Humaplos sa mukha ni Henry ang malamig at ang sariwang simoy ng hangin na ngayon na lamang niya ulit nalasap. Hindi na niya mabilang kung ilang taon na ba ang lumipas mula noong huli. Masaya niyang pinagmamasdan ang magandang tanawin habang unti-unting sumisilip ang haring araw mula sa silangan. Magagandang tanawin na kung saan ay kitang-kita niya ang magandang kalikasan at ang berdeng-berdeng mga halaman at punong-kahoy. Ganitong buhay ang minsan niyang pinangarap na pamuhayan kasama ng babaeng kanyang minamahal. Ang simpleng pamumuhay sa gitna ng magandang kalikasan at kapaligiran. Malayo sa siyudad na kung saan ay puro basura ang matatanaw na nagkalat sa kapaligiran. Naalala niya pa noong magkasintahan pa lamang sila ni Faye, sabay silang nangarap na dalawa na magtayo ng simpleng taha

