Chapter 9

1006 Words
(Someone’s POV) “Pag nalaman nyo kung nasaan si Kierra, dalhin nyo sya agad sakin,hindi to dapat malaman ng anak ko.”, sabi ko “Masusunod po.”, sabi nila At umalis na sila. Kailangang mamatay ng babaeng yun. Para maramdaman nila ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay. Hindi ako papayag na ganun ganun na lang ang mangyayari. Kailangang magbayad ang may sala at kung hindi man sila mismo ang pagbabayarin ko kahit man lang ang pinaamamahal nila sa buhay ang magamit ko. Gusto kong maghirap sila, at gusto kong pagsisihan nila. Gaganti ako, papatayin ko sya, at hinding-hindi ako mapipigilan ng anak ko. Pero gusto kong ang anak ko mismo ang pumatay sa kanya, para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng anak ko. (KJ’ s POV) Mukhang uulan ngayon ah. Magdadala na lang ako ng payong para sigurado. Mabuti nang sigurado kaysa hindi tsaka mahirap pa naman magkasakit ngayon. Mahal ang gamot at pangpaospital kaya mas mabuti na healthy tayo palagi. Nauna nang umalis si Kurt, hindi nya talaga ako kayang hintayin. Okay, okay, naiintindihan ko. Tandaan mo KJ asawa ka lang sa papel kaya bakit ka nya hihintayin? Magdusa ka mag-isa mo. SCHOOL “Goodmorning”, bati ni Larry “Morning.”, bati ko “Good mood si KJ ah.”, sita ni Tyler “Ha? Hindi no. “, sabi ko Nagklase na Pagkatapos ng klase, papalabas na ako ng building “Tama nga ang sabi ko uulan”, sabi ko Pero nakita ko sya “Kurt,”, tawag ko Minsan talaga may saltik tong si Kurt eh no, hinihintay nya pang tumigil ang ulan para lang makauwi na sya? Baliw talaga sya. “Huy, may payong ako dito, “, sabi ko “sige na , baka magkasakit ka.”, sabi ko At binigay sa kanya ang payong. Kaya kinuha nya at naglakad palayo. So ganon? Ganon na lang talaga? Teka lang pano ako? Wag nyang sabihin na uuwi ako, at maglalakad sa ulan? Kurt naman eh ba’t pa pinapahirap mo pa yung mga bagay-bagay na dapat madali lang. Binigay ko sa kanya ang payong ko at hindi man lang ako hinintay o kahit 'salamat' wala rin. Kahit kailan talaga. Napakamartyr mo KJ kaya uuwi kang basa ngayon. Napatingin ako sa nagdidilim na kalangitan at napabuntong-hininga, masyadong malakas ang buhos ng ulan at mukhang wala itong balak na tumigil. Pero no choice ako. Kaya naligo na lang ako sa ulan, kailangan ko nang umuwi, magdidilim na eh. Kahit hintayin kong tumila, ganun at ganon pa rin kaya bahala na. Hindi naman ata ako aatakihin agad ng sakit. Kahit malakas ang ulan, sumulong ako. Bahala na. Iniwan ko ang gamit ko sa locker at naglakad pauwi. Medyo nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa lakas ng ulan. Woohh, ang lamig, grabe. Parang nasa North Pole ako nito ah. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig. Ulan, pwede bang tumigil ka muna kahit sandali? Kahit man lang makauwi muna ako no? Hindi ka ba makapaghintay na makauwi ako? BAHAY Pagbukas ko ng pinto. Ang lamig talaga grabe. “Ma-na-nang.”, nauutal kong sinabi Pano ba naman eh giniginaw na ako eh. Nanlaki ang mata ni manang at dali daling lumapit sakin. “Ma’am basang-basa po kayo?”, tanong nya “Pa-pa-pa-ki-ki-ku-ha ng to-to-wel k-ko.”, nauutal kong sinabi. “Sige po.”, sabi nya at umalis para kunin ang towel. Nakayakap pa rin ako sa sarilk ko dahil giniginaw ako. Pero hindi ko na makayanan at parang umiikot ang mundo ko. Si manang na pababa ng hagdan ang huli kong nakita nang biglang dumilim ang paligid. (Maid’s POV) Pababa na ako ng hagdan nung nakita ko si ma’am na nakahiga na sa sahig, patay kang bata ka. Mukhang lalagnatin pa ata si Ma'am. Ano ba naman kasing nangyari at di sila sabay umuwi ni sir? “Ma’am Kj, gumising po kayo ma’am.”, gising ko. Hinawakan ko ang noo, nya sus ang init nya , nilalagnat sya. Hala, patay kang bata ka. Anu na? Anu ng gagawin ko? “Sir, sir.”, tawag ko “What?”tanong nya “Si ma’am po nilalagnat.”, sabi ko Nagpapanic na ako pero sya parang wala lang nangyayari. Aba't ang suplado talaga ng amo kong to. Asawa nya nilalagnat pero may pa what what pa syang nalalaman. Kahit kailan talaga. Naku gwapo at mayaman nga suplado naman “So?”, tanong nya Wala ba talaga syang pakialam sa asawa nya? Anu ba yan? “Ano pong gagawin ko?” tanong ko “Edi tawagan mo ang doctor .”, simpleng sagot nya Grabe naman yon “Pero pano po si ma’am?”, tanong ko “Edi dalhin mo sa kwarto nya.”, sabi nya At iniwan kami, umalis na agad sya. Minsan nagtataka ako kung pano sya nakakayanang tiisin ni ma’am KJ, Kasi mabait naman si ma’am KJ eh, tinutulungan kami sa mga Gawain dito sa bahay, bukod tangi lang ang katulad ni ma’am Kj, tapos sya binabalewala nya lang. Grabe naman si sir ang manhid. Kung ako kay mam KJ, hihiwalayan ko na to kahit gaano pa sya kayaman kung ganyan ang ugali nya kahit aso siguro iiwasan sya. Aalalayan ko na sana si ma’am ng bumukas ulit ang pinto. Ano na naman kayang kailangan nitong si sir? “Sir? may nakalimutan pa ba kayo?”, tanong ko “Call the private doctor, ako nang bahala sa kanya.”, sabi nya At kinuha si ma’am, binuhat nya ito . At dinala sa kwarto ni ma’am At ako naman tumawag ng doctor. “38.9 degrees Celsius ang lagnat nya. Hindi parin bumaba ang lagnat nya. “ Halata sa tono ng boses ni sir na nagaalala sya. Sabi na nga ba eh nahihiya lang tong si sir eh. “Wag po kayong magalala, gagaling din po si ma’am.”, sabi ko Huminga sya ng malalim. “Sana,.”, sabi nya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD