NAGMAMADALI akong lumapit sa lamesa sa may pintuan na siyang kinauupuan ni Ginang Melchor. Bago kasi tuluyang makapasok sa silid aklatan ang mga estudyante ay kailangan muna nilang dumaan kay Ginang Melchor upang maitala ang kanilang mga pangalan. “Ginang, pinapatawag n’yo raw po ako?” bungad ko n’ong nakatayo na ako sa harapan n’ya. Ibinagsak n’ya ng malakas ang hawak-hawak na mga papel bago ako balingan at tignan na naman ng masama, wala naman ng bago. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay halos ihawin n’ya ako gamit ang matatalim n’yang mga ngiti. Simula noong araw na nasagot ko siya ng pabalang ay gan’yan na ang naging trato n’ya sa kin. Ngunit kung aking alalahanin ng mas mainam mainit naman na ang kan’yang ugali sa kin bago pa iyon nangyari, mas lalo

