chapter six

1213 Words
OH, MY GOD... Dako ang "nota," girl! anang baklang bahagi at pilyang isip ni Kelly. Naramdaman ni Andrew ang kanyang presensya bagaman ang lalaki ay nakapikit. At nang magmulat ay rumuhistro ang nabiglang anyo at agad inabot ang isang trhow pillow upang ipantakip sa sentrong bahagi ng katawan nito. Sa biglaang pagkilos na ginawa ay nabanat ang sugat ng binata at bahagya itong napangiwi sa kirot na dulot niyon. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tila nang-aakusa ang tono nito kung bakit naroon si Kelly. "Obviously ay para dalhan ka ng pagkain," tugon naman ng dalaga na bagaman nakaramdam ng bahagyang pagka-tense ay normal na kumilos siya. Inilapag niya sa center table ang bitbit na tray. "Sige, paki-iwan na lang d'yan, salamat," anito sa patag lamang na tono. Napansin ni Kelly na may bahid na ng dugo ang gasa sa sugat ni Andrew. "Mukhang kailangan mo nang palitan ng gasa 'yang sugat mo. Tutulungan na kita," prisinta niya. "No. It's okay. Kaya ko na 'to. P'wede ka nang bumaba. Iwan mo na 'ko..." "I insist," giit ni Kelly. At bago pa muling maka-react ang binata ay agad nang binalingan ni Kelly ang nakita niya roong mga gamit na laan para sa panlanggas ng sugat ng lalaki. "Wait, wait... Pakiabot muna ang towel ko..." Kinuha nga ni Kelly ang tuwalyang nakasampay sa sandalan ng isa pang sofa na katapat ng kinauupuan ng binata. Pasimpleng ibinaling niya ang tingin sa kung saang sulok ng bahay at nang muli niyang ibalik ang tingin kay Andrew ay nakatapi na ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kung bakit parang may kung anong epekto pa rin sa kanya ang hitsura nitong iyon. Malamang na kung makikita lamang ng dalawang bakla ang anyong ito ni Andrew, ay baka magkikisay ang mga iyon na parang bulateng inasinan sa pihadong pagkakilig. Nasa anyo ni Andrew na napipilitan lang ito na tanggapin ang pagboboluntaryo niyang maglinis ng sugat nito. Bahagya nang lumapit si Kelly sa binata at si Andrew ang unang kumilos para tanggalin mula sa pagkaka-tape ang gasa sa sugat nito. Napaingos si Kelly sa nakitang maliit na hiwang iyon sa itaas ng pusod nito. "Eh, parang kalmot lang pala ni Hello Kitty 'yang sugat mo, eh. Nail cutter lang yata 'yung ginamit na pang saksak ni 'Bentong' sa 'yo. OA mo lang na maka-react d'yan na masakit." Hindi napigilan ni Kelly ang pagkanaturalesa ng kanyang bibig. Although at the back of her mind, she also knew na hindi lamang simpleng sugat iyon. At kung minsan kung ano pa ang maliit na sugat ay iyon pa ang mas makirot at mahapdi. "Anong 'OA' ang sinasabi mo d'yan? Mas OA kayong mga taga-rito. Kayo 'tong mga nagpumilit na dalhin ako sa ospital kahit anong tanggi ko sa inyo na kaya ko naman ang sarili ko," tukoy ni Andrew ang ilang ding tumulong dito nang gabing iyon. Kauna-unahang pagkakataon na maringgan niya itong ganoon kahaba ang sinabi, bagaman bahagyang may iritasyon sa tinig. "Mabuti na rin na nadala ka namin sa ospital. Mabuti na ang nakasisiguro. Eh, paano kung matetano ka naman sa ipansaksak sa 'yo ni 'Bentong'..?" Naisip ni Kelly na hindi pa sila nito pormal na nakakapagpakilala sa isa't isa. Noong magpasalamat silang tatlong magkakaibigan dito ay simpleng tanguan lamang ang mga namagitan sa kanila. Naisip niya ngayon ang magpakilala. "Ako nga pala si Kelly. Ang pinakamagandang 'Babaeng bakla' sa lugar na ito." Sinundan niya iyon nang mahinang tawa. "Ang ibig mong sabihin, babae ka talaga?" may pag-aalinlangan sa tinig ni Andrew na sambitin iyon. Dagling nawala ang tila pagkainis nito. Sa halip na ika-offend ni Kelly ay tinawanan niya iyon. "Basta ang pagkakaalam ko, wala akong 'lawit' buhat nang isinilang ako ng nanay ko." Nang salubungin niya ang tingin ni Andrew ay nakita niyang parang napapantastikuhan ito sa naririnig sa kanya. Parang sinisipat din nito ang anyo niya at naghahanap ng palatandaan na hindi siya isang operada na tulad ni Harriet. Kung puwede lang ipakita niya rito ang matris niya ay gagawin niya mapatunayan lamang rito na totoong babae siya. Pero paano nga ba gawin iyon? Eh, kung marahang sampalin kaya niya ito ng dede niya para malaman nitong totoo ang parteng iyon ng dibdib niya - bad! Hindi dapat nag-iisip ng ganoon ang sino mang babae. Erase, erase, erase! "Bakit ganyan kang makatingin? Totoong babae ako, maniwala ka sa akin. 'Yung dalawang mga kaibigan ko ang ja-fake. Ang ibig kong sabihin, sila 'yung mga totoong bakla, bading, badap, etcetera. Gets mo?" Nasilip niya na bahagyang may pagkaaliw ang tila nagningning sa magandang pares ng mata nito; Na naging dahilan kung bakit biglang napalagay ang loob ni Kelly sa binata. Ang pagka-tense niya kanina ay nahalinhan ng pakiramdam na para bang kinikilig siya na hindi niya maintindihan. Oo na. Inaamin na niya na hindi siya immune sa taglay nitong kaguwapuhan. At kung makakaramdam siya ng gutom ay tiyak na mapaparami siya nang kain kahit kanin lang ang ihahain. Dahil sa paningin niya ay ito ang magsisilbing ulam niya at ang gutom niya ay tiyak na mapapawi. Tama ba ang nabanaag niya sa naging reaksiyon ng mukha nito, na tila nakaramdam ito ng relief sa kaalamang totoong babae siya? Hindi siya sigurado. Ang sigurado siya ay nakita niyang nagkaporma ang mga labi nito sa bahagyang pagngiti. Nagdulot iyon ng paggaan sa pakiramdam ni Kelly. "'Yan ganyan nga. Sige ngumiti ka, lakihan mo pa. Parang ganito oh." Ekseheradang ngumiti siya na naging kamukha ng mga labi ni Joker ang hulma ng bibig niya. Parang isang himala na napatawa niya si Andrew. At kung bakit kay sarap sa pandinig ang tunog ng tawa nito. "Kakaibang babae ka, Kelly," hindi napigilang komento ni Andrew. "Ano naman ang kakaiba sa akin? Oo nga pala babaeng bakla ako..." Nagawa na niyang linisin ang sugat nito. Ang huling proseso ay dinampian niya ng bulak na may Betadine ang sugat nito. "Okay na. 'Wag na natin lagyan ng gasa 'yan. Sayang lang 'yung gasa, eh. Band-Aid na lang ang itapal natin d'yan sa sugat mo. Maliit lang naman," biro niya. Naging madali naman kay Andrew ang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit may hatid na saya kay Kelly ang kahit simpleng ngiti lang na iyon ni Andrew. At bago siya bumaba ng bahay ay parang gusto muna niyang mapasayaw sa harapan nito nang mga bagong dance moves sa t****k para lang muling mapatawa ito. Sa dahilang gusto niyang muling marinig ang tunog ng pagtawa nito. Gayunman, matapos nitong magpasalamat sa kanya ay nakuha na rin ni Kelly ang bumaba. NAE-EXCITE si Kelly na ikuwento sa dalawang beking kaibigan ang mga nangyari sa kanya sa maghapong iyon. Siguradong maiinggit ang dalawang iyon pag sinabi niyang na-sight niya ang halos kabuuan ni Andrew - na tanging puting panloob lamang nito ang saplot. Gabi na nang mag-text sa kanya si Harriet at sinabing sa bahay na lang nito siya pumunta at naroon na raw si Leonora. Sa pagpunta ni Kelly sa bahay ng kaibigan, sa ikalawang pagkakataon ay muli niyang nakita si Leonora sa binugbog nitong anyo. Ngunit hindi tulad noon ay hindi na ito lumuluha. Gayunman ay tulad pa rin noon ang pagkahabag na nadama niya para dito. At ang tila lobo na naglalaman ng nag-uumapaw na excitement niya kani-kanila lang, ay bigla na lamang sumingaw hanggang sa tuluyang umimpis iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD