“Kierra, tumakbo ka na!.”, sigaw ng batang lalaki
“Lian , wag tama na !!.”, sabi ng batang babae
Umiiyak sya dahil sinasaktan ng mga lalaki ang kaibigan nya.
Dahil wala syang magawa para tulungan ito.
*BANG*
(KJ’s POV)
“WAG!!!”, sigaw ko
At napabangon sa kama ko
Anu ba yon?
“Eh?” tanong ko
Teka lang, panaginip na naman ba yun?
Ilang beses ko ng napapaniginipan yan pero ganon at ganon pa rin eh.
Sino ba talaga sila
Sino ba talaga si Kierra?
“sino ba talaga si Kierra?, sino ba talaga sya?”, tanong ko
Pero nagulat ako nung may nagsalita
“What did you say?”
Kaya napatingin ako sa may pinto.
Nakatayo si Kurt at nakatingin sakin
“Eh?”, tanong ko
“How did you know her?”, tanong nya
“A-ano?”, tanong ko ulit
“Nvermind.”, sabi nya at lumabas ng kwarto.
Kaya nagayos na ako at bumaba mula sa kwarto.
Naabutan ko si Kurt
Nasa sala sya nakaupo at nanood ng tv.
Kilala nya kaya si Kierra?
“Do you know where is she?” tanong nya
Sinong she?
“Sino?” tanong ko
Pinatay nya ang tv.
At tumayo
Naglakad sya palapit saakin
“How did you know her?” tanong nya
“K-kasi.”
“Tell me where is she?” tanong nya
“Ah, eh hindi ko alam.”, sabi ko
“Don’t lie. I knew it.”, sabi nya
“Wala akong alam.”.sabi ko
Ba’t ba sakin nya hinahanap si Kierra?
“Wala talaga akong alam.”,sabi ko
“TELL ME!”, sigaw nya
“Maniwala ka , wala talaga akong alam.”, sabi ko
“Remember this, if I found out that you’re lying, you’ll lose your life in any minute, so be careful from me.”, sabi nya
Nagbabanta ba sya?
For the first time na may nagbanta sa akin, at ang mas Malala yung taong mahal ko pa.
Ang saklap ng kapalaran ko no?
Pumunta ako sa kusina at parang nanginginig ako sa takot dahil sa mga sinabi ni Kurt.
Kinuha ko ang mangkok Pero dumulas ito mula sa kamay ko at nabasag.
Patay nabasag ko,
Dali-dali kong pinulot lahat ng mga bubog, di-alintana kung nasusugatan na ang kamay ko
Kasi parang wala akong may nararamdamang sakit,
Parang balewala na lang ang lahat
Ganito naman palagi eh..
KINABUKASAN
“Goodmorning K-----“
Naputol ang sasabihin ni Larry at nalipat ang tingin sa kamay ko
“Napano to?” tanong nya
“Ah wala, nakabasag lang ako kagabi.”, sabi ko
Ayokong sabihin yung nangyari kagabi, kasi baka magaway pa sila eh.
“Sigurado ka, patingin nga.”, sabi ko
Kinuha nya ang kamay ko at tiningnan.
“KJ, mauna ka na lang muna sa room, may dadaanan lang ako.”, paalam nya at umalis na sya.
Kaya nauna na ako sa classroom.
(Larry’s POV)
Pinauna ko na lang muna si KJ sa classroom may dapat lang akong gawin.
“Guys morning si Kurt?” tanong ko
“Ah nandon sa gym, malalim iniisip eh.”, sagot ni Brian.
Hindi na ako nagsalita pa kaya nagpunta na agad ako sa gym.
“KURT!" sigaw ko
“What is----“
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, sobra na sya.
Hindi na tama ang ginagawa nya eh.
Tama na ang ginagawa nya.Dapat na syang turuan ng leksyon.Kaya inunahan ko na sya.
(KJ’s POV)
Ang tagal naman nila Kurt
Wala pa sila kaya napagisipan kong hanapin muna yung dalawa.
Sa CR wala naman sya dun
Saan kaya yun?
Covered court ?, wala rin
Canteen, wala rin
Library, wala rin
Ah baka nasa gym sila
Kaya naabutan ko sila na nagkakagulo.
Ba’t ganito?
Ano bang problema nila
“Tama na Kurt!, Larry, tigilan nyo yan. Kurt, Larry tama na!!.”, sigaw ko
Pero parang balewala lang ako sa kanila kaya
Pumagitna ako sa kanilang dalawa
Nung akmang susuntukin na ni Larry si Kurt ay agad kong hinarangan si Larry.
“Tama na Larry, Kurt please.”, sabi ko
Halos mangiyak-ngiyak na ako sa nangyari sa kanila.
Yan nagkapasa tuloy ang mukha nilang dalawa.
At sa wakas tumigil na rin sila
Aalalayan ko sana si Kurt nang
“Get your dirty hands off of me!”, sigaw nya
“Kurt.”, sabi ko
Pero tinabig nya ang kamay ko sa balikat nya at naglakad palayo.
Napansin kong mas napuruhan si Kurt kaysa kay Larry.
“Kj, wag mo na syang susundan.”, sabi ni Larry
Pero hindi ko kayang iwan si Kurt sa kondisyon nya.K aya hinabol ko sya
“Kurt sandali lang.”, sabi ko
“I DON’T CARE ABOUT YOUR STUPID EXPLANATIONS, OR WORRIES!, YOU’RE JUST WASTING MY TIME!!, BAKIT BA HINDI KA NA LANG MAWALA SA BUHAY KO HA KJ ?!, TAHIMIK ANG BUHAY KO NUNG WALA KA PERO NUNG DUMATING KA NASIRA LAHAT NG PLANO KO.”, sigaw nya
“Sorry.”, yun lang yung nasabi ko
Hindi ko naman alam kung ano pang dapat sabihin eh.
“YOU’RE ALWAYS SAYING SORRY, CAN’T YOU JUST STAY AWAY FROM ME?!!, SAGABAL KA LANG, JUST A BURDEN TO MY LIFE!!!.”, sigaw nya ulit
Pabigat lang pala ako?
Sa buhay nya, sana matagal nya ng sinabi para umalis na ako noon pa
At umalis na sya
Hindi ko alam kung kaya ko pa ang lahat
Parang hindi ko na kaya lahat ng mga ginagawa ni Kurt.
Lahat ng mga sinabi nya nagpapahiwatig na talagang wala akong halaga sa kanya.
Balewala lang ako para sa kanya.
Hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan ng lahat.
Sana tumanggi ako nung simula pa lang edi sana hindi ganito ngayon.
Hindi magiging ganito ang buhay naming
(Sherwin’s POV)
“Tara labas tayo boring dito,”, yaya ni tyler
Lalabas na sana kami ng
“Kurt sandali lang.”, si KJ yun ah
Nakinig kami sa pinaguusapan nila
Hindi namin alam na ganito pala ang ginagawa ni Kurt kay KJ
Galit nagalit si Kurt ano kayang nangyari?
Naawa ako para kay KJ.
Sya palang kasi ang unang babae na sinigawan ni Kurt eh.
Pero nagulat kami ng bumukas ang pinto
Patay si Kurt ang nagbukas, kaya umayos kaagad kami ng tayo at nagsibalikan sa mga upuan naming lahat.
Nakita kong tumakbo palayo si KJ, at alam kong nasaktan sya
(KJ’s POV)
Tumakbo lang ako ng tumakbo palayo sa school. Gusto kong lumayo
Hindi ko napansing tumutulo na ang luha ko. Ayoko na. Hindi ko na kaya
Hindi ko na pala talaga kaya.
Nagpakamartyr ako sa loob ng dalawang buwan.
Lahat ginawa ko para sa kanya
Lahat ng sinasabi nya ginagawa ko
Ginawa kong lahat para maging mabuting asawa sa kanya.
Pero di nya ako kayang tanggapin. Sana pala matagal na akong sumuko. Pero hindi ko kaya kasi mahal ko sya. Kaya nagtiis ako sa kanya sa loob ng dalawang buwan nagbakasakaling tanggapin nya pero nagkamali ako. Mahirap iwan ang taong mahal mo. Pero kung para lang sa kasiyahan nya gagawin ko
Kahit ilang beses nya akong sinaktan. Kahit ilang beses nya akong sinabihan at minaliit, binalewala ko yun kasi mahal ko sya.
Pero hindi ko na talaga kaya.
Ayoko na.
Nahihirapan na ako. Naisip kong may hangganan rin pala ang katangahan.
Sobra na siguro yung mga ginagawa nya
Nagulat ako ng dinala ako ng mga pa ako sa bahay namin.
“Nay.”
“Nak, teka anong nangyari?” tanong ni nanay
“Nay “
Napaiyak na ako ng sobra
At niyakap na lang ako ni nanay
Ito pala ang pagtitiis ko sa loob ng dalawang buwan. Sobrang sakit
Kasi sa kanya pa mismo nangggaling yung mga salitang yun. At pabigat pala ako sa kanya.
Ayoko na. Sumusuko na ako. Suko na ako.