“May malay na si Amiera!” malakas na pagbabalita ni Roman kay Henry. Napatayo naman si Henry mula sa kinauupuan nitong upuang kahoy sa bakuran ng bahay ni Lorenzo. Hindi niya malaman sa sarili kung ano ang una niyang gagawin. Gusto niyang tumakbo patungo sa loob ng bahay ni Lorenzo upang silipin ang lagay ng dalaga. Ilang araw din kasi itong walang malay mula nang masaksak ito ni William. At hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang sinasabi sa kanya ni Lorenzo na wala siyang dapat na ipag-alala dahil may basbas ito na hindi maaaring paslangin ng kahit na sino man, maliban lamang sa kanya o sa natural na pagkakamatay. “Ano pang hinihintay mo? Silipin mo na siya,” masayang sabi pa sa kanya ni Roman saka ito tumalikod sa kanya at pumasok muli sa loob ng bahay ni Lorenzo. Ilang araw na

