chapter five

969 Words
IKINUWENTO ni Kelly sa dalawang beking kaibigan ang kuwentuhang namagitan sa kanila ni Aling Adeng kinaumagahan. At tila coincidence naman na nagkuwento rin si Leonora ng tungkol sa totoong pagkakabisto noon ng ama nito sa tunay na pagkatao ng kaibigan. "Palaka, naalala mo n'ung nag-text ka tungkol sa nakita mo ngang insidente na magkausap si Aling Adeng at ang Pudra ko? Hindi ba't iginiit kong wala akong natanggap na mga text noon galing sa 'yo?" ani Leonora kay Kelly. "Ang kapatid ko pala ang may hawak ng CP ko noon. Siya ang nakabasa ng mga text mo at binura n'ya. Kagabi lang siya nag-confess sa akin..." Nakapagdulot nga ng kuryosidad sa kapatid ni Leonora ang mga mensaheng iyon ni Kelly na may kalakip na babala noon para sa kaibigan. At ang pakialamerang kapatid nito ay kinalkal ang CP ni Leonora at nakita roon ang mga ebidensya. Hindi binura ng bakla ang mga selfie at groufie nila noon na kuha sa CP nito nang gabing sumali si Leonora ng pageant. Higit ang video na mine-makeup-an pa lang ni Herriet si Leonora - Si Kelly ang may hawak ng CP noon na kumukuha ng video. Ang mga ebidensyang iyon ay ipinakita ng kapatid ni Leonora sa ama ng mga ito nang sumaglit sa bahay ang tatay na pulis bandang hapon. At doon na nga ito nag ala-Pacquiao na hindi na naisip na sariling anak ang nais nitong ma-knockout. "So, ano'ng gusto mong palabasin? Na ang text ko ang puno't dulo nang pagkakabunyag ng tunay na pagkatao mo sa pamilya mo?" kunwa'y complain ni Kelly. Pero naisip niyang parang ganoon na nga ang lumalabas. Kung hindi ba naman siya nagpadalus-dalos sa pag-iisip... Ngayon nga ay malinaw na sa kanila na ang pinagbuntunan nila ng sisi ay bunga lamang pala ng isang hinala at maling-akala. "Kasalanan ko rin naman talaga, girls. Hindi kasi ako naglalagay ng password sa CP ko, eh..." "Ang nakakahiya nito ay pinag-isipan natin nang hindi maganda si Aling Adeng. Lahat tayo ay nag-conclude na siya ang salarin sa pambibisto sa secret nitong si Leonora," singit ni Harriet. "Trulalu," sang-ayon ni Kelly. "At ako ang nagtanim n'on sa isipan n'yo..." Rumihistro ang guilt sa anyo ng dalaga. "Kailangan pa ba nating magsisihan? Ang lesson dito: hindi tayo dapat basta-basta magpadala sa hinala. Minsan ay may mga ebidensya na sadyang mapanlinlang. Hindi talaga tayo makasisiguro sa isang bagay o pangyayari hangga't wala tayong totoo at matibay na basehan na pinanghahawakan," makahulugang sambit ni Harriet. Kaya nga nasa isip na ngayon ni Kelly ang plano niya bilang pambawi kahit papaano kay Aling Adeng - bilang siya ang talagang may malaking parte sa pag-iisip nang hindi maganda sa ginang - kaya uumpisahan na niya mayamaya lang ang munting aksiyon na nabuo sa isipan. Hindi na muna niya iyon sasabihin sa dalawang kaibigan. "Sure ba talaga na okay na ang lagay ni Papa Andrew?" ani Harriet na may sampung beses na yata iyong naitanong. Tumango na lang si Kelly dahil kanina pa rin niya iyon nasagot nang ilang ulit. Buhat nang magkita silang tatlo kani-kanilang lang ay pawang ekseherada na ang mga tanong at reaksiyon ng dalawang gumamela buhat sa kung ano na raw ang lagay ni Andrew. Umani rin nang kataku-takot na kung anong mga salita si "Bentong" sa mga ito sa labis na inis ng dalawang beki rito. Hanggang sa nagpaalam na ang dalawa kay Kelly at sinabing mamaya na lang ulit silang bandang hapon 'magkita-kits.' Makalipas ang ilang sandali, si Kelly ay kinuha sa kitchen nila ang apron na pink at nagtungo sa carinderia ni Aling Adeng. SUOT na ni Kelly ang apron habang may bitbit na tray at kasalukuyang nagsisilbi sa ilang customers sa carinderia ni Aling Adeng. Iyon ang naisip niyang "pambawi" sa ginang; ang manilbihan dito bilang tauhan nito na hindi siya magpapabayad. Sinabi ni Aling Adeng na hindi na niya iyon kailangang gawin subalit nagpumilit siya. Mukhang hindi naman siya masasaway ng ginang kaya hinayaan na lamang siya nito na may pagkaaliw sa kanyang naging pasya. Ang sugatang si Andrew ay kasalukuyang nasa itaas ng bahay at malamang na nagpapahinga. Hindi naman nito kinailangan na ma-confine sa ospital dahil hindi naman ganoon kalala ang natamo nitong saksak. May ilang mga babaeng nagpunta sa carinderia na nagsilbi nang mga "tagahanga" ni Andrew. Nalaman nga ng mga ito ang sinapit ng binata at ang ilan sa mga ito ay nagdala ng bulaklak at prutas na may kasama pang card na may nakasulat na "Get well soon, Papa Andrew..." etcetera. Celebrity lang ang peg ng binata. Mayamaya ay nagprisinta si Kelly na hatiran ng pagkain si Andrew sa itaas. Humingi siya ng permiso kay Aling Adeng na umakyat na sa bahay nito. Sa isip ni Kelly ay nais naman niyang magsilbi bilang "nurse" ni Andrew. Walang kaso kahit siya na ang maglinis o maglanggas ng sugat nito. Iyon naman ang nais niyang isukli rito. Umakyat na nga siya na may bibit na tray na may lamang pagkain na sinamahan niya ng ilang prutas buhat sa bigay ng isang babaeng 'fan' ni Andrew. Pumilas din siya ng ilang petals sa bulaklak na bigay pa rin ng ilan sa mga admirers ng lalaki at nilagay naman iyon sa palibot ng tray. Nang makapanhik siya sa itaas ng bahay ay agad na bumungad sa kanya ang sala. Naroon at nakaupo sa isang sofa si Andrew na nakasandal at nakapikit ang mga mata. Napamulagat si Kelly nang mabistahan na ang tanging saplot ng binata ay ang puting-puting panloob lamang nito. Bandang itaas ng pusod nito ay naroon ang sugat at natatakpan ng gasa. Mas bumaba nang kaunti ang paningin niya at sumentro ang nanlalaking mga mata sa maumbok na hinaharap ng lalaki. Wala sa loob na napakagat-labi si Kelly. Oh, my god. Dako ang "nota," girl! anang baklang bahagi at pilyang isip ni Kelly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD