(KJ's POV)
BATANGAS
"Wow, nay probinsya mo to?"tanong ko
Hindi ko mapigilang maamaze sa nakikita kong mga refreshing na tanawin tulad ng mga bukid, mga nagtataasang puno, malalawak na taniman, mga carabao at kahit ang sariwang simoy ng hangin. Ito pala talaga ang tinatawag na probinsya. Parang gusto kong dito na lang tumira, sobrang presko at tahimik.
"Oo, at dito tayo titira. Diba sabi mo gusto mong lumayo?", tanong nya
Tama sya. Nandito kami ngayon sa Batangas, dito na kami titira ni nanay. Malayo sa mga taong hindi ko gustong makita at hindi ako gustong makita. Mabuti na yung makamove tayo sa masasakit na nangyari. Narealize kong masakit pilitin ang mga bagay na hindi pwede, tulad naming dalawa. Kahit na ako lang yung nasasaktan kaya ayoko na nakakasawa nang masaktan ng paulit-ulit.
"Teka lang, pano ka nga pala papasok?", tanong ni nanay.
"Nay nagdrop-out na po ako ", sabi ko
"Teka lang, bakit naman?", tanong nya
"Kasi gusto ko po kayong tulungan magtrabaho.", sabi ko
Totoo na gusto kong matulungan din si nanay pero gusto ko ring makalayo sa kanya dahil gusto ko ring makamove on na.
"Nak.", sita nya
"Nay, wag po kayong magalala , kaya ko po to.", sabi ko
Nakitira kami sa isang apartment na pagmamayari ng ate nya.
Tinulungan ko si mama na magayos ng gamit namin at umalis muna ako sandali.
Mag-gagabi na pero wala parin akong may nakikita.
Last na lang tong pupuntahan ko.
-HANIE's RESTO-
Magsasarado na sila kaya nagmadali na ako.
"Sorry ma'am pero magsasarado na po kami.", sabi ng babae
"Ay hindi po ako customer, magaaply po sana ako.", sabi ko
"Ilang taon ka na ba?"tanong nya
"17 po.", sagot ko
"Sorry hindi kami tumatanggap ng undergrad.", sabi nya
"Pero kaya ko pong maglinis, magluto, maghugas ng pinggan ", sabi ko
"Pero hija."
"Sige na po, para po to sa nanay ko.", sabi ko
Huminga sya ng malalim.
"Sige, simula bukas ang trabaho mo.", sabi Nya
"Dapat 6 am nandito ka na para maglinis kasi mga 7 am bukas na tong resto, okay?", tanong ng isa
"Opo.", sagot ko
"Salamat po talaga, maraming salamat po.", sabi ko ulit.
Sa wakas may trabaho na ako.
Matutulungan ko na si nanay.
(SOMEONE's POV)
"Hanapin nyo sya. Gusto ko bukas alam ko kung nasaan na sya.", utos ko
KJ, nasan ka na?
Ngayon alam ko na kung anong nagawa kong kasalanan, now I know
Now I understand.
I understand what happened.
Sorry, kung nabuhos ko ang lahat ng galit ko sayo.
I shouldn't have done that.
They're right I've been stupid enough to treat you like that.
KJ, dalawa na ang nawala saken.
Now I understand and I admit that I don't want to lose you too.
I'll do everything to get you back, My Wife….
(KJ's POV)
*KINABUKASAN*
Maaga pa akong nagising , nagayos ako para sa trabaho ko, dapat maaga pa ako, para hindi ako matanggal.
"Nay una na po ako.", paalam ko.
"Sige nak.", sagot ko
Nagmamadali akong pumunta sa Hanie's store.
5:58 am pa lang.
Dapat nandon na ako.
Sa wakas.
"goodmorning po."bati ko
"On time ha?, sige na its time to work.", sabi ng lalaki.
Kaya nagtrabaho na ako, naglinis muna ako ng lamesa, at tinulungan ko sila sa paglilinis.
(Kurt's POV)
Pinuntahan ko ang address kung nasan si KJ.
And I found her already.
But.
Nagtatrabaho sya, nagdropout sya para lang magtrabaho?
Pero may parte saken na parang hindi ko kaya na nakikita syang ganyan.
I can't stand to see her in that kind of condition.
Parang may nagsasabi saken na lapitan ko sya.
Napansin kong nahihirapan sya sa ginagawa nya and I felt the guilt over my heart.
Wala sya dapat sa ganyang sitwasyon kundi dahil sa katangahan ko.
Larry is right, I'm a useless husband to her.
I wasted the two months. All I did was to shout at her, scold her, underestimate her, and I didn't even notice her efforts. I hurt her emotionally.
This is all because of my stupid pride, my fcking fault!
I should have let her feel that she's important, but all I did was to hurt her.
(KJ's POV)
Kahit nakakapagod, ayos lang, kailangan kong gawin to para saming dalawa ni nanay
Balewala lang tong pagod na to kaysa sa dalawang buwan.
Lumapit na lang ako sa isang customer, wala pa syang order.
TABLE 14
"Sir ano pong order nyo?", tanong ko
"I want to talk to Mrs. Marasigan.", sagot nya
Yung boses na yun, parang pamilyar, parang kilala ko kung kanino yun ah.
Pero pano nya nalaman ang pangalan ko?
O____________O
"Kurt?", gulat ko
"Kj, let's talk.", yaya nya
"Excuse me sir, may mga customers pa po ako.", sabi ko
Dapat di ko sya Makita, dapat wala sya dito. Dapat hindi nya ako nakita.
"KJ, 10 minutes.", sabi nya
OUTSIDE THE RESTO
Walang may nagsasalita saming dalawa, tahimik lang ang buong kotse.
Nandito kami ngayon sa kotse nya. Hindi ko nga alam kung bakit ako sumama sa kanya eh.
"KJ.", tawag nya
Pero hindi ako tumingin sa kanya.
"Please.", sabi nya
"Come…… Back……. To………. Me….", sabi nya
Come back to me?
Si Kurt ba tong kasama ko ngayon o hindi?
"Kurt ano bang nakain mo?", tanong ko
"I'm dead serious KJ.", sabi nya
Pero pag bumalik ako dun ganun parin naman ang mangyayari eh.
"Diba hindi na tayo magasawa?", tanong ko
"You're still my wife, we're not divorced yet.", sabi nya
Ayoko nang makausap si Kurt.
Lalabas na sana ako ng pinigilan nya ako
Ano bang nangyayari kay Kurt?
Noon gusto nyang umalis ako, pero ba't ngayon pinipigilan nya akong umalis?
"Kurt.", sita ko
Tumingin ako sa kanya, hindi sya galit
Pero yung mga mata nya parang nagmamakaawa.
Pero
Nagulat ako nang hinawakan nya ang kamay ko.
"Please KJ bumalik ka na , please.", sabi nya
Gusto ko man, pero pakiramdam ko ganon pa rin ang mangyayari eh.
Umiling ako at
"Ayoko na.", sabi ko
Unti-unti nyang binitawan ang kamay ko
Kaya lumabas ako ng kotse nya at naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko.
Bumalik na ako sa restaurant, baka mawalan pa ako ng trabaho.