Kabanata 10

2199 Words
“For the promulgation of judgment, all rise.” Katulad ng iba ay tumayo si Kaiden mula sa kanyang kinauupuan. Kasulukuyan siyang nasa loob ng korte at nasa magkabilang tabi niya ang dalawang pulis na siyang nagbabantay sa kanya, habang nananatiling nakaposas ang kanyang dalawang kamay. Tila wala na siyang ibang nararamdaman ngayon kung ‘di ang labis na panghihinayang at sakit. Matapos niyang mabalitaan na pumanaw na ang kanyang ina ay tila pinanawan na din siya ng pag-asa na makalabas at makaalis sa lugar na ito. Muli siyang umupo matapos silang paupuin ng Judge, at doon ay lampasan na lamang siyang nakatingin sa harapan na para bang pati utak niya ay tila nililipad na lang kung saan. “For promulgation of judgement, case number 9805, People of the Philippines, versus, Rexter Abello, for the crime of Parricide.” “Read the verbiage.” “We call on the accused to please come forward, case number 9805, People of the Philippines, versus, Rexter Abello,” wika ng babae na nasa unahan saka itinayo ng dalawang pulis si Kaiden at iginiya patungo sa unahan. At nang makarating siya doon ay itinuloy na ng babae ang pagbabasa sa hawak nitong papel. “Accused of parricide considering the testimonies of committees of both party, and after thorough examination of the facts and circumstances. The court with pertinent lost as defined under section five, Art. 246. Parricide. Any person who shall kill his father, mother, or child, whether legitimate of illegitimate, or any of his ascendants, or descendants, or his spouse. The elements of parricide have been clearly established in this case. The prosecution demonstrated with the clarity, that Rexter Abello, was organized of committing parricide, and found guilty beyond reasonable doubt of the parricide crime, hereby, punished by the penalty of reclusion perpetua to death.” At tila tuluyang gumuho ang mundo niya matapos marinig ang mga huling salita na iyon. Kasabay no’n ang paghampas ng Judge sa hawak nitong gavel at ang tila masaya at malakas na palakpakan ng mga taong nasa likuran niya. Na alam niyang nagsasaya dahil para sa kanila ay nakamit nila ang hustisya para kay Floriane. Para sa babaeng ‘di umano’y kanyang asawa at pinatay. Tuluyan na ring nawasak ang puso niya at nawalan na siya ng pag-asa na magigising pa siya sa bangungot na mayroon siya ngayon. Mahigpit siyang hinawakan ng dalawang pulis saka siya marahan na iginiya patungo sa exit ng court. Ngunit bago iyon ay tinapunan niya ng tingin si Attorney Juan Carlo na siyang kasulukuyan ding nakatingin sa kanya na tila ba may malalim itong iniisip at may panghihinayang sa mga mata. Alam niyang hindi niya makukumbinsi ang abogado na ipagtanggol at paniwalaan siya dahil lahat ng witness ay idinidiin siya at mayroong matitibay na ebidensya laban sa kanya. Sa huli ay napatingin siya sa pamilya ni Floriane na siyang may masasayang ngiti sa mga labi at nang tapunan siya ng tingin ay para bang hinahamak siya at sinasabi na bagay lang sa kanya ang makulong habang buhay dahil sa kasalanan niya. Nagpatuloy sa paglalakad si Kaiden akay ng dalawang pulis, pilit niyang iginala ang mga mata upang hanapin ang pinsan na si Roman, ngunit hindi niya ito nakita doon. At sa halip ay ang kaibigang si Moiser ang nakita niya, si Moiser na tinatawag na Axel ng lahat at ang taong nagdiin sa kanya sa krimeng kahit kailan ay hindi niya maaatim na gawin. “Mabulok ka sa kulungan. Iyon ang nababagay sa iyo,” nakangising sabi nito sa kanya nang makalampas siya dito. Hindi na siya kumibo pa at sa halip ay nag-iwas na lamang ng tingin habang akay-akay siya ng mga pulis at nakaposas ang kanyang mga kamay. Dinala siya ng mga pulis sa kanyang selda at narinig niya na ngayong araw din ay ibabyahe na siya ng mga ito patungo sa Manila City Jail, kung saan ay habang buhay siyang magbabayad sa kasalanan na hindi naman niya talaga ginawa. Pero mayroon pa nga bang maniniwala sa kanya sa bagay na iyon? Lalo pa ngayon na nahatulan na siya ng korte na guilty. Lalo pa ngayon na isa na siyang convicted murderer. Malungkot at tulalang napaupo sa sulok ng selda si Kaiden. Wala na siyang ibang maramdaman pa ngayon. At tanging ang mga alaala na lamang sa isipan niya ang siyang tanging kanyang napanghahawakan at nababalikan ngayong nangungulila siya at nag-iisa. “May gustong makakita sa iyo.” Napalingon kaagad si Kaiden nang lapitan siya ng isang pulis. Si PO1 Carl James. Binuksan ni PO1 Carl James ang lock ng kanyang selda, marahan naman siyang tumayo at pinosasan nito saka iginiya patungo sa tanggapan ng mga bisita sa prisintong kanyang kinalalagyan. Agad niyang natanaw doon ang pinsan niyang si Roman na naghihintay sa kanya. Lumapit siya doon at naupo sa tapat nito. “Five minutes lang,” wika ni PO1 Carl James sa kanila saka ito tumalikod sa kanila. Tila pinagbigyan lang ang kahilingan ng pinsan niya na makausap siya. “Salamat sa pagpunta, Insan. Ang akala ko ay hindi na kita makikita bago ako dalhin sa Manila City Jail—” “Kaiden, makinig ka sa akin ng mabuti,” putol ni Roman sa kanya. Lumapit pa ito ng bahagya sa kanya saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Kailangan mong makaalis sa lugar na ito,” seryosong wika nito sa kanya. “Gustong-gusto kong gawin iyan, Roman. Pero wala na akong magagawa. Nahatulan na ako kanina—” “Kaiden, hindi dapat nangyayari sa iyo ang mga bagay na ito,” putol muli ni Roman sa kanya. “Alam ko,” tugon naman niya. “Dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan sa lahat ng ibinibintang nila sa akin. Alam mong mahal na mahal ko ang asawa ko at kahit na kailan ay hindi ko siya magagawang saktan.” “Kaya nga kailangan nating gumawa ng paraan. Kailangan mong makaalis dito at kailangan nating makabalik sa kung saan tayo nararapat,” seryosong sabi pa nito muli sa kanya. “Roman—” “Kaiden, may mali sa lugar na ito,” muling putol ni Roman sa kanya. “A-Ano?” “Kaiden, wala akong kahit na anong record sa lugar na ito. Wala ding kahit na sino ang nakakakilala sa akin dito. Hindi ako kilala ng pamilya ko, hindi ako kilala ng pamilya at mga kaibigan natin. Kaya nahirapan akong makabalik sa iyo noong una dito. Dahil walang sino man sa kanila ang nakakakilala sa akin,” pahayag ng pinsan niyang si Roman na siyang nagpabilog sa kanyang mga mata at nagpaawang sa kanyang mga labi. “A-Ano?” naguguluhan niyang tanong dito. “Sa mundong ito, tinatawag ka nilang Rexter kahit hindi naman iyon ang pangalan mo. At si Faye, hindi ba at Floriane ang itinatawag sa kanya ng mga tao? Kaiden, hindi ito ang lugar natin. Ang hirap paniwalaan at sobrang nakakalito pero… hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng lahat ng nangyayaring ito sa atin. Hindi ko alam at para na akong mababaliw sa kakaisip,” sunod-sunod na wika ni Roman sa kanyang harapan na animo’y gulong-gulo ito at labis na natataranta. Dahil sa mga sinabi ni Roman sa kanya ay mas lalo siyang naguluhan. Madaming katanungan ang nabuo sa kanyang isipan at hindi niya alam kung paano iyon mabibigyan ng kasagutan. Muli pa sanang magsasalita si Roman sa kanya pero nagambala na sila nang lapitan na sila ni PO1 Carl James Navarro. Hinawakan siya nito sa braso saka itinayo. “Sandali, hindi pa kami tapos mag-usap,” awat ni Roman sa pulis kasabay ng pagtayo rin nito. “Sa Manila City Jail mo na lang siya puntahan bukas. Kailangan ko na siyang ibalik sa selda niya dahil aalis na rin kami maya-maya lang,” tugon ni PO1 Carl James kay Roman saka siya nito tuluyang iginiya palayo kay Roman. Para siyang naging pipi ng mga sandaling iyon at wala siyang mahanap na anomang salita na pwede niyang bigkasin. Napatingin na lamang siya sa pinsan niyang unti-unti nang lumiliit sa kanyang paningin dahil sa patuloy niyang paglayo dito. Hanggang sa naibalik na siya sa loob ng kanyang selda at parang lutang pa rin siya. Pilit niyang ibinabalik sa isipan ang mga sinabi ni Roman. Walang nakakakilala kay Roman sa lugar na ito. Iba ang pangalan niya at ng asawa niya. At ang labis na nakakapagtaka ay nagising na lamang siya na wala ng buhay si Floriane. Posibleng tama si Roman na nasa lugar sila na hindi dapat nilang kalagyan. Pero bakit? Paano? Paano niya mapapaniwalaan ang lahat ng ito? Mas madali pa kasing paniwalaan na panaginip lamang ang lahat ng ito, kaysa sa paniwalaan na nasa ibang mundo siya. Parang nababaliw na yata talaga siya. Hindi kaya dala at epekto ito ng trauma at kalungkutan na pinagdadaaanan niya ngayon? Ibinalik siya sa seldang kinalalagyan niya at doon ay patuloy siyang nag-isip sa mga bagay na gumugulo sa isipan niya. Tama ang pinsan niyang si Roman. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito dahil nararamdaman niyang may hindi talaga tama sa mga nangyayari. In the first place, hindi naman talaga tama ang mga ibinibintang sa kanya dahil wala siyang pinapatay na kahit na sino. Kaya sa huli ay napag-isipan niya na kailangan niya talagang makaalis sa kinalalagyan niya ngayon. Pero paano? Gayong mamaya lang ay dadalhin na din siya sa Manila City Jail. Paano pa siya makakatakas? Ngunit sa kabila ng mga pangit na nangyayari sa kanya ay tila naramdaman niya na tinutulungan siya ng Diyos sa mga bagay na hindi na niya kayang i-handle pa. Isang magandang balita kasi ang kanyang narinig na pinag-uusapan ng mga pulis. “Wala ba tayong ibang magagamit na sasakyan sa pag-transfer sa kanya sa Manila City Jail?” “Wala po, Sir. Kaya ipinag-uutos na bukas na lamang ng umaga siya dalhin doon.” Na-move ang alis niya patungo sa Manila City Jail. Kahit na papaano ay may natitirang oras pa siya para makapag-isip ng paraan kung paano siya makakaalis sa lugar na kinalalagyan niya ngayon. Habang taimtim na nag-iisip si Kaiden, ay may dalawang lalaki ang nakita niyang pilit na ipinapasok ng mga pulis patungo sa loob ng seldang kanyang kinalalagyan. “Wala sabi kaming kasalanan! Pakawalan niyo kami dito!” sigaw ng isang lalaki habang ang isa naman ay tila kalmado lamang na naupo din sa kabilang sulok patapat sa kanya. “Gaano katagal ka na dito?” pagkausap ng lalaki sa kanya na nasa kanyang harapan. Napaisip naman siya doon. Gaano katagal na nga ba siyang nakakulong dito? Tila hindi na niya alam. “Mukhang matagal-tagal na ah,” wika ulit ng lalaki nang hindi siya sumagot sa nauna nitong tanong. “Ano? Nasentensyahan ka na ba?” nakangising tanong pa ulit nito sa kanya. Nanatili lamang siyang tahimik at mas pinili na hindi sumagot sa mga tanong nito sa kanya. Ang isang lalaki naman na nag-iingay kanina ay dinaluhan ang lalaking nasa kanyang harapan at naupo doon sa tabi nito. “Boss, anong gagawin natin ngayon?” Narinig niyang tanong nito sa tinawag na boss. Nakita niya ang pagngisi ng lalaking tinawag na boss ng isang lalaki saka ito humiga. “Matulog. Matulog lang tayo, at bukas… makakalabas din tayo dito,” saad ng lalaki. Masayang tumawa naman ang isang lalaki saka sumunod sa sinabi ng isang lalaki at ngayon ay humiga na rin. “Alam ko ‘yan, Boss. Alam kong may magandang mangyayari mamaya,” tugon naman ng isang lalaki. Sa huli ay natulog na nga ang dalawa samantalang siya ay nananatili pa ding dilat ang mga mata. Mula nang mga nagdaang gabi ay wala na siyang maayos na tulog. Sino ba naman kasi ang makakatulog ng maayos sa ganitong kalagayan? Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa tuluyan nang magdilim. Doon lamang siya nakaramdam ng matinding pagkaantok kaya naman bahagya na niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Gusto niyang ipahinga ang kanyang isipan. Gusto niyang bumalik na sa katotohanan dahil alam niyang hindi ito ang reality niya. Nang bigla siyang makarinig ng malalakas at kakaibang ingay. Mabilis siyang nagmulat ng kanyang mga mata at nanlaki siya nang makita ang mga nagkakagulong mga alagad ng batas at ang mga ilang armadong lalaki. Pinasok ang prisinto ng mga nakamaskarang tao at nakikipagpalitan ng putok ngayon ang mga ito sa mga kapulisan. Napatayo siya at gusto niya sanang sumilip doon ngunit batid niyang delikado at baka madamay lamang siya sa mga kaguluhang nangyayari. Nang bigla namang may isang nakamaskarang lalaki ang pilit na sumira sa lock ng selda, at doon ay pinakawalan ang dalawang lalaking kasama niya. Bumalin sa kanya ang lalaking kaninang nakikipag-usap sa kanya. “Dahil mabait akong tao, idadamay na kita sa pagtakas ko. Labas na,” kalmadong wika nito sa kanya. Napalunok siya nang makita sa likuran ng lalaki ang mga duguan at nakahandusay na mga pulis. At sa isang iglap ay kusang kumilos ang mga paa niya. Kusa itong mabilis na kumilos palabas ng selda. Wala na siyang sinayang pa na oras nang mga sandaling iyon. Nakita niya ang mga sugatang pulis at mga armadong lalaki dahil sa engkwentro, ngunit mas minabuti na lamang niya ang kumilos at ang tumakas… sa bilangguan na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD