Chapter 11

1009 Words
(Third Person' POV) Naglalaptop si Kurt nang tinawag sya ng maid. "Sir may naghahanap po sa inyo." sabi ng maid "Who is it?"tanong nya "Nanay daw po ni ma'am KJ."sagot ng maid Kaya lumabas ng kwarto si Kurt at nagpunta sa sala. Walang kasigla sigla o emosyon ito habang naglalakad papuntang sala. Ni hindi man lang kinakabahan kung sino ang naglakas loob na sumugod sa kanya sa mismong bahay nya. (Kurt’s POV) When I got downstairs. “What do you want?”, tanong ko “Nakikiusap ako , wag mo namang tratuhing parang hayop ang anak ko.”, sabi nya “Yan lang ba ang pinunta mo dito?, you should go now, you’re just wasting your time.”, tanong ko Maglalakad na sana ako pero “Nakikiusap ako pahalagahan mo naman si Kj. Kahit konti lang , nakikiusap ako bilang ina nya, kahit di mo sya mahalin, hindi ko naman hinihiling yun eh, ang gusto ko lang naman, wag mo syang saktan, hindi naman physically pero wag mong saktan ang damdamin nya, nakikiusap ko marami nang pinagdaanan si KJ, at ayoko nang madagdagan pa yun.”, sabi nya I don’t like these stupid scenes. “Go home.”, sabi ko “Nakikiusap ako.”, sabi nya At hinawakan nya ang kamay ko at lumuhod sya sa harap ko Pero nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya. I don't want to concern myself with these bullsht. (KJ’s POV) Nasan na kaya si nanay? Hinanap ko si nanay pero wala naman sya sa bahay, wala naman sya sa palengke. Kaya napagisipan kong pumunta sa bahay ni Kurt .Pero “Nay!.”, sigaw ko Natumba si nanay. Bakit? Tinulak ba sya ni Kurt? Pero alam kong hindi gagawin ni Kurt yon. “Pagsisisihan mong ginawa mong to , pagsisihan mong sinaktan mo si Kj.”, sabi ni nanay Eh? “Are you finish?, now GET LOST!”, sigaw nya At tumalikod sya. “Pasensya ka na Kurt, kung ano man ang di magandang nasabi ni mama, wag kang magalala wala nang mangugulo sayo. Magiging tahimik na ang buhay mo ulit,at magiging masaya ka na, dahil simula ngayon, pinapakawalan na kita. Alam kong matagal mo nang gustong bumalik sa dati mong buhay, kaya magiging malaya ka na. salamat sa dalawang buwan. Simula bukas wala na kami. Hindi mo na ulit kami makikita. Ni pangalan ko hindi mo na maririnig. Hindi mo na makikita ang napakawalang kwenta kong mukha. Hindi na kita guguluhin pa. Paalam Kurt, sana maging masaya ka.”, sabi ko Masakit yung mga sinabi ko. Ayokong lumayo kay Kurt, dahil mahal ko sya. Pero kung yun ang dapat kong gawin para maging masaya sya,gagawin ko. Balewala lang naman ako sa kanya eh. Kasi naiintindihan ko naman sya “Tara nay,”, yaya ko Inalalayan ko sya ng tumayo at umalis na kami ni nanay. Kasabay ng pagalis naming ay ang paglaho ng lahat ng meron kami ni Kurt. Sisikapin kong makalimutan sya, at lumayo sa kanya.Para hindi na ako maging pabigat pa sa kanya. “Anak ayos ka lang ba?”tanong ni nanay “Opo, ayos lang po ako.”, sabi ko Sana mahanap ni Kurt yung gusto nya, gusto kong maging masaya sya, kaya papakawalan ko sya. *KINABUKASAN* “What is this?”, tanong ng principal. “Magda-drop-out na po ako.”, sagot ko “Eh?” gulat nya “Bakit naman?”, tanong nya “Wala lang po.”, sagot ko “Pero Ms. Mendez”sabi nya “Ayos lang po”, sabi ko “Sigurado ka?”, tanong nya “Opo”, sagot ko Simula ngayon, hindi na ako estudyante ng MSU. Kaya nga lalayo diba? Gusto kong pansamanatalang hindi makarinig ng balit tungkol sa kanila. (Larry’s POV) “Ano?”, “Nagdrop-out si Kj?” “Bakit naman daw?” “Siguro dahil mahirap sya?” Teka lang si Kj ba ang pinaguusapan nila? “Teka sinong nagdropout?”, tanong ko “Hindi nyo pa ba alam? Kanina lang nandito si Kj at nagbigay sya ng drop-out letter sa principal.”, sabi ng babae Eh nandito kanina si Kj? Teka lang totoo ba ang narinig ko? Nagdrop-out si Kj? Bakit naman kailangan nya pang gawin yon? Si Kurt Hindi pa ba sya natatuhan sa mga ginagawa nya kay Kj? Sobra na sya, hinding-hindi ko na to papalagpasin pa. Pumasok ako ng classroom, at “KURT!!!!”, sigaw ko Kaya napatahimik silang lahat at tumingin saken , pero wala akong pake. “Ikaw.”, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kwelyo nya. Pinipigilan lang ako nila Tyler “Larry, tama na pinagtitinginan na tayo o.”, sabi ni Sherwin Kaya binitawan ko ang kwelyo nua “Masaya ka na?”tanong ko “What?”, tanong nya “Nagdropout si KJ , ano masaya ka na wala nang pabigat, magagawa mo na ang gusto mo.”, sabi ko “so, what’s your point?”, tanong nya Sarap talagang punuin ng pasa tong mukha ng mayabang na to no? “Wala kang kwentang lalaki, babae na nga lang sinasaktan mo pa, wala kang puso Kurt, ang sama mo. Hindi mo baa lam na sya lang ang nakatiis ng ugali mong demonyo sa loob ng dalawang buwan?, tapos babalewalain mo lang?, at sasaktan mo lang?, ano yung tangahan?, loko ka pala eh, ngayon nagsisisi akong nagging kaibigan pa kita.”, sabi ko Naiinis ako pati babae sinaktan nya, parang hindi sya lalaki kung umasta. Buti sana kung lalaki ang kaaway nya pero pati babae na mismong asawa nya pinapatulan nya. Bahala sya kung nasaktan sya sa mga sinabi ko pero tama lang yan. Mabuti nang magising sya sa katotohanan at marealize nya ang mga kagaguhan nya sa buhay. Mas mabuti nga para marealize nya kung anong sinasayang nya. Sa totoo nga kulang pa yan eh. Gusto ko syang suntukin hanggang sa matauhan sya pero para kay KJ hindi ko gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD