chapter ten

418 Words
NAGAWA nilang ipa-take out ang maraming pagkain na natira sa kanila. Nagawang bigyan ni Kelly ang ilang nakasalubong nilang mga batang pulubi sa kalye. Inabutan niya iyon ng tig-iisang hamburger. Umani naman siya ng papuri kay Andrew. Ginawa niya iyon hindi para magpa-impress sa binata. Bukal sa loob niya ang mamahagi sa mga pulubi, higit sa mga batang lansangan. Alam niya kung ano ang pakiramdam na kumukulo sa gutom ang tiyan. Nagawa niyang magpasalamat kay Andrew nang mapatapat na sila sa bahay nila Kelly. Gustuhin man niyang halikan ito sa pisngi bilang pasasalamat ay nahiya siyang gawin iyon. Ipinaalala niya sa isip na isa nga pala siyang dalagang Pilipina. Nagawa pa niyang sundan ng tingin ang binata patungo sa kanto kung saan naman naroon ang bahay ng mag-ina. Sa pagpasok ni Kelly sa munting gate ng bahay nila ay agad niyang namataan si Aling Helen. May dalawang linggo pa lang itong nangungupahan sa isang kuwarto sa ibabang palapag ng bahay nila. May apat na kuwarto na paupahan ang ibabang bahay nila Kelly. May sarili iyong sala, kusina, at dalawang banyo na laan talaga para sa mga borders. Si Aling Helen ang bukod tanging may edad nilang border na nasa mga early fitfies na marahil - kaedaran ni Aling Adeng. At ang tatlo pa sa mga babaeng borders nila ay pawang mga estudyante sa kalapit sa unibersidad. "Hi, Aling Helen!" masiglang bati niya sa ginang. At mabilis na niyang inakyat ang hagdan patungo sa itaas ng bahay na magaan at masaya ang pakiramdam. SAMANTALA, ang binating si Aling Helen ay saglit na sinulyapan ang magiliw na si Kelly. Ang may-edad na ginang ay pumasok sa bahay kung saan naroon pansamantala ang inuupahan nitong silid. Sa bag nito ay inilabas doon ang dalawang larawan, pawang mga luma na. Ang isang larawan ay may kuha ng isang lalaki na lubos nitong minahal noon. Ang isa pa ay kuha naman ng apat na taong batang lalaki na naging anak nito sa lalaking may isang solo ng naunang litrato. Inilapat ni Aling Helen sa dibdib nito ang litrato ng anak; marahang nagpahid ng namuong luha. Pagkuwan ay lumabas ng bahay ang ginang. Mula sa kinatatayuan ay pilit tinatanaw ang kanto kung saan naroon ang carinderia ni Aling Adeng. A-Adeng, sana mapatawad mo na ako... Gusto ko nang muling kilalanin ako ng anak ko, usal nito sa sariling isip. Muli na namang bumalong ang mga luha sa mata. Ang ginang na ito na nagngangalang "Helen" ay ang babaeng siyang tunay na nagluwal kay Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD