“A-Ano bang klaseng tanong iyan—” “Kung ganoon, alam mo na ba ang pakiramdam ng takot na baka may mangyaring masama sa taong mahal mo?” putol na tanong ni Henry kay Edwin habang may seryoso itong mga tingin. “A-Ano?” utal na tanong naman ni Edwin sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang labis na pag-aalala para sa asawa nitong si Fara na siyang hawak ngayon ni Henry. “Ilang buhay ang sinayang mo? Ilang buhay ang walang awa mong ipinapatay?” tanong ni Henry kay Edwin. Tanong na ramdam na ramdam ang galit. “Mas masahol ka pa sa hayop kaya anong karapatan mong magmahal?” “A-Ang mga taong iyon… mahihina sila. At ang mahihinang tulad nila, ay walang puwang sa mundong ito. Dahil hindi sila makakatulong sa ikauunlad ng mundo natin—” “Shut the f****d up!” gigil na sigaw ni Henry kay Edwin dahil s

