Ipinabibihag ni Edwin ang mga walang kalaban-laban na tao na siyang mahihirap at hindi nakapagbabayad ng tamang mga buwis na kinukuha araw-araw ng mga kawal niya para sa palasyo. Sa loob ng bilangguan ay halos mamatay na sa gutom ang mga taong naroroon at sinasaktan lamang ito ng mga kawal kung maibigan ng mga ito. Kaawa-awang mga tao na nais lang naman mamuhay ng may kapayapaan at kasama ang mga mahal sa buhay. Ngunit dahil sa maling pamamalakad at walang kahabagan ni Edwin para sa mga tao ay nagdurusa ang mga ito habang ang sarili lamang nito ang iniisip at pinahahalagahan. Kaya naman labis ang pagdaramdam ni Henry nang malaman niyang isa-isang pinapaslang ang mga kawawang bilanggo sa palasyo dahil lamang sa hindi niya pagsuko kay Edwin. Nagngangalit sa galit ang kanyang dibdib para sa

