chapter eleven

583 Words
"GOOD MORNING, Aling Helen!" Pababa si Kelly ng hagdan nang makita ang ginang. Nakangiting gumanti ito ng bati sa kanya. Ngunit sa mga mata ay hindi masasalamin ang kapares na sigla sa magandang gising ni Kelly. Bagay na hindi mapupuna ni Kelly sa ginang dahil positibo ang diwa niya nang umagang iyon. Ganoon ang idinudulot sa kanya ng pag-ibig. Yes, pag-ibig. Medyo corny man pakinggan pero iba ang hatid sa kanyang damdamin. Ang lahat ay tila magaan sa kanya at ang paligid sa paningin niya ay napupuno ng matitingkad na kulay. Sa nakalipas lang na ilang araw ay buo na ang pagmamahal niya kay Andrew. Na hindi na lamang siya ordinaryong teen-ager na may matinding crush dito. Hindi na niya ikinasorpresa na hahantong siya sa ganoon, na mamahalin nga niya si Andrew. At ang nadarama niya rito ay hindi naman kailangan ng agarang tugon mula sa binata. Pero nararamdaman niyang may pagtingin na rin ito sa kanya . Nangyari, nang matapos ang panonood nila noon ng sine, ay higit pa sila nitong naging malapit sa isa't isa. Mas naging at home na siyang kumilos sa bahay nila Aling Adeng. At ang ginang ay natutuwa sa closeness nila ng anak nito. At kung minsan ay hantaran silang tinutukso nito sa isa't isa. Boto raw itong maging girlfriend siya ng anak nito. Bagay na ikinakikilig niya at kung titingnan niya si Andrew ay hindi nito nagagawang salubungin ang mga mata niya. Bagay na nagpaisip sa kanya na may epekto rito ang panunukso ng ginang sa kanila. Tingin niya ay may pagkatorpe ito. Na kahit gusto rin siya nito ay hindi nito basta aaminin iyon sa kanya. Pero kagabi, habang nagpapalitan sila nito ng text ay may mga pahaging ang dating ng mga mensahe nito sa kanya. At ngayon ay humanda ito sa kanya. Sasadyain niya ito sa bahay at kokomprontahin niya tungkol sa mga text nito kagabi. Subalit nang pumanhik na siya sa bahay ng mga ito, ay nagulat siya sa biglaang paghatak sa kanya ni Andrew. At bago pa siya makapagsalita ay sinakop na nito ang mga labi niya... NAPATILI sa tuwa si Leonora sa ibinalita niyang officially ay magkasintahan na sila ni Andrew. "Ikaw ang nagwagi sa puso ni Papa Andrew, girl. Congrats!" Nagawa pa siya nitong yakapin sa tuwa. Kung sana ay naroon din si Harriet. Pero ang isang beki ay kasalukuyan ngang nasa Pampanga at inaasikaso roon ang pagpapatayo ng sariling parlor. Gayunman ay hindi rin nakaligtas ang tainga niya sa tili nito nang ibalita niya sa pamamagitan ng video-call na sila na nga ni Andrew. At dapat daw nilang i-celebrate iyon sa pagbalik ni Harriet. Manlilibre daw ito sa bar. Dumagdag sa kasiyahan ni Kelly ang sinabi ni Leonora na unti-unti na raw itong natatanggap ng ama nitong pulis. Sakatuyan ay humingi na nang dispensa rito ang ama sa ginawang p*******t noon kay Leonora. Nakatakdang magbakasyon ang pamilya nito sa Ilocos. At nang dumating ang araw na iyon, silang tatlong magkakaibigan ay tila pansamantalang nagkaroon ng kanya-kanyang aktibidades sa buhay. Pansamantala mang nawala ang presensya ng dalawang beki sa buhay ni Kelly, nagawang punan ng boyfriend ang munting pangungulila niya kina Leonora at Harriet. At wala nang sasaya pa sa pakiramdam na palaging nasa tabi ang lalaking minamahal. Nagdaan ang isa't kalahating buwan sa kanilang relasyon ni Andrew. At sa bawat araw na nagdaraan ay lalo niya itong minamahal. Ang kulang na lang ay literal na magkorteng puso ang kanyang mga mata sa bawat sandaling may pagsuyong pinagmamasdan ang boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD