“Si Edwin, siya ba ang sinasabi niyong… anak ni William?” tanong ni Henry kay Lorenzo. Kasulukuyan silang nagbalik na sa bahay nito matapos ang ilang oras na lakaran mula nang tumakas sila sa mga kawal na humahabol sa kanila. Wala silang nadala na pagkain o gamot dahil nalaglag at naiwanan nila ang mga pinamili nila nang makipaglaban na sila kanina. Kaya naman nagboluntaryo na lamang si Carlito na siya na lamang ang babalik sa bayan upang kuhanin ang mga naiwan na napamili nila doon. Nagpasama naman ito sa dalawang lalaki na palaging bumibisita sa bahay ni Lorenzo na sa wari niya ay kasamahan ng mga ito. Nilingon ni Lorenzo si Henry mula sa pagiging abala nito sa pagsisibak ng mga sanga ng punong-kahoy. Saka ito magalang na tumuwid ng tayo. “Siya nga po, Kamahalan,” tugon ni Lorenzo sa k

