“The client’s business is veterinary clinic. Kaya naman mas maganda kung ganitong images ang gagamitin natin para sa website nila,” paliwanag ni Kaiden sa katabing katrabaho niya.
“Then, how about the colors?”
“Light blue and white will do. Take a look at this example site,” tugon niya sa tanong ng katrabaho niya saka niya ipinakita dito ang website na tinutukoy niya. “Malinis ang pagkakagawa at bagay na bagay ang images sa services na ino-offer nila.”
Napatango naman sa kanya ng sunod-sunod ang katabi. “Tama, maganda nga iyan. Gagawin kong reference para sa ginagawa kong website.”
“Sure,” nakangiti niyang sabi sa katabi saka niya sinned through Microsoft teams ang link ng reference site.
Kaiden Abrego is a senior website designer. Magkatulad sila ng trabaho ng kaibigan niyang si Moiser Cabello na nasa kabilang team. Pero ngayon ay nasa vacation leave ito.
“Tara, out-out!” Narinig niyang sigaw naman ng isa niyang katrabaho. Nang tingnan niya ang oras sa suot niyang wristwatch ay napatayo na siya mula sa kanyang kinauupuan.
Alas singko na ng hapon at oras na ng uwi nila. Kaagad niyang isinave ang kanyang mga ginagawa pagkatapos ay mabilis na shinut down ang computer na gamit niya. Ganoon din naman ang ginawa ng iba niyang mga kasamahan.
Nagmamadali siyang lumabas ng opisina nila at naglakad sa corridor upang sumakay sa elevator papuntang 4th floor, kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.
Nagmamadali siya dahil susunduin pa niya ang kanyang misis na si Faye mula sa trabaho nito. Isang nurse si Faye sa pinakamalaking hospital sa kanilang lugar. Kaya naman palaging abala sa trabaho ang kanyang asawa at nais niyang matulungan ito sa simpleng paghahatid at pagsundo niya dito araw-araw.
Nang makasakay na siya sa kanyang sasakyan ay mabilis na niya itong binuhay at pinaandar patungo sa hospital kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawa. At ilang sandali pa nga nang mabilis din niyang narating iyon.
Bumaba siya ng sasakyan niya at agad din naman niyang natanaw ang kanyang asawang si Faye na saktong papalabas lamang ng hospital. Masaya niya itong kinawayan at masaya din naman itong kumaway pabalik sa kanya, saka ito nagmadali na maglakad papalapit sa kanya.
Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa asawa saka niya ito malambing at masuyong hinagkan sa noo.
“I miss you so much, Babe!” saad niya.
“I miss you more, Babe!” malambing na tugon ni Faye sa kanya.
“Let’s go?” yaya niya sa asawa at nakangiti namang tumango ito sa kanya. Saka sila sabay na sumakay na sa kanyang sasakyan.
“Anong gusto mong dinner natin, Babe?” malambing na tanong niya sa asawa habang nagmamaneho na siya pauwi sa kanilang tahanan.
“Gusto ko ng sinigang na liempo, Babe,” masayang tugon ni Faye sa kanya.
“Babe, kauulam lamang natin ng sinigang na liempo kagabi at noong isang gabi, hindi ba? Don’t tell me na naglilihi ka?” manghang tanong niya sa kanyang asawa.
“Babe, naman. Sige na. Gusto ko talaga ng sinigang na liempo ngayon,” natatawang paglalambing sa kanya ni Faye.
“Okay, okay. Sige, ipagluluto ulit kita ng sinigang na liempo,” nakangiting tugon niya sa asawa.
Ilang sandali pa nang makarating na nga sila sa kanilang bahay at mabilis na nagpalit ng damit na pambahay si Kaiden. Pagkatapos ay dumeretsyo na siya sa kusina upang maghanda ng kanilang hapunan na mag-asawa.
“Babe?” malambing na tawag sa kanya ni Faye habang pinagmamasdan siya nito sa kanyang ginagawang paghihiwa ng mga gulay na gagamitin iyang pangsahog sa kanyang lulutuing sinigang na liempo.
“Yes, Babe?”
“Hmm… wala. Wala pala,” nag-aalangan na tugon sa kanya ng kanyang asawa. Dahil doon ay nag-angat siya ng tingin dito at sandaling itinigil ang ginagawa niyang paghihiwa ng mga gulay.
“What is it, Babe? Ano iyon?” marahan at masuyong tanong niya sa kanyang asawa.
“K-Kasi… lately kasi… parang may kakaiba akong nararamdaman,” nauutal na tugon sa kanya ng kanyang asawa.
“What do you mean, Babe?” kunot-noong tanong niya dito.
“Kasi, Babe… pakiramdam ko… parang laging may sumusunod sa akin. Hindi ko alam kung sino o ano, pero iyon talaga ang pakiramdam ko.”
Humigit ng malalim na paghinga si Kaiden at nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang asawa. Lumapit siya dito saka niya ito hinagkan.
“Babe, huwag kang mag-alala, pangako ko na palagi lang akong nandito sa tabi mo. Huwag mo nang isipan ang mga bagay na iyon, okay?” malambing na pag-comfort niya sa kanyang asawa saka naman ito marahan na tumango at ngumiti sa kanya.
“Huwag kang mag-alala sa akin, Babe. Ayos lang naman ako,” nakangiting tugon na ng kanyang asawa sa kanya saka ito lumabi. “Ituloy mo na ‘yong niluluto mo, Babe. Nagugutom na ako,” lambing nito sa kanya na siyang nagpatawa na lamang sa kanya.
At itinuloy nga niya ang pagluluto niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay natapos na siya sa pagluluto at masaya na silang naghapunan na mag-asawa.
“The best talaga ang sinigang mo, Babe,” masayang sambit ni Faye sa kanya habang sarap na sarap ito sa kinakain.
“Pero alam mo, Babe, may alam akong mas masarap diyan,” makahulugan niyang sabi sa kanyang asawa saka niya ito kinindatan.
“Ay, parang gusto ko ‘yang masarap na tinutukoy mo, Babe,” nakangising tugon sa kanya nito saka sila sabay na napatawa sa isa’t isa.
Pagkatapos nilang kumaing dalawa ay nagtungo na sila sa kanilang kwarto upang pagsaluhan ang masayang gabi nila.
Maingat na pinaulanan ni Kaiden ng halik ang kanyang asawa at sa bawat paghaplos niya dito ay ramdam na ramdam ang matinding pag-iingat at pagmamahal niya para dito. Tinutugunan naman siya ng kanyang asawa at unti-unting nabubuhay ang apoy sa kanila.
Masuyong sinamba ni Kaiden ang katawan ng asawa at masaya nilang pinagsaluhan ang mainit at ang mahabang gabi nila. Dahil paulit-ulit nilang sabay na narating at naabot ang rurok ng liwanag.
Isang linggo na ang lumipas mula nang magpakasal silang dalawa, at sa bawat araw na nagdadaan ay mas lalo lamang tumitindi ang pagmamahal nila para sa isa’t isa. Pagmamahal na para sa kanila ay wala ng katapusan pa. Pagmamahal na ang buong akala nila ay hanggang wakas na.
Ngunit sadyang susubukin ng tadhana ang kanilang pagmamahalan. At wala silang magagawa kung ‘di ang tanggapin ang kanilang kapalaran.