FOUR
Kinabukasan, may hang-over akong pumasok. Hindi ako nakapaglagay ng makeup o nang kahit na ano sa mukha. Nagising ako, naligo, nag-toothbrush, at umalis. Naisip kong sa school na lamang ako mag-aayos ng kaunti. Hindi pa naman sanay ang mga tao doon na makita akong walang suot na makeup sa mukha.
Hinayaan ko lang din na nakalugay ang basa kong buhok. Hindi ko nga maalala kung nagawa ko ba iyong punasan ng tuwalya. Pagkatanaw ko sa eskuwelahan, hindi ko na nagawang magpaalam kay Daddy at tumalon na lang basta pababa ng sasakyan.
Tangina, late na ako!
Terror pa man din ang teacher namin sa first period at mahilig mamahiya!
Padulas akong tumigil sa pagtakbo sa tapat ng pinto. Nakabukas ang pintuan. Maingay at nagkakagulo ang mga estudyante sa loob nang masilip ko taliwas sa inaasahang madadatnan ko.
"Hoy, teka! Bakit magulo sa loob? Walang klase?" Tanong ko sa kaklaseng nerd na nahigit ko sa braso nang dumaan malapit sa akin.
"Wala si Miss Avila ngayon—”
"Wala? Bakit? Tangina naman, o! Nagmamadali pa akong pumasok!" Natakot yata sa sigaw ko ang kaklase. Inalis nito ang kamay kong mariin ang hawak sa braso niya at iniwan ako.
Walang kuwenta ang pagmamadali ko! Nakakaasar! Sana’y nagmuni-muni muna ako habang nag-aayos!
Sinipa ko ang nadaanang basurahan. Gumawa ng ingay iyon pero dahil walang nakakita, hinayaan ko na lang iyon na nakatumba at nakalabas ang mga basura. Malayo pa lang ay dinig ko na ang boses ni Cara sa tambayan ng grupo namin.
It's a small lanai. Mayroon maliit na bathroom, mga sofa, billiard table, and dart target. Mayroon din mga kagamitan na pang-kusina. Marco requested this small lanai for us. His father is one of the shareholder of this school kaya’t madaling napagbigyan. The other group of students also requested their private rest place like us but the school immediately declined. Kami ang nauna kaya’t kami lang ang grupo na napagbigyan.
Tahimik sa puwesto na ito. Mapuno at mahangin. Walang ibang puwedeng pumunta na estudyante dahil pribado ito para sa amin, depende na lang kung kasama ng isa sa grupo namin. Exclusive lang ito sa barkada dahil hindi rin naman palakaibigan si Marco at kami lang ang kasama.
Malayo palang ay nakilala ko na ang likod ni Linus habang nakaupo siya sa batong barandilya ng lanai. Nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid niya habang kausap si Luna na nakasandal naman sa barandilya, katabi niya. Ang iba ay nasa sofa, nagd-darts, at billiards. Lumapit ako kay Cara na nakaupo sa sofa at tinakpan ang mga mata niya.
“Guess who?” Pang-asar na tanong ko.
Padabog niyang inalis ang kamay ko. Sumimangot siya at umikot para lumingon sa akin. Natawa lang ako at pabagsak na humiga sa pahabang sofa na katapat niya. Napatingin ako sa gawi nila Linus dahil sa pagtigil ng mga boses nila ni Luna. Natigil siya sa pagsasalita nang makita ako. Nakatitig na siya sa akin ngayon na animo’y palaging namamangha sa ganda ko. Napailing ako sa sariling kayabangan at natatawang nag-iwas ng tingin sa kanila.
"You went out bare skin today?” Nginisian ako ni Cara. Yakap ng dalawang kamay nito ang unan. “Mabuti naman dahil nagmumukha ka nang clown tuwing naka-makeup ka! Ang kapal ng kilay! Ang kapal ng lipstick! Ang kapal ng eyeshadow! May wing eyeliner pa!”
"Clown, huh? Sigurado kang diyan mo ako ikukumpara?" Tawa kong nakataas ang isang kilay. "Bakit hindi natin tanungin si Linus kung maganda ba ako kapag naka-makeup o mukhang clown?" Nakangising hamon ko sabay nilingon si Linus na hindi humihiwalay sa akin ang mga mata.
"Love, am I beautiful?" Maharot at natatawang tanong ko.
Namula siya ngunit seryosong nakatitig sa akin. Kanina ko pa napapansin na nasa akin ang mga mata niya at hindi na sila ulit nag-usap ni Luna. "Yeah," mahina niyang tugon na may kasamang pag-tango. "You’re beautiful..." Walang kurap at direkta sa mga mata kong sagot niya.
Saglit kong napigil ang paghinga. Idinaan ko nga lang sa pekeng tawa para hindi halatang bumilis ang t***k ng puso ko. Damn you, Linus! Nagbibiro lang ako, bakit ang seryoso mong sumagot? Hindi ko inasahan na sasagot siya ng maayos. Sa halip, mas inasahan kong matatameme lang siya at mamumula. Nang tingnan ko ang barkada, natahimik silang lahat. Maliban kay Cara na nagpipigil na ng tawa. Nakatingin din si Luna sa akin habang nakakunot ang noo.
Nang tumayo ako'y bumalik muli ang mga kaibigan ko sa ginagawa. Lumapit ako kay Linus na nakaupo sa barandilya. Ang mga kamay ko’y nilapat ko sa barandilya sa magkabilang gilid niya. Ikinulong ko siya gamit ang dalawang braso ko. Nakatingala ako at nagmistulang nakayakap sa kanya. Ang mga kamay niya'y alertong lumapat sa magkabilang bewang ko. Hinayaan niya akong pumagitna sa mga nakabukang hita niya. Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Seryoso ang mga mata ngunit pinamumulahan. Sinipat ko ng tingin si Luna na nasa tabi niya. Sa matalim na tingin nito sa akin, sa tingin ko'y may sikreto siyang pagtingin sa kaibigan niya.
"Really? Maganda ako para sa 'yo?" Nakaangat ang gilid ng labi kong tanong kay Linus subalit na kay Luna ang mga mata.
"Yeah," agarang sagot niya.
Umangat ang gilid ng labi ko. Nakangisi kong inilapit ang aking mga labi sa tainga niya at bumulong doon habang nakatitig pa rin kay Luna. Gustong gusto kong nakakakita ng mga babaeng nasasaktan. Kasi ganiyan ako noon. Gusto kong makita ang sarili ko sa kanila. Let's recruit another girl because it's too lonely to feel hurt alone.
"Hmm. Well, how about my body? Do I look sexy, Linus?" Nang-aakit ang boses ko at sinadyang magbuga ng hininga sa tenga niya.
Umatras ako at tiningnan si Linus sa mga mata. Nakatingkayad ako dahil kahit naka-upo siya'y mas mataas pa rin siya sa akin. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Konting galaw lang ay maaaring magdikit ang aming mga labi. Napabuga siya ng hangin na tila ba kanina pa siya nagpipigil ng hininga simula nang lumapit ako. Nagsimulang lumamlam ang mga mata niya.
"Yeah," he answered breathily while rubbing his hands on the curve of my waists.
Nang huminto ang kamay niya’y dumiin ang hawak niya sa bewang ko. Parang nagpipigil na hilahin ang batok ko at halikan ako. Parang tuksong dinilaan ko ang aking mga labi dahil sa nakikitang epekto ko sa kaniya. Sinundan niya ang dila ko ng tingin habang lalong dumidiin ang hawak niya sa bewang ko at umiigting na ang mga panga. Ang mga balahibo niya sa braso’y pansin ko ring mga nagtayuan.
“Linus,” I called his name and looked straight at his eyes. I almost drowned, but before that, I added the question. “Do you want to touch me?”
Bumuka ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata gawa ng bulgar na tanong ko. Tumatama sa pisngi ko ang mainit niyang hininga. Halos maramdaman ko rin sa palad niyang nasa bewang ko ang t***k ng puso niya.
"S-sadie," nauutal siya at gulat na gulat.
"Why are your eyes always on my lips? Do you want to kiss me so bad?" I seductively look at his right eye, and then I look at his mouth, then look again at his other eye.
His initial reaction was to blush by my stares. He then swallowed hard without realizing and then nodded his head. His honest reaction earned me a smirk. I feel proud for myself for being naturally seductive.
"If you want it, kiss me then." I said it like a tease.
Pagkabigkas ko no'n, mabilis niya akong sinunod at walang pag-aatubiling hinalikan ako. Na para bang permiso ko lang ang hinihintay niya para halikan ako. Narinig ko ang singhap ni Luna. Gumanti ako ng mas malalim na halik kay Linus. Nasa batok ko na ang isa niyang kamay. Nakapikit siya't walang pakialam kung may ibang mga tao na nanonood sa amin.
Habang hinahalikan si Linus, sinilip ko ang reaksyon ni Luna. Mahigpit ang kapit ng isa niyang kamay sa barandilya habang nakatakip ang isa pa niyang kamay sa bibig niya. Binuka ko ang aking bibig at ipinasok doon ang ibabang labi ni Linus, sinipsip ko iyon at pinadaanan ng ngipin. Pinakita ko kung paano ko halikan ang kaibigan niya dahil nagustuhan ko ang sakit na bumalatay sa kaniyang mga mata.
Halos maglamunan na kami ng labi ni Linus. Hinila pa niya ako palapit kahit wala nang espasyo dahil nasa gitna na ako ng mga hita niya. Para siyang uhaw na uhaw. Hinuli niya ang dila ko at pinaglaruan ang hikaw kong naroon gamit ang kanyang dila. Hindi napigilang tumakas ng mahinang ungol ko. I moan because I find it hot! Ang bilis niya talagang matuto! Isang beses ko pa lamang na tinuro sa kaniya’y eksperto na siya.
Narinig kong tumikhim si Caleb kaya't natauhan rin ako't bahagyang naitulak si Linus palayo. Sinubukan niyang habulin ang labi ko gaya noong nasa puno kami subalit hinarang ko ang kamay ko at tumingin sa mapupungay niyang mga mata.
Napatingin siya sa aking likod. Nakita niya ang mga kasama namin. Napatingin siya sa akin, partikular sa mga labi ko. Napakagat siya sa sariling mga labi bago tumingin ulit sa mga mata ko. Namumula na naman ang mga tenga niya kaya't hindi ko na napigilan ang matawa.
"Why are you always blushing? At this moment you should say f**k or say s**t because they caught you kissing me and you feel a little embarass, am I right?"
Napalunok siya at namulang lalo.
"I...I'm...not..." putol putol ang salita niya. “I’m not…embarrassed…”
"Really?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kahit halikan kita ulit ngayon sa harapan nila, hindi ka mahihiya? You won’t feel embarrassed and kiss me back?"
Pinaglaruan ko ang hikaw ko sa dila at inipit iyon sa pagitan ng mga labi ko. Kuminang ang batong naroon. Natutok sa paglalaro ko sa aking hikaw ang mga mata niya. Pinagmasdan ko siya habang abala siya. He looks mesmerized by my lips, tongue, and piercings. Binalik ko sa loob ng bibig ang hikaw at natawa.
“Oh, you’re telling the truth! You won’t feel embarrassed ‘cause you want to kiss me again and suck my piercing!”
Nanlaki ang mga mata niya't muling napadpad sa likod ko ang tingin. I don't think he can kiss me back if I kiss him again now torridly. Nabigla lang siya kanina at nakalimutan sandali na may mga kasama kami. Pero hindi niya kaya ngayong alam niyang lantarang nanonood ang mga kaibigan ko.
“What does my piercing taste like? Isn’t it unfair you’re the only one sucking it? Should I put one too on your tongue?”
Hinawi ko ng mga daliri ang aking malambot na buhok mula sa harapan papunta sa likod. Tumodo ang pagkapula niya at hindi na magawang salubungin ang mata ng mga kaibigan ko. Hindi na rin siya makasagot. Nakangisi lang ako noong una subalit kalauna'y hindi ko na kinaya. Tawa na ako nang tawa habang nakatingin lang siya sa akin at namumula.
“You’re blushing again. Is that a yes without saying yes? Should I really get you one?”
Natawa lang din ang mga kaibigan ko at napailing pagkatapos ay tumuloy nang maglaro. Sanay na silang makita akong may hinahalikan na lalaki kaya naman hindi na bago ang ganitong tanawin sa kanila. But not Luna. She's still shock and speechless. Hindi makapaniwala sa nakitang ginawa ng lalaking gusto niya. Napangisi ako sa gulat na itsura niya at naisip na itutuloy ko ito. Aside from Linus being a good kisser, I want to see Luna get hurt even more. I want to see and test her limits. Kung hanggang kailan niya kayang itago ang nararamdaman at hindi ito aminin.