Napatitig na lamang si Amiera kay Henry at tila hindi nito malaman ang sasabihin o ang magiging reaksyon sa sinabi ni Henry sa kanya. Hindi siya sigurado kung tama ba ang mga narinig niya mula sa binata. Dahil ngayon ay kasulukuyan na ngang gumagawa ng ingay ang kanyang puso at tila nagwawala ito sa kanyang loob ng dibdib. Hindi niya alam kung paano siya sasagot sa binata, at ipinagpapasalamat niyang may mga dumating na tao nang oras na iyon. Dahilan upang kapwa silang ma-distract ng binata. Isang grupo ng mga kalalakihan ang dumating at ang lumapit sa kanila. Kasama ng mga ito si Lorenzo at si Carlito na agad namang hinarap ni Henry. Nagbigay galang ang lupon ng mga kalalakihan kay Henry. Kinilala din ng mga ito si Henry bilang kanilang tunay na Hari. Tunay na Hari ng mundong ito. Ng M

