin ni Lucas. Ako naman ay hinila ni Troy palayo sa kanila at muhkang busy talaga sila dahil hindi nila ako napansin. Dinala ako ni Troy sa garden namin at doon kami naupo. Dahil maganda ang atmosphere doon kapag oras ng syesta. "Yaya, paki kuha nalang kami ng coffee. Thank you." Sabi ko na agad din naman sinunod ng kasambahay namin. "Hindi parin ako makapaniwalang kasal ka na." Natatawang sabi nya habang nakatingin sa kung saan. "Nahuli pa ako." Sabi nya pa na may ngiting hindi ko masabi kung masaya ba o nanghihinayang. "Naku, ok lang. Ako nga din nagulat, ehh. Napakabilis din nang mga pangyayari." Sabi ko. "Ano kayang mangyayari kung di ako umalis at nag-stay nalang sa tabi mo?" Sabi pa nya at may emosyong hindi ko mapangalanan. Naiilang naman akong natawa. "Ano ka ba. You don't have to be this serious. Ok na ako ngayon." Nakangiting sabi ko. Naiilang ulit akong tumawa at tumikim. "By the way, ikaw? Kailan ka ikakasal? Naku, ang tagal-tagal mo nang papalit-palit ng girlfriend, naunahan pa kita. NBSB nga ako, ehh." "I'm late." Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Malapit na din." Sabi nya at mahinang natawa. Nakitawa naman ako sa kanya. Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko at agad ko din namang sinagot. "Hello?" Tanong ko. "Hello? Genny?" "Ohh, Kuya Gerry, anong meron? Napatawag ka?" "Nasaan ka?" "Nandito sa bahay, bakit?" "Pwede ka bang pumunta dito sa ospital. Nandito kasi si Lucas, ehh." "Sige." Agad kong sabi. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. "Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Troy sa akin. "Pupuntahan ko lang si Lucas." Sabi ko at umalis na ng hindi inaantay ang isasagot nya. Sandali akong nagpaalam kay Mommy at agad na ding umalis. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ako sa ospital na sinsabi ni Kuya Gerry at pagdating ko doon ay naroon ang asawa ko, mahimbing na natutulog. Maya-maya pa at lalapit na sana ako kay Lucas ng biglang dumating si Kuya Gerry. "Nandito ka na pala?" Sabi nito at pinaupo ako. Nang maayos na akong nakaupo ay doon na ako nagtanong. "Anong nangyari kay Lucas? Bakit nandito sya sa ospital?" Nag-aalala ko nang sabi. "Nalason sya." Mahinang sabi nito pero parang isinigaw nya ito ng malakas sa akin dahil parang nabingi ako. Parang bigla din akong nahilo at parang sobrang sumasakit na ngayon ang puson ko. Maya-maya pa ay mas lalo itong sumakit at napahawak na ako sa ulo ko dahil sa sakit ng ulo ko at pagkahilo ko. Biglang nagdilim ang paningin ko at bigla nalang akong bumagsak at ang tangi ko nalang natinig ang pagtawag ni Kuya Gerry sa akin bago tuluyang dumilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay. ________________________________ - Lucas' POV - Bigla akong tinext ni Genny na pupunta daw sya sa bahay nila dahil ipinatawag sya ng mommy nila. Sinabi nya din na nasa office ko na ang pagkaing niluto nya at initin ko nalang daw bago kainin. Kasama ko ngayon si Gerry at nag-di-discuss kami about some matter. "Who's it?" Tanong nya. Marahan lang akong ngumiti. "It's my wife." Sagot ko. "I'm glad that she got your trust. You still have trust issues, I'm glad that you two are getting well." Sabi nya. "Yeah, pero nandito parin sa akin yung trust issues ko." Sabi ko pa. Pumunta na kami sa office ko at muhkang matatagalan pa ang pag-uusap naming dalawa. May dala din syang pagkain na niluto daw ni Jenny at sabay kaming kumain. "It looks so good." Komento nya sa pagkain ko. "Well, my wife is a chef. It should be." Sagot ko naman. Kumuha agad ako ng kaunti para tikman ang niluto nya at wala din naman akong balak ubusin dahil baka bumalik din sya kaagad. Pagkasubo ko ng maliit na piraso ay agad akong napapikit dahil sa linamnam na dala ng niluto nya. Nang magmulat ako ay nakita kong nakatingin na si Gerry sa akin. Napabuntong-hininga ako at akmang susubo ulit ng biglang parang kinurot ang puso ko. Napahawak ako doon at dibdib ko kung nasaan ang puso ko dahil parang pinipiga na ito. Nagsimula na din akong hindi makahinga at bigla nalang akong natumba. Hindi ko na marinig at maintindihan kung anong nangyayari sa paligid ko ngayon dahil parang nablangko na ang utak ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. ________________________________ Nang magising ako ay muhkang nasa ospital na ako. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko at agad namang tumama ang paningin ko sa katabi kong higaan at napakunot ang noo ko ng makitang nakalatay din doon ang asawa ko. "Genny?" Kunot-noo kong sabi. "Lucas, gising ka na pala..." Biglang sabi ni Mommy sa gilid ko. "Why is she here?" Hindi ko alam pero bigla nalang uminot ang ulo ko. "What happened to me?" Tanong ko pa. "Lucas, you got food poisoned." Mahinahong sabi ni Mommy. Ako naman ay napaisip kung paano nangyari iyon at lalong nag-init ang ulo ko ng maisip ko kung sino ang may gawa non. "Why is she here?" Naiinis ko nang tanong. "She collapsed. It's because she skipped meals and collapsed." Sabi pa ni Mommy habang nakatingin kay Genny. Nag-iwas naman ako ng tingin sa asawa ko dahil nararamdaman ko parin ang sakit ng pang-ta-traydor nya. 'She skipped meals just to get rid of me? Fantastic!' Nahiga nalang ako ulit at pinilit makatulog. Makalipas ang ilang minuto ay kinain na ako ng antok at tuluyan nang nakatulog. Pagkagising ko ay gising na si Genny at sya na ang nagbabantay sa akin at umuwi na daw si Mommy. Naging tahimik ang buong paligid namin at talagang ayoko syang kausapin. Lumapit sya sa akin at naupo sa tabi ko, kinahihigaan ko. May kinuha syang pagkain sa tabi nya at muhkang ipapakain nya sa akin pero agad akong umayaw. "Lucas, kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo, ahh? May problema ba?" Tanong nya. Iling lang ang isinagot ko sa kanya. "Just eat it yourself. Para maramdaman mo din kung anong pakiramdam ng nalalason." Malamig na sabi ko. "Lucas, what the h*ll are you saying?" Nagtataka nyang tanong. Natahimik sya sandali bago sya nagtanong ulit sa akin. "Are you saying that I poisoned you?" Hindi makapaniwala nyang tanong. Napaiwas nalang ako ng tingin. "What the h*ll, Lucas? We're been together for almost 5 months and yet, you still didn't trust me?" "Just get out for a while." Iyon lang ang sinabi ko sa kanya. Nagsisimula na kasi syang umiyak at ayoko naman syang makitang umiyak. Tumungo ito at itinabi ang pagkain bago umalis. - To Be Continued - (Sun, November 28, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD