‘Forget about the fast lane. If you really want to fly, just harness your power to you passion.’
-Scarlett’s POV-
Nakakapagtaka dahil parang biglang lumambot ng sobra ‘yong higaan ko. Base sa pagkakatanda ko ay hindi naman ganito kalambot ang kutson ko.
At dahil sa kung ano-anong maliliit na ingay ang naririnig ko sa paligid ko ay idinilat ko na ang mata. Gusto ko pa sanang matulog pa pero nawala na rin naman na ang antok ko.
Pagkadilat na pagkadilat ko ay maliwanag na puting kisame ang bumungad sa akin. Mukhang nakalimutan kong magpatay ng ilaw dahil hanggang ngayon ay bukas pa rin. Natigil lamang ako sa pagtayo ng mapansin ko na wala pala ako sa kwarto ko.
Mabilis kong nilibot ang paningin ko at saka ko lang na-realize na wala nga ako sa apartment ko. Nasa hospital ako, pero teka anong ginagawa ko rito.
Kaya pala. Ngayon ko lang naalala. Nawalan pala ako ng malay habang kausap si Karla, kaso nasaan naman sila, at bakit dinala pa nila ako sa hospital, sana lang talaga ay hindi malaki ang bill na bayaran ko dahil nagtitipid ako. Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng mapansin ko na may bata sa gilid ng kama na kinahihigaan ko.
“Bata, anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya pero tinignan niya lang ako at bumalik na siya sa pagbabasa habang may inumin pa na hawak sa isa niyang kamay. Nasaan ba ang magulang nitong bata na ‘to at pinapabayaan nila ‘yong anak nila na magpagala-gala.
Nilibot ko ang paningin ko at wala akong ibang tao na makita malapit sa kama ko. May iilan akong nakikitang nagpapa-check-up pero hindi ako siguro kung anak ba nila ang batang ‘to. Ang alam ko pa naman ay bawal ang mga bata sa hospital dahil baka mahawa sila ng kung ano-anong sakit na nandito.
“Bata, nasaan baa ng mga magulang mo? Bawal ka rito,” muling sita ko sa kanya pero kagaya ng kanina ay tinignan niya lang ako sandali at muli siyang bumalik sa pagbabasa.
Pati tuloy ako ay napatingin sa libro na binabasa niya. At gano’n na lamang ang pagkamangha ko ng makita kong English History book ang binabasa niya. Mukhang matalino pa ‘tong bata na ‘to.
“Uhm, nurse, excuse me,” tawag ko sa atensyon ng nurse na papalapit sa pwesto ko.
“Scarlett Carter?” tanong niya kaya tumango naman ako.
“Ako nga.”
“’Yong kasama mo pala na naghatid sayo rito ay umalis na muna kasi may trabaho pa raw siya pero babalik din siya mamaya. Pwede ka na rin umuwi after mong maubos ‘yang IV,” paliwanag niya habang nakatingin sa chart na hawak niya.
“Ah, okay lang ba na hindi ko na ‘to tapusin?” sabay turo sa nakatusok sa palapulsuhan ko. “Baka kasi malaki na ‘yong bill ko,” nahihiyang wika ko sa kanya.
“Regarding sa bill, you don’t need to worry, nabayaran naman na siya. Magpahinga ka na lang d’yan then pwede ka na umuwi,” napangiti naman tuloy ako sa sagot niya.
Mabuti na lang at bayad na. Wala rin naman na kasi akong ipambabayad sa bill kung sakali.
“Ay teka, Miss,” muling tawag ko sa kanya. “Itong bata na ‘to, nasaan ba ‘yong parents niya?” tanong ko sabay turo sa bata na nasa harapan ko.
Kanina pa kasi ano nabo-bother na nandito lang ‘tong bata at walang kasamang magulang. Delikado pa naman na sa panahon ngayon dahil uso ang k********g.
Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko ay kumunot lang ang noo niya na tila ba nagtataka sa sinabi ko. pati tuloy ako ay nagtaka kung may mali ba sa sinabi ko.
“Mas mabuti kung magpahinga ka na lang muna,” ‘yon lang ang tanging sinabi niya ay umalis na rin kaagad. Naiwan na naman tuloy kami nitong bata.
Kaysa ma-stress sa bata na ‘to ay ipapahinga ko na lang ‘to. Panigurado naman na hahanapin siya ng mga magulang niya kapag napansin nila na nawawala ‘yong anak nila.
Kanina pa ako nagtatanong-taong sa mga dumaaan kung kilala nito ‘yong bata pero lahat sila ay nakakunot lang ang noo sa akin. Lahat sila ay parang nagtataka sa sinasabi ko. Pakiramdam ko tulyo ay nawi-weirduhan na sila sa akin.
Maya-maya lang ay may lumapit sa akin na dalawang nurse kaya naman agad akong napaupo sa kama, mukhang pwede na akong umuwi. Wala naman silang sinabi pero tinignan lang kung ubos na ba ‘yong IV, kung maayos ‘yong temperature ko at kung ano-ano pa.
“Halika, Ms. Scarlett, sumunod ka samin,” sabi ng isang nurse kaya naman tumango lang ako at sumunod sa kanila. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero may mga nakakasalubong pa akong mga pasyente. Tingin ko ay pupuntahan namin ‘yong doctor na nag-check sa akin.
This is the first time that I have receive special treatment. Matapos kasing tignan ang kalagayan ko ay binigyan pa nila ako ng pagkain. Hindi ko tuloy alam kung normal lang ba ‘yong gano’n dahil never pa naman akong napunta sa hospital.
“Uhm, excuse me, does this kid have to come too? Kilala niyo ba siya? Kanina pa kasi siya sumusunod sa atin,” I said habang nakatingin sa bata na nasa gilid ko. Pero imbes na sumagot ay tinignan lang nila ako parehas.
Hindi ko na tuloy alam kung ako ba ‘yong may problema o ‘yong mga tao na nakakausap ko. Kanina ko pa kasi tinatanong ‘yong tungkol sa bata na ‘to pero wala namang sumasagot sa akin. Nanatili silang tahimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kwarto. Nagtataka man bakit nila ako dinala sa opisina ng isang psychiatrist ay sumunod na lang din ako.
“B-bakit po ako nandito?” nagtatakang tanong ko dahil wala talaga akong ideya. “May problema po ba sa akin? Is there something wrong with me?” sunod-sunod na tanong ko pa.
“No, no. It’s just a protocol, we just need to check for something unusual. May mga ilang tanong lang naman kami na kailangan mo sagutin.”
Nagtataka man ay tumango na lang ako at pinakinggan pa ang mga sinasabi niya.
“Did you ever think of doing suicide? Or did you even consider it?”
“Po?” gulat na sagot ko sa kanya.
The heck? Never kong naisip na magpakamatay. Masyado kong mahal ang buhay ko para gawin ‘yon. Pero ngayong nabanggit niya ay may mga naalala tuloy ako.
“I did think. One time. When I had no reason to live. Pero that was one time only, hindi ko rin siya ginawa dahil I love myself and I want to live,” seryosong sagot ko sa kanya. Well, I have no reason to lie naman since his a doctor.
“Nang dalhin ka kasi rito ng kaibigan mo ay nauntog ang ulo mo sa dulo ng mesa pero wala namang naging problema bukod sa nagkabukol ka,” pabirong wika niya pa.
Siguro ay para pagaanin ang usapan. Mabuti na lang din pala at walang problema sa utak ko.
“For now, walang problema sa kalusugan mo. You’re healthy and strong. Pero kailangan mo pa rin kumain on time at magpahinga para mabawi ‘yong lakas na nawala sayo, okay?”
“Yes po, doc,” sagot ko naman. Mukhang kailangan ko talagang bumawi ng pahinga. Mukhang nasobrahan ako sa pagta-trabaho.
“Nabanggit mo pala kanina na may kasama kang bata, right?” finally! Naitanong din niya. Kanina pa talaga kasi ako naiilang dito sa bata na nasa tabi ko. “Kilala mo ba ‘yang bata?”
“No. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi kami magkakilala.”
“Okay, may iba ka pa bang nakikita?” muling tanong niya.
Hindi ko alam kung naguguluhan lang ba talaga ako o ang weird ng tanong niya. Bakit kasi kailangan pang itanong kung may iba akong nakikita kong parehas lang naman kaming nasa iisang kwarto. Imposible naman na may nakikita ako na hindi niya nakikita.
Magsasalita na sana ako ng bigla akong makakita ng usok sa gilid. Kaagad na napunta ang tingin ko sa bandang gilid sa pag-aakalang may nasusunog na sa kwarto. ‘Yon pala ay may naninigarilyo lang sa gilid.
“T-teka. Ayos lang ban a manigarilyo rito? Bakit may nagsisigarilyo sa gilid?” wika ko sabay turo sa matandang nagsisigarilyo. Pero imbes na sagutin ako ay hindi niya pinansin ang sinabi ko at kaagad nang tumawag ng nurse.
Sandali. Anong klaseng hospital ba ‘to? Bakit hindi sila nakikinig sa pasyente nila? Bakit hinahayaan lang nila na may batang pakalat-kalat dito? At bakit hinahayaan nila na may naninigarilyo sa loob ng hospital? Ang dami kong gustong itanong pero wala naman silang matinong sagot na ibinibigay.
“Nurse, pwede mo na siyang dalhin sa kwarto niya,” the doctor said kaya naman inalalayan na ako ng nurse sa pagtayo.
“S-sandali, akala ko ba pwede na akong umuwi? Anong problema?” tanong ko.
“Kailangan mo pang mag-stay ng ilang araw for further assessment. Don’t worry sa magiging bill mo dahil ‘tong hospital na ang magbabayad no’n.”
Pipigilan ko pa sana sila sa pag-alis pero nakalabas na kaagad sila kaya naman naiwan akong mag-isa rito sa kwarto. Ngayon ay may isa itong kama at wala akong ibang kasama na pasyente. Hindi ko tuloy kung generous lang ba ‘tong hospital na ‘to o ano.