INTOXICATED LOVE 05

2880 Words
FIVE Matapos tuksuhin si Linus, bumalik ako sa hinihigaan ko na sofa. Umupo ako at niyakap ang isang unan. Pinapanood ko sina Marco at Seth na nagpatuloy sa paglalaro. Sa barkada, itong dalawang ito ang mas malapit at mas nagkakasundo. Marahil ay dahil parehong tahimik at hindi maloko gaya naming apat nina Caleb, Cara, at Aston. Lalo na kami nina Cara at Caleb na nagkakasundo sa halos lahat ng kalokohan. Hindi pa man bibilang ng minuto nang bumalik ako sa upuan ko, naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Amoy pa lang niya, alam na alam ko na. Nilingon ko siya. Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit upang sumandal. Kusa siyang umayos ng upo paharap sa likod ko at nilagay ang kaniyang isang kamay sa bewang ko payakap sa aking tiyan. Hinubad niya ang isa niyang sapatos upang maisampa ang isa niyang paa sa sofa, sa gilid ko. Nakayakap na siya sa akin mula sa aking likuran at ikinukulong ako sa pagitan ng mga hita niya. Para kaming mag-syota na nagyayakapan sa ibabaw ng sofa. He moved as if we’re a newly made couple and he was hugging his girlfriend from behind. I couldn't help but be happy with his behavior as if clinging to me was a natural thing. Tumingin ako sa gawi ni Luna habang nakangisi. Minasdan niyang mabuti ang nakayakap na bisig ni Linus sa akin bago nagtama ang mga mata namin. Tumaas ang kilay ko nang para siyang maiiyak bago umalis. Ipinatong ko na lang ang likod ng ulo ko sa dibdib ni Linus. Habang siya'y panay ang halik sa gilid ng ulo ko. From that day on, we started talking more and we started touching. We became closer after that kissing incident in front of my friends. Kung kumilos o umayos siya’y para siyang clingy boyfriend. Gayunpaman, hindi naman ako naiirita. I don't get irritated or suffocated even though he's clingy, touchy, and always wants to make out whenever there's a chance or we're alone. Just like now while we’re inside his car. "Haa...yeah…you’re doing right…" Tumingala ako at hinayaan siyang paglaruan ang tuktok ng dibdib ko. Para siyang de-susi na kapag inutusan ko ay mabilis na ginagawa. He's a smart and fast learner, that’s what I like about him. Sa sobrang bilis niya nga lang na matuto, madalas muntikan na kaming lumagpas. Mabuti na lang din na nakakaya kong magpigil at nagagawa ko siyang pigilan. He doesn't do things I don't like so it's not hard to stop him. "Ugh… Linus..." My hand pulled a handful of his hair and moaned. A chill crawled in my abdomen when he bit my n****e. I couldn’t decide if I should push him or pull him more. Hindi nilulubayan ng bibig niya ang isa sa mga dibdib ko, habang ang isa pa ay nilalamas at pinipisil ng kanyang kamay. Bukas ang aircon subalit nagsisimula na akong pagpawisan. “Aah—” Napamulagat ako nang tumunog ang telepono kong nasa dashboard ng sasakyan niya. Hinayaan ko siya nang umakyat ang halik niya papunta sa aking leeg kaya't lasing ako sa mga halik niya nang sagutin ko ang tawag. "Hello?" Paos at hingal ang paraan ng aking pagsagot. "Ano ba ang ginagawa n’yo? Nasaan na kayo ni Linus?" Bulyaw ni Cara sa kabilang linya. Natigil si Linus sa paghalik sa aking leeg at pagpisil sa dibdib ko dahil narinig niya ang sigaw ni Cara. Niyuko ko siya at sinenyasan na huwag magsasalita. Namumungay ang mga mata niyang tila masunuring tupa na tumango. "Why? What do you need?" Maayos na ang paghinga na tanong ko kay Cara. "What do I need? I need both of your ass here! May usapan tayo, hindi ba? Pumunta na kayo dito sa bahay ni Seth!" Huling sermon niya bago ibinaba ang tawag. Napairap ako. "Are we going to continue?" He managed to ask even though it was obvious in his eyes and hoarse voice that he wanted to continue. Tinitigan ko siya. Hinuli ko ng dalawang kamay ang kanyang mukha at malalim siyang hinalikan sa labi. Segundo lang ay pinutol ko na iyon. Tinulak ko siya palayo sa akin at saka ako umiling sa kaniya. Inayos ko ang aking damit upang maitago ang dibdib kong kanina lang ay subo niya. "Let’s continue this later. Puntahan na natin. Tatawag ulit iyon kung hindi pa tayo pupunta ngayon." Maliit siyang ngumiti at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Pagkarating namin, nagkukumpulan sila sa sala. Kaming dalawa na lang ni Linus ang wala at hinihintay nila. “What’s up?” I asked after taking a seat on the sofa. Linus sat next to me and hugged me. “Saan ba kayo nanggaling? We couldn’t decide without both of you here.” Hindi ako nagsalita at sa halip ay mas lalo akong sumandal kay Linus. Nasa kanya na ang buong bigat ko ngunit parang wala lang iyon sa kanya. Isa ito sa gusto ko sa kanya. Matikas at matigas ang pangangatawan niya subalit sa kabila niyon ay masarap siyang gawing unan. "Nakaka-miss ang dagat! What do you think? Shouldn’t we visit the ocean soon?" Nakangusong ani ni Cara. Para siyang bata na gustong bumili ng candy pero ayaw pagbigyan. Kararating lang namin ni Linus iyon na ang bungad niya. Hindi man lang tinanong kung kumain ba kami o kung gustong mag-merienda. "Okay. But there’s many places with oceans. Saan mo doon balak pumunta?" Tanong ko habang nakasandal kay Linus na hindi nawawala sa pagkagapos ang mga braso sa akin. Nilalaro ko ang balahibo sa braso ni Linus habang nakatingin kay Luna sa tabi namin na nakatingin lang sa TV dahil nagmo-movie marathon sila sa bahay ni Seth nang dumating kami. Tahimik lang siya at hindi gaya nang una na muntik nang umiyak. Tinitigan ko siya. Palakaibigan siya pero hindi na niya ako kinausap simula nang nangyari sa lanai kahit na alam ko na may mga gusto siyang sabihin at itanong. Ginawa niya lang akong parang hangin dahil kinakausap naman niya ang mga kaibigan ko at lalo na si Linus. Pansin ko rin ang pilit niyang pag-agaw sa atensyon ni Linus mula sa akin. Hindi niya tinatago na ayaw niyang nakadikit ako sa kaibigan niya. Is she still not giving up? Hindi ba't mas mabuti ang aminin ang nararamdaman at pagkatapos ay mag-move on na? Kahit anong agaw ang gawin niya sa atensyon ni Linus, sa palagay ko'y hindi siya magugustuhan ng kaibigan niya. Ang tagal na nilang magkasama dahil magkababata sila ngunit magkaibigan lang sila hanggang ngayon. Kung magugustuhan siya ni Linus sana’y noon pa. Bakit ba nabu-buwisit ako sa babae na ito? Nauna naman siya sa akin pero bakit parang ayokong dikit siya nang dikit kay Linus? Nagbago rin bigla ang isip ko at ayoko nang aminin niya sa kaibigan ang nararamdaman niya. Hindi ko mahal si Linus ngunit ayokong inaagaw ng iba ang atensyon niya. Kung aamin si Luna, maaaring magkalamat din ang pagiging malapit naming dalawa. Sa ngayon, ang gusto ko ay sa akin lang muna siya. Hindi rin lingid sa akin ang pagbabago ng pananamit ni Luna. Sa ayos niya'y halatang may balak siya na akitin ang kababata. Hindi naman sobra ang pagbabago niya subalit mahahalata iyon nang kapuwa niya babae lalo na at unang kita ko pa lang sa kaniya’y nakamasid na ako sa bawat galaw at reaksyon niya. Buti na lang at walang epekto sa isa kahit magbago siya ng ayos at pananamit. Si Caleb ang naaapektuhan niya imbis na si Linus. Natawa ako at napailing nang maisip na ang tinamaan niya ay maling target. "Why?" Nagtatakang tanong ni Linus. Sinilip niya ang mukha ko dahil bigla akong natawa kahit wala naman nakakatawa sa horror na pinapanood namin. Umiling lang ako sa kaniya at sumandal muli sa kaniyang dibdib. Humalik siya sa aking pisngi bago bumalik sa panonood. Nasa kalahati na ang pinapanood namin nang may mga nakakagulat na na eksena. Napapatalon ako minsan sa gulat at bigla naman hihigpitan ni Linus ang yakap sa akin at tinatawanan ako. Ang sarap ng halakhak niya sa gilid ng aking tainga. Mas pinapanayuan ako ng balahibo sa masarap niyang pagtawa kumpara sa horror movie na pinapanood. Ayos na sana, kaya lang ay nakakainit ng ulo ang katabi namin na babae na tumitili nang malakas at pagkatapos ay hahawak sa braso ni Linus. Si Linus ay napapalingon at tatawanan din siya. Umirap ako at parang gustong mangalmot bigla. Pasalamat siya at kaibigan siya. Kung hindi ay hinila ko na ang buhok niya at kinaladkad palabas sa bahay ni Seth. Pasipa kong tinawag si Caleb para paupuin siya sa tabi ni Linus. Nagalit pa nang una ngunit nang inguso ko si Luna, mabilis siyang kumilos. Siya na ngayon ang katabi ni Luna. Tumingin ng masama sa akin si Luna na nginitian ko lang. Gusto ko siyang belatan ngunit hindi ko ginawa dahil magmu-mukha akong isip bata. Nginisian ko lang siya para iparating na kaibigan lang siya habang ako ka-momol. Mas mataas ang posisyon ko sa kanya kaya ako lang ang dapat na katabi. Ang gunggong naman na si Caleb gustong-gusto ang pagpapalipat ko at abot tenga kung maka-ngisi sa akin. Maybe he thinks I'm helping him get closer to Luna. What he doesn't know is I'm not helping him to get closer to her but instead using him to get Luna out of Linus’ side. On the next day of Saturday night, nagpa-pool party si Leila, schoolmate namin. Kaya ang balak na dagat ay napurnada muna. Ang plano namin ay sa bakasyon na lamang ituloy para maraming araw kaming puwede mag-stay kung sakali kung saan man kami pupunta at tutuloy. I wore my black string halter bikini. Kitang kita ang kaputian ko. Red lipstick lang ang aking kolorete sa mukha at naka-messy bun ang buhok. Kita ang lower back tattoo ko sa napiling suotin na swim suit. It's a little girl sitting on a half moon, nakangiti habang masayang nanunungkit ng mga nakapalibot na bituin. The little girl patiently waiting while sitting on the half moon, feels lonely and sad but forced to entertain herself by the stars around her. The little girl fishing for stars is smiling, but if you look closely, there are tears in the corner of her eyes. I had it tattooed three years ago. “I’m ready!” Nahiwalay ang mata ko sa aking tattoo na pinagmamasdan ko sa salamin. Napunta ang atensyon ko kay Cara na sumigaw. She was wearing her red one piece bikini. She really has a heavenly bossom. Namumutok ang bikini niya sa dibdib. Kausap nito si Luna na naka-white string bikini rin kagaya ko. Mas simple nga lang ang sa kaniya na parang panty at bra lang. Unlike mine na maraming mga strings at mas maliit ang mga telang nakatakip sa mga private parts. Hindi pumasok sa isip ko na magsusuot siya ng ganito sa party. Hindi siya mukhang komportable at mukhang pilit lang na sinuot. What is she doing? Is she trying to change herself? Nagpapaka-daring ba siya para kay Linus? Sa tingin ko, malala na siya. Kung hindi niya nakuha sa pagiging mahinhin, sa pagiging trying hard wild niya kukunin? Maganda naman ang katawan niya, makinis, at maputi. Bilugan ang mga hita. May panlaban sa hinaharap at maganda ang shape ng katawan. Mas maganda nga lang ang tindig at tayo ng hinaharap ko. Ngumisi ako at lumiyad. I have never been uncomfortable in short clothes. I’m proud of my perfect body so I’ll show it! Umirap ako sa hangin at inalis ang tingin sa kanila. I walked out of the bathroom and walked seductively in the middle of the crowd. Halos lahat dito'y schoolmate namin. Bilang na bilang ang mga outsider na maaaring inimbitahan ng ilan sa mga schoolmates naming imbitado. Hindi nakatakas sa akin ang pagtitig at paglingon ng mga kalalakihan. Kahit mga nalagpasan ko na’y sinusundan ako ng mga mata. Nagpatuloy ako at hindi inalintana ang tingin ng lahat. Hanggang sa umabot ang mga mata ko sa puwesto nila Caleb. Nandoon na ang mga lalaki. Mga walang pang-itaas ang mga kaibigan ko. Si Linus lang ang naka-shirt. “Hey, sexy!” Si Caleb. “Have you got a boyfriend?” Sumipol at nagbiro si Caleb. Dahil sa ingay na ginawa’y napabaling sa akin si Linus. Malayo pa lang, naaninag ko na ang pagdilim ng anyo niya. Wala sa aking mata ang tingin niya, nasa katawan ko at nasa mga lalaking nakatingin sa akin habang naglalakad ako. Tumayo siya at kinuha ang tuwalya. Sinalubong niya ako at ibinalot ang hawak na tuwalya sa balikat ko. Naitago nito ang suot ko na swimsuit dahil natakpan hanggang sa gitna ng aking hita. “What are you wearing?” Bulong niya. “Clothes that are normally worn every time you go to the pool?” I shrugged and smirk. Sinilip niya ang halos lumuwa nang dibdib ko at hinila ang magkabilang dulo ng tuwalya para matakpan iyon. Hinila niya ang aking kamay at pinaupo ako sa upuang nasa harapan ni Caleb kung saan siya nakaupo kanina. Malaki ang upuan kaya’t kumasya kaming dalawa. Nakaupo siya sa likuran ko kaya naman nakakulong ako sa magkabilang hita niya. May nakahain na mga pagkain at mango juice sa lamesa. Wala itong bawas tanda na hindi ginalaw. Mukhang kinuha niya para lang talaga sa akin. "Eat, Sadie." Malamig niyang utos. Napalabi ako. At dahil gutom, kumain na lang din ako habang nag-uusap usap ang mga lalaki. May mga balak si Caleb na itayo na negosyo after college na interesado naman si Linus. We are all in our last year of college. Business related courses ang lahat ng inaaral namin. Iyon naman ang gusto ng mga parents namin. Si Linus at Luna’y ganoon din. Siguro’y dahil may mga negosyo silang mamanahin someday galing sa mga magulang nila. Hindi nagtagal, dumating sina Cara at Luna. Napatingin ako kay Luna at nakita ang malungkot niyang mga mata na nakatingin sa puwesto namin ni Linus. Tumatawa ang lalaking nakayapos sa akin mula sa likuran ko habang kausap nito si Caleb. Nararamdaman ko ang pag-vibrate ng halakhak niya at init ng katawan niya sa aking likuran. Ang dalawang kamay niya ay nilalaro ang isa kong kamay na hindi ko ginagamit sa pagkain. Parang wala sa sariling nakatingin sa kawalan si Luna ngunit ang totoo ay sa kamay namin ni Linus siya nakatanaw. Parang kumirot ang puso ko sa lungkot ng mga mata niya. Siguro dahil minsan din akong naging ganito dati. Matutulala at bigla na lang iiyak. Napaiwas ako ng tingin. Nakatitig na lang ako sa mga pagkain at pinaglalaruan na lang iyon gamit ang tinidor. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng lungkot gayong ito naman ang gusto ko. Ganito rin ba ang naramdaman nila? Nalungkot rin ba ang mga tao na nanakit at may atraso sa akin? "Why are you playing with your food? Are you full? Konti pa lang ang kinakain mo. Kumain ka pa," puna ni Linus at inangat ang kamay ko para dalhin iyon sa mga labi niya upang halikan. Nakita ko na nag-iwas ng tingin si Luna at tumayo papunta sa pool. Umiiyak ba siya? Kaya ba siya pumunta doon para walang makakita? Napasinghap ako at nakaramdam ng sundot na konsensya. Tama pa ba itong ginagawa ko? She’s in love with him and I don't. Napatitig ako sa mga kamay ni Linus na magaang nakahawak sa akin. Does he like me now? Malalim na ba ang pagkagusto niya sa akin? Masasaktan ba siya kapag pinalayo ko siya o magagalit lang? Pumikit ako. f**k. Ano ba itong pinasok ko? I shouldn't intrude on his innocence. I should have avoided him when I noticed him. I should not have seduced him. I shouldn’t have agreed to the bet, o dapat ay hanggang bet lang at hindi ko na tinuloy na makipaglapit sa kaniya kung sa huli ay makokonsensya rin ako. “You said you were hungry and you haven't eaten dinner yet, so I picked it while waiting for you to finish changing your clothes. Is it not good? Do you want me to get you another food?” Dumilat ako at inilingan siya. “No, thanks. I’ll eat it.” Nginitian ko siya. Sumubo ako at matagal iyon na nginuya. Narinig kong ngumiti siya. Muli niyang dinala sa labi ang kamay ko. Iniipit niya ng malambot niyang labi ang balat ng palasingsingan ko at ang kamay na nakatahan sa aking tiyan ay taas-baba ang haplos. I suddenly realized that our set up was weird. We’re not a couple but acting like a lovers. Na-stuck ang pagkain sa lalamunan ko at biglang nahirapang makalunok. Mapaglaro ako pagdating sa mga lalaki. Purong walang label lahat. Ang mga nakarelasyon ko naman kasi noon ay payag sa kaya ko lang i-offer at alam kung paano kami magsisimula at paano magtatapos. Sanay sila sa mga walang label. Sanay sila sa laro lang at landian lang. But Linus? I don’t think he’s like them. He’s separate and different from those types of boys. Hindi ko alam kung papayag siya sa kaya ko lang na ibigay kung sakali na magtanong siya kung ano siya para sa akin at kung ano ang meron kami. Dahil kung ano lang ang kaya ko na ibigay sa iba, ganoon lang din ang kaya kong ibigay sa kanya. Ayokong lumagpas sa laro. Ayoko ng relasyong seryoso. Ayoko nang magmahal ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD