Chapter 13

1365 Words
(Kurt’s POV) -FLASHBACK- “Kj.” I said “Please” “Come…. Back ….. to …me” “Ayoko na.”, she said. “Kurt, tama na yan.nakakailan ka na.”, sabi ni Michael “akin na.”, sabi ko Kinuha ko ang wine glass. It hurts like h***, ito rin siguro yung naramdaman ni Kj noon? Well I deserve this, kulang pa nga to eh. “Sorry.” (Larry’s POV) Nandito kami ngayon sa bar ni Tyler. Kanina pa nga umiinom si Kurt eh. Nakakatatlo na sya. Nagcecelebrate yata. Pero bakit parang malungkot sya. “KJ, sorry, sorry.” Kanina pa sorry ng sorry yan, hindi naman sya ganyan dati eh.ngayon lang Pero ba’t kay KJ? Nagsosorry sya kay KJ? “Nagsosorry ka kay Kj?”, tanong ko “Larry.”, saway ni Steven Pero tumayo sya. At di sinagot ang tanong ko “Kurt!”, sigaw ni Brian nang matumba si Kurt. “Ayos ka lang?”, tanong ni Michael. Pero imbis na magalit ako sa kanya parang nakaramdam ako ng awa kay Kurt. Ngayon ko lang syang nakitang ganyan. Ngayon lang. Tumayo ako at nilapitan sya. “iuuwi ka na namin.”, yaya ko “no I’m alright.”, sagot nya “Kurt.”, sita ko Tatayo sana sya pero natumba ulit sya. “Kurt.” “I need to find my wife, I want to see her . I want to see KJ. Gusto kong Makita sya.. alam kong nasaktan ko sya, ang laki kong tanga para gawin yon. You’re right Larry I’m useless, . I don’t deserve her, dapat pinahalagahan ko sya, pero sinaktan ko lang sya, ang tang ako diba?i wanted to see her badly, I missed her. KJ, please.”, sabi nya (Third Person’s POV) Nakita ng M6 ang nangyayari sa kaibigan nila, at kahit sila ay naaawa dito, wala silang magawa para tulungan si Kurt, dahil kahit sa sarili nila hindi nila alam kung pano mapapabalik ang asawa nito. Kahit galit sila sa ginawa ni Kurt, nanginginbabaw parin ang pagkakaibigan nila. Kay napagisipan nilang iuwi ang kaibigan. (Michael’s POV) Totoo ba to?, umiiyak b talaga si Kurt? Si Kurt Jullian Marasigan umiiyak? Ngayon lang nangyari to. (KJ’s POV) Ano ba to? Hindi ako makatulog Tumagilid ako sa kabila, pero hindi parin eh 11:00 pm na pero di parin ako makatulog, dapat makatulog na ako, kasi may trabaho pa ako bukas eh. Pinikit ko ang mat ako pero hindi parin. Umupo muna ako, at kinuha ang wallet ko. Pero. Nalaglag ang singsing ko. Pinulot ko at. Naalala ko sya, nakakain na kaya sya?, sana di sya magutom. Sana okay lang sya. Naalala ko ang nangyari kanina, parang hindi sya ang Kurt na nakilala ko noon, parang isang malungkot na Kurt ang nakita ko kanina. Pero bakit kaya? (KJ’s POV) Maaga pa lang nandito na ako Nagmomop ako ng sahig ng may biglang pumasok. Nandito na naman sya? Ano bang kailangan nya? “KJ, let’s.”, sabi nya “Sir hindi pa po bukas nag resto namin.”, sabi ko “I want to talk to my WIFE.”, sabi nya Hinawakan nya ang kamay ko. At dinala nya ako sa labas. “K-kurt bi-bi-bitawan mo ko.”, sabi ko “Kj, let’s talk.”, sabi nya “Babalik na ako sa trabaho ko.”, sabi ko “Kj,please.”, sabi nya “Bitawan mo ko.”, sabi ko Wala syang nagawa kundi bitawan ako. Kaya tumalikod ako sa kanya. Pero narinig ko syang nagsalita “Kj, sorry please come back to me.”, sabi nya Ganun pa rin naman eh Magaaway na naman kami, nakakasawa na Napapagod na ako, gusto ko na syang kalimutan , pero di ko magawa kasi hanggang ngayon mahal ko parin sya Pero kakalimutan ko sila, lalong-lalo na sya Ayokong mapagalitan ulit, ayokong masigawan ni Kurt ulit. (Larry’s POV) Nakaupo kami ngayon sa katabing resto ng pinagtatrabahuhan ni Kj, pero si Kurt nakatingin lang kay Kj. Ang lungkot nya, yung mga mata nya parang nakita ko na yan noon, parang mauulit na naman ulit. (KJ’s POV) “Nay.”, tawag ko. “Nak ginagabi ka na.ah.”, sita ni nanay. “Oo kasi nay, kulang yung empleyado eh, kaya ako muna yung pumapalit.”, sabi ko. “Sigurado ka?”, tanong nya “oo nay, may kasabay naman po ako.”, sabi ko “tama dapat palagi kang may kasabay, dapat magingat ka kasi delikado pag gabi ka na umuuwi.”, sabi nya “oo nay.”, sabi ko *KINABUKASAN* Naglalakad ako papunta sa paradahan, nang may tumigil na kotse sa harap ko Pamilyar tong kotseng to ah. Sabi na nga ba eh. “Hatid na kita.”, yaya nya “Hindi na Kurt, mauna na ako.”, sabi ko Hindi na sya sumagot kaya nagpunta na ako sa resto Nagsimula na ako sa pagtatrabaho ko, sana hindi na sya mangistorbo saken. Natapos ang araw ko nang di ko nakikita si Kurt, mabuti naman, Pagkatapos ng trabaho naglalakad ako pauwi, nang may nakita ako “Babe sorry na.”, sabi ng lalaki “ewan ko sayo.”, tanggi ng babae. Binigyan sya ng lalaki ng bulaklak kaya ngumiti sya. “Sige na nga bati na tayo.”, sabi ng babae. “I love you,”, sabi ng lalaki “I love you too.”, sabi ng babae Ang saya nila, mabuti pa sila. Pero “KJ, “ Nandyan na naman sya. Pero di ko sya pinansin. “KJ, KJ, sandali lang.”, tawag nya Binilisan ko ang paglakad. “Please KJ.”, sabi nya “Kj, sandali lang please.”, sabi nya ulit at Hinawakan nya ang kamay ko at napaharap ako sa kanya. Yung mga mata nya, ibang-iba sa mga mata nya noon. “sigurado ka ba?”, tanong nya Pero umiwas ako sa kanya “Kj!, Kj sandali lang. KJ! KJ!”, tinatawag nya ako pero di ko sya pinapansin. Dapat hindi na ako bumalik kasi baka magaway na naman sila ni Larry, “KJ!”, sigaw nya “KJ!” “KJ!” “KJ, WAIT UP!!KJ!, KJ!”, sigaw nya ulit May bus na tumigil sa harap, kaya pumasok agad akosa loob at nagsarado ang pinto, sana hindi ako maabutan ni Kurt, sana (Kurt’s POV) “KJ!.KJ!”, sigaw nya Hinabol ko ang bus, pero ang bilis nyang tumakbo, At nakita kong sumakay sya agad sa bus. Hindi Hindi pwede to. No. “KJ!”, sigaw ko Kinalampag ko ang pinto ng bus Pero hindi nya ako pinansin. Agad na umandar ito, kaya hinabol ko ang bus. “KJ!.” Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan nya pero wala. Hinabol ko ang bus, kahit alam kong imposibleng maabutan ko yon. Pero si KJ “KJ!, please mag-usap tayo, please, KJ!.”,sigaw ko (KJ’sPOV) Nagulat ako nang Makita kong hinahabol ni Kurt ang bus. Eh? Hinahabol nya ang bus? Kurt? Hindi ko napansing tumutulo na ang luha ko.. Ayokong nakikita syang ganyan Pero Wala akong magagawa. (Kurt’s POV) Kailangang maabutan ko si KJ “KJ!.” “KJ!” Pero mas bumilis ang takbo ng bus Hindi pwede! “KJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJ!!!!!!”, Hindi ko na sya naabutan. Napaupo na lang ako sa kalsada. Umaasa ako na bababa sya mula sa bus, at tatakbo papunta saken, katulad ng mga napapanood ko sat v Pero Mali ako. Hindi na sya bumalik Wala na si KJ My wife is gone. Nawala na silang lahat, dahil sa katangahan ko. Si mama Si Kierra At Ang Asawa ko. I’m very useless, I’m a useless person Sana noon pinahalagahan ko si KJ Sana noon hindi ko sya binalewala. Sana tinaggap ko sya Sana kasama ko sya ngayon. Sana hindi sya nawala Sana. Hanggang sana na lang ang lahat. Nang Ba’t may tumutulo? Kaya napatingala ako, Umuulan. I don’t bother to stand up, because I don’t know how to stand in this kind of condition. “KJ.” “Sorry.” “I…LOVE…YOU”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD