chapter fifteen

1104 Words
SI KELLY ay napaisip sa mga sinabi ni Aling Helen. Kasalukuyan na siyang nasa kanyang silid. May awang humaplos sa puso niya sa hitsura ng ginang kanina ng hingin nito ang pakiusap at tulong niya. Isang ina na nangungulilang muling kilalanin ng anak na may intensyong makabawi kay Andrew. Kung paanong buo na ang tiwala niya na si Aling Helen nga ang totoong babae na siyang nagluwal sa kasintahan. Gayunman ay totoong magulang pa rin ni Andrew si Aling Adeng dahil ito ang tatay ng kanyang nobyo sa tunay na kahulugan ng salita. Iyon ba ang dahilan kung bakit ilag si Andrew sa mga beki? Dahil nagpapaalala rito ang tunay na pagkatao ng ama nito na sa halip ay tinatawag at tinuturing na nitong ina? At tulad ng sinabi nito na hindi pa ito handa na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit umiiwas ito sa mga tulad ng kaibigan niya, ay sa dahilang kaakibat niyon na mabibisto niya ang tunay na pagkatao ni Aling Adeng. At ikinahihiya ba ni Andrew ang katotohanang iyon? Subalit ang pakikitungo nito kay Aling Adeng bilang nag-iisang magulang ay walang bahid ng reserbasyon ang pagpapakita ng pagmamahal at respeto, batid niya iyon. Ano man ang dahilan nito marahil ay dapat niyang respetuhin. Agad niyang kinuha ang cellphone at nag-text kay Andrew. Nag-sorry siya sa kasintahan buhat sa mga nasabi niya rito. Agad naman siyang nakatanggap ng tawag galing dito. Tinatanggap nito ang sorry niya at hindi raw niya dapat alalahanin iyon. Isang pagpapakita ng ugali ni Andrew na isa itong maunawaing nobyo. She felt guilty suddenly. Dapat ay maging mapang-unawa rin siya rito. Bilang pambawi, sinabi niya kay Andrew kung gaano niya ito kamahal. At nakatanggap naman siya ng mga salitang nagpalutang sa kanyang pakiramdam. After a while, inaya niya itong lumabas sila bukas dahil may nais siyang ihayag na importante sa kasintahan. AT KINABUKASAN nga ay magkasama silang naglalakad-lakad patungo sa kung saan. Masuyong iniyakap ni Kelly ang isang braso sa baywang ng kasintahan at gumanti naman si Adrew sa pag-akbay ng isang kamay nito sa kanyang balikat. Sa simpleng palitan ng ganoong gestures ay hatid niyon kay Kelly ang magaan at masarap na pakiramdam. Sa paglalakad nila ay humantong sila sa isang parke. Naupo sila sa mahabang bangkuan na naroon. Nasa isip ni Kelly na sabihin sa kasintahan na batid na niya ang totoong pagkatao ni Aling Adeng. Na sa halip na ito ang ina ni Andrew ay isa rin palang transexual ang tunay na ama ng nobyo. Parang ang dami niyang gustong sabihin ngayon sa kasintahan. Nasa isip rin niya si Aling Helen na hinihingi ang tulong niya para muli itong kilalanin ng anak. Parang hindi niya alam kung saan siya magsisimula. At bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Andrew. "Naisip ko kagabi na bilang boyfriend mo, dapat ay ibahagi ko sa 'yo kung bakit ilag ako ngayon sa tulad ng mga kaibigan mo... Hindi naman talaga ako dating ganito," anito na hindi direktang nakatingin sa kanya, animo ay may kung anong pilit na tinatanaw sa malayo. Huminga ito nang malalim at pagkuwan ay nagsimulang magsalaysay sa kanya... ISA si Devra sa naging pinakamalapit na kaibigan ni Andrew. Si Devra ay tulad din ni Harriet o Aling Adeng na isang transexual. Ang binata ay nagpakita ng kabaitan kay Devra dahil ganoon din naman ito sa kanya. Sadyang bukas ang pang-unawa ni Andrew at may respetong inilalaan para sa mga tulad nito. Bakit hindi kung ang kanyang "totoong ama" na tinuturing na rin niya sa paraang isang ina ay kabilang sa tulad nitong third-s*x. Hindi iyon naging lingid sa kanya dahil simula't sapul pa habang lumalaki siya ay ipinamulat na iyon ni Aling Adeng sa kanyang murang kaisipan at pang-unawa. Subalit ang pagiging malapit ni Andrew kay Devra ay nabigyan na pala nito ng ibang kahulugan. Umasa ito na bukas din ang isipan at damdamin niya na makipagrelasyon siya sa tulad nito. At nang inamin nito ang totoong pagtingin nito sa kanya ay nagawa niyang ipaunawa rito na hanggang sa magkaibigan o pagtinging-kapatid lamang ang relasyong kaya niyang ibigay rito. Ang akala niya ay tanggap iyon ni Devra nang maluwag sa dibdib nito dahil naging maayos naman ang kanilang naging pag-uusap. Hanggang isang araw ay nabalitaan niyang tinapos na ni Devra ang sarili nitong buhay. He or she was committed suicide. At sinisi siya ng mga magulang nito sa nangyari sa anak. It was confirmed na ang dahilan kung bakit nagawa ni Devra ang magpakamatay ay dahil sa nagawa niyang tanggihan ang idinulog nitong damdamin sa kanya. Nakasaad iyon sa huling sulat na ginawa nito. At ang pangyayaring iyon ay parang dala-dala ngayon ni Andrew sa kanyang dibdib. Sa isang banda ay sinisisi niya ang sarili. Hinayaan niyang mag-isip si Devra na may katugon sa paraang nais nito ang mga materyal na bagay na naibibigay nito sa kanya na hindi niya nagawang tanggihan noon. Isa na roon ang bahay sa isang subdivision sa Bulacan. Na sa totoo lang ay hindi naman niya ngayon pinauupahan sa kasosyong kaibigan bagkus, ay nagawa na niyang isauli ang bahay na iyon sa mga magulang ni Devra. At ang pagsulpot ni Andrew sa lugar nila Kelly, sa katunayan ay doon pa lang siya nagsisimulang nais makalimot sa nangyari. Doon din nagsimulang hindi na siya tila naging komportable na makihalubilo pansamantala sa mga tulad ni Devra. Exeption natural si Aling Adeng dahil magulang niya ito. Nang araw na iyon na naglalakad siya, ay namataan niya ang isang lasenggong kamukha ni Bentong na kinukutya ang tila tatlong bading na nakatalikod sa gawi niya. Bigla ay nagpaalala ang mga ito sa kanya kay Devra. At hindi niya gugustuhin na tulad ng tatlong iyon ay kukutyain sa ganoong paraan si Devra. Iyon ang bagay na nagpapikon sa kanya. Agad niyang hinubad ang rubber shoes niya at inasinta ang mukha ng kamukha ni Bentong ng pormang susuntukin nito ang isa sa tatlo. At doon nagsimula ang lahat sa kung paanong humantong na natuklasan niyang isa palang tunay na babae si Kelly. At ngayon ngang kasintahan na niya ito - na mayroong nakakaaliw na personalidad - ay ang siyang nagbigay at naghatid sa buhay niya ng tila panibagong panimula. Lamang ay naaalala niya si Devra sa katauhan ng mga kaibigan nito. Na siyang tunay na dahilan kung bakit iniiwasan niya ang dalawa. Nang matapos siyang magsalaysay ng tungkol sa bahgi ng kanyang nakaraan kung saan naging parte si Devra, bigla na lang ay nagawa siyang yakapin ni Kelly. Ang ano mang bagay na nakadagan sa dibdib niya sa naging pagkawala noon ng isang kaibigan na transexual, ay tila biglang napalis sa dibdib ni Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD