Chapter 11

1121 Words
Chapter 11 - Genny's POV - Hindi parin ako makapaniwalang pinag-iisipan ako ng masama ni Lucas. Iniisip nyang nilason ko sya. Hindi ko naman kayang gawin sa kanya iyon at alam naman nya iyon pero bakit bigla nalang syang naging ganon. Napahawak ako sa tyan ko at inisio kung paano ko sasabihin kay Lucas ang pagdadalang-tao ko. Balak ko sanang sabihin sa kanya iyon kapag nagising na sya. Gusto ko syang isurpresa pero ako pa ang nasurpresa nya. Nag-iimbistiga na sila ngayon at nakakapasok lang ako ng kwarto ni Lucas kapag tulog sya. Bumisita ang mga kaibigan nya habang nagbabantay ako at doon nila ipinaliwanag ang trust issue ni Lucas. Kahit na naiintindihan ko na ngayon, parang nasasaktan parin ako. Nasa bahay ako ngayon at pinagpapahinga nila ako. Wala pang nakakaalam sa kanilang lahat dahil balak ko sanang kay Lucas muna sabihin pero muhkang malabo kong magawa iyon ngayon. Nagpahinga ako sa bahay dahil parang pagod na pagod ako. Nang magising ako ay dumating na sila Lucas. Halatang aya parin ni Luca makita ang muhka ko dahil hindi ito makatingin ng maayos sa akin. Mas lalong hindi ko na tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang pagbubuntis ko. "Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang kumain?" Mahinahon kong tanong. "I don't want to eat your cook. Ayokong bumalik nanaman sa ospital." Sabi nya naman. Umalis sya sa kinauupuan nya at iniwan akong mag-isa sa sala. Napahawak naman ako sa tyan ko at napabuntong-hininga. Nagluto ako ng pagkain ko at hinanap si Lucas pero hindi ko sya makita sa buong bahay. Pumunta ako ng kwarto nya dahil muhkang naroon na sya. Pagpasok ko sa kwarto nya ay agad bumungad sa akin ang nangangatog at nanginginig sa lamig na si Lucas. Agad kong tinignan kung malamig ang kwarto nya pero sakto lang naman ang kwarto nya. Napabuntong-hininga ako at lumabas ng kwarto nya para kumuha ng batya, ng maligamgam na tubig, at ng face towel. Pagbalik ko sa kwarto nya ay pinatay ko ang aircon ng kwarto nya at pinainom sya ng gamot. Dahil muhkang wala sa sarili si Lucas ay mabilis syang sumusunod sa mga sinasabi ko at hindi din ako nahirapang alagaan sya. Mabuti na rin iyon dahil ayokong masyadong mahirapan dahil baka makunan pa ako. Lumipas ang ilang oras ay tumigil na ang pangangatog nya at mahimbing na din syang natutulog. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog nalang din ako bigla sa tabi nya. Hindi ko alam pero gusto ko nalang matulog din. ________________________________ - Lucas' POV - Hindi ko alam pero paggising ko kanina ay parang nanghihina ang katawan ko pero ng magising ako ngayon ay medyo ok na ang katawan ko. Napatingin ako sa katabi ko at nagulat ng makita doon ang asawa ko. Gustuhin ko man syang paalisin, hindi ko naman magawa dahil wala akong lakas. Ipinalibot ko ang paningin ko at nakahinga ng maluwag ng makitang nandito lang ako sa bahay. Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero nanghihina parin ako hanggang ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog ulit ako. Nang magising ako ulit ay maayos na ang pakiramdam ko. Naglinis muna ako ng katawan ko bago ako lumabas ng kwarto at agad bumungad sa akin ang asawa kong natutulog sa sala at nakahawak sa tyan nya. Napailing-iling ako at lumapit sa kanya at dahan-dahan syang binuhat. Masama ang loob habang hawak sya sa mga bisig ko at naiisip kung anong nangyari sa akin at naiinis sin dahil nagawa na nya ang gusto nya pero di parin nya kayang alagaan ang sarili nya. Ihiniga ko sya sa kwarto at inayos ang kama. Out of no where, napatingin ako sa tyan nya at napansing parang mas lumaki ito ng huli ko itong nakita. Napaisip naman ako kung kailan ang huling may nangyari at naisip na almost 5 months na din nung ikasal kami. Bigla kong naisip na baka buntis sya kaya agad akong naghanap ng dokumento na magpapatunay na nagdadalang-tao nga sya. Makalips ang ilang minutong paghahanap, nakakita na ako ng dokumentong buntis nga ang asawa ko. Biglang nag-init ang mata ko at naluha nalang ako. Nilingon kong muli ang asawa ko at napatingin sa tyan nyang muhkang lagpas na ng dalawang buwan. Dahil hindi ko alam ang gagawin ay lumapit nalang ako sa kanya at marahang hinawakan ang tyan nya. ________________________________ - Genny's POV - Nangmagising ako ay nasa tabi ko na si Lucas at nasa kwarto na kaming dalawa. Nakahawak ito sa tyan ko at hawak pa ang resulta ng check-up ko. Inayos ko ang higa nya at saka ako dahan-dahan umalis ng kama. Pagkatayong pagkatayo ko palang ay agad akong napatakbo sa banyo dahil bigla akong nahilo at biglang hinalukay ang tyan. Ganito ako palagi pagkagisng ko kaya ayokong natutulog palagi dahil ganito ang nangyayari sa akin. "Genny." Biglang sulpot ni Lucas. Tinulungan nya akong makatayo at pinainom ng tubig. "Ayos ka na?" Tanong nya sa akin. Nang matapos akong uminom ay doon ako tumango-tango. "Nahihilo ako." Nanghihina ko paring sabi. Dinala nya ako sa labas ng banyo at pinaupo nya ako sa kama namin. "Just stay here. Kukuha pa ako ng tubig." Sabi nya at hindi na hinintay ang sasabihin ko at iniwan na agad ako. Ako naman ay wala nang nagawa kung hindi ang maghintay nalang sa kanya. ________________________________ - Lucas' POV - Agad akong bumaba para kumuha ng tubig dahil muhkang inataki ng morning sickness si Genny. Muhkang hirap na hirp ito kanina dahil hindi na sya makatayo ng maayos kanina at sobrang gaan na din nya kanina. Medyo namumutla pa. Agad kong kinuha ang pitchel na pinuno ko at nilagyan ito ng takip pero akmang aakyat na ako ng may marinig akong parang nabasag sa itaas at parang may impit ding sumisigaw doon. Agad akong naalarma at iniwan na ang kinukuha kong tubig. Dali-dali akong umakyat at nagdadasal na sana walang nangyaring masama sa mag-ina ko. Pagkaakyat ko sa kwarto ay wala na akong nadatnang tao doon at tanging liwanag nalang buwan ang naroon at mga basag na gamit at sliding door namin sa teresa. Agad kong inilabas ang phone ko at agad tinawagan si Genson. Hindi ko alam pero kinakabahan na ako agad at nangangatog na din ako. Makalipas ng ilang minutong pag-ri-ring, sinagot na nya din sa wakas. "Ano ba, Lucas? Gabing-gabi na. Nagpapahinga na ako." Reklamo nito. "Pinasok ang bahay namin at kinidnap ang mag-ina ko. Hurry up, and find them." Sabi ko. Pinatayan naman ako nito ng tawag. Hindi ko alam pero paglipas ng ilang minuto ay may kumatok sa pinto. "What happened? Nag-away ba kayo ni Genny? We heard some glass break." Nag-aalalang sabi ni Jenny. "Kinidnap si Genny." Iyon lang nasabi ko. - To Be Continued - (Mon, November 30, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD