SIX
Nakatingin siya sa akin habang nag-iinom ako. Sinubukan niya akong pigilan pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya wala siyang nagawa kundi magbantay na lang sa akin. I feel guilty but I also like being with him. I can't choose whether to tell him that he should stop acting like a boyfriend or just let him be by my side and not clarify what we have.
Nakita kong nag-iinom na rin si Luna. Sinabihan din siya ni Linus na huwag na uminom dahil hindi naman daw iyon umiinom kagaya niya. Kaya lang, hinayaan na lang niya dahil sinabi ni Caleb na siya na ang bahala kay Luna.
Binigyan ko ng nagbababalang tingin si Caleb para hindi niya ituloy kung may binabalak siya. I don't like Luna but I also don't want anything bad to happen to her while she's not sober. Agad nakuha ni Caleb ang babala sa tingin ko. Nagtaas siya ng dalawang kamay at tumawa.
“I don't f**k drunk girls, it’s not my thing! And we’re not alone! Kasama namin mag-inom sina Aston at Cara!” He reacted defensively.
Medyo sumama man ang pakiramdam ko sa nalaman na concern din si Linus sa babaeng iyon, sa huli’y naisip ko na mas nauna naman siyang maging concern doon dahil matagal na silang magkakilala at magkaibigan. Bago pa magka-Sadie, mayroon nang Luna.
Tingin ko rin na kaya siya naglalasing ngayon ay dahil sa unrequited love niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sinabi sa lalaki na ito ang nararamdaman niya gayong ang dami nilang panahon na magkasama. She might be afraid of rejection. Or maybe not? I think she’s more afraid that if she confesses, the friendship they have now might be lost or be at risk.
Lalong umingay sa party nang lumalim na ang gabi. I know I'm drunk and wasted, but I want to get more drunk and tease him more. Nakihalubilo ako sa mga sumasayaw at nakangiting humarap kay Linus. Sumasayaw lang ako sa gitna ng dance floor habang nakamasid siya. Sadya kong inawang ang aking mga labi at itinaas ang aking dalawang kamay habang malambot na ginigiling ang aking balakang. Sinadya kong papungayin ang mga mata at tinitigan siya. Ipinatong ko ang mga kamay sa aking ulo at ipinadausdos iyon pababa papunta sa aking leeg. Mula sa leeg ay dahan dahan kong pinababa ang mga kamay sa aking dibdib at bewang habang nakakagat ako sa aking ibabang labi. Nang mapatayo siya'y napahalakhak ako at natigil sa pagsayaw. Kunot-noo siyang umiling habang nakangiti nang matanto niya ang ginagawa kong pang-aakit sa kanya.
Bumalik siya sa pag-upo upang bumalik sa panonood sa akin mula sa malayo. I closed my eyes and poured out the desire to dance while Linus's eyes watched over me. May naramdaman akong sumayaw sa aking likod at humawak sa magkabilang bewang ko. Dumilat ako para lang masalubong ang paglukot ng mukha ni Linus. Nakatayo na ito mula sa pagkakaupo at papalapit na sa akin. Nakakatakot ang dilim na nakabakas sa mukha niya na parang handang sumabak sa giyera. Umalis na ako sa dancefloor at lumapit sa kanya bago pa siya makarating. Ang sama pa rin ng tingin niya sa lalaki kaya pilit ko na siyang hinila pabalik sa upuan.
"Saan ka pupunta?" nangingiting tanong ko.
"Bakit ka sinasayawan no'n?"
"Dahil nasa dance floor ako?" hindi ko na napigilan ang malaking ngiti at hagikgik ko.
Tinakpan ko ng aking kamay ang masama niyang tingin sa lalaking sumasayaw na ngayon sa ibang babae. Hinawakan ko ang pisngi niya at ibinaling sa akin ang kanyang mga mata.
“Look, he’s already dancing with another girl. That’s normal.”
Nagbuntonghininga siya at hinila ako palapit pa sa kanya. Nakaupo na siya ulit ngayon habang nakatayo ako sa kanyang harapan. Nakatingala siya sa akin at nakasimangot. Nanggigigil kong pinindot ang ilong niya.
"Bakit ang guwapo mo po kahit nakasimangot ka?" humagikgik ako at pinigilan ang sarili na halikan siya.
"I told you not to drink and dance," malalim ang boses niya at hindi na yata ako masasanay dahil nang una ko siyang makilala ay sobrang tahimik niya.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at unti-unting ibinaba ang aking mukha. Hinalikan ko siya at kumandong sa kanyang mga hita. Kakaupo ko pa lang, naramdaman ko na siya kaagad kung gaano siya katigas. Naka-summer short lang siya at naka-bikini ako kaya't ramdam namin ang isa't isa. Nakakatuwa na kahit alam kong higit pa sa halik ang gusto niyang gawin, hindi niya ako pinipilit sa tuwing pinipigilan ko na siya.
Kadalasan, ang mga nagiging kalandian kong lalaki ay gustong-gusto akong i-kama. Na hindi ko ibinibigay. Oo, at marami akong alam pagdating sa ganoong bagay. I watched porn with Cara a lot of times and sometimes Caleb was with us. Sa kanya nanggaling ang mga porn site na pinanonooran namin ni Cara. Hindi ko na nga mabilang sa mga daliri sa kamay kung ilan na ang napanood ko. Pero kahit kailan, hindi ko naisip na ibigay ang iniingatan kong bagay sa mga lalaking nakaharutan ko. I may dress sexily and talk flirtily but I value my virginity.
"It's a pool party kaya malamang na mayroon sayawan at inuman dito! Anyone could dance to anyone!" Paliwanag ko sa gitna ng paghahalikan namin.
“Well, I have no idea about that. This is my first time going at this kind of party.”
Habang nagsasalita’y inabot niya ang isang puting t-shirt at sapilitang ipinasuot sa akin iyon. Kanina niya pa ito pinapasuot sa akin dahil ayaw niyang pumayag na naglalakad ako na parang nakahubad. Na kanina ko pa rin paulit-ulit na tinatanggihan. Ngayon lang siya nakakuha ng pagkakataon na maisuot sa akin iyon dahil nasa kandungan niya ako at abala ako sa paghalik sa kanya.
"Sadie!" Sinaway niya ako nang tangka ko ulit 'yung huhubarin. Natawa lang ako at hinayaan na siya na ibalik iyon sa katawan ko.
Sanay man ako na halos walang itago ang mga damit at lahat naman ay naka swim wear pumayag na lang din ako kaysa humaba pa ang usapan. Ang dami niyang damit na baon na tila ba wala siyang balak na maghubad kahit mabasa siya o marumihan. He’s prepared like a boy scout. I don't know if he's not comfortable being naked or it's just at this party because there’s a lot of other people here.
Napangisi ako. Tumingin ako sa bandang tiyan niya at ipinatong doon ang isang palad ko. May suot man na damit ay hindi naging hadlang iyon para malaman ko kung anong nakatago roon. He’s hard like a rock but warm. Awang ang mga labing ibinalik ko ang tingin sa kanyang mga mata. His eyes like blue-ice should be cold, but instead, it's like the blue sky on a sunny day while warmly staring at me. Nakakapang-init ng mukha ang pagtitig niya. Dahil siguro sa alak kaya ako naiinitan o maaari ring dahil talaga sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo at mahigpit na ipinulupot ang mga braso sa maliit kong bewang na nababalutan na ngayon ng tela ng t-shirt niya.
"Stay here. You can drink here all you want, babantayan kita. Just don't dance. I don't feel good whenever I see you dancing with another man."
"Tayo na lang ang sumayaw? Ayaw mo ba?" Nakalabing yaya ko.
"You're drunk, love. Let's just dance some other time, alright?"
Nahirapan akong huminga sa tawag niya sa akin. I only jokingly called him love once but that was the endearment he used for me. Nakakapanibago ang bilis ng t***k ng puso ko. Nakakapanghina. Sumiksik lang ako sa leeg niya at doon tumango. Hinalikan niya ang pisngi ko at sinilip ang aking mukha. Hinahaplos niya ang aking buhok at para na naman akong bata na pinapatulog niya. Sa tuwing kasama ko siya at nasa bisig niya, pakiramdam ko ligtas ako at walang makakapanakit sa akin kahit sino. Na kahit matulog ako kung saan-saan, alam ko na hindi niya ako pababayaan at hindi iiwan.
Nagising ako at napahawak sa aking ulo. Nakahawi ang kurtina ng bintana sa kuwarto ko upang papasukin ang sinag ng araw. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Habang hilot-hilot ang sintido’y nag-iisip ako. Paano ba ako nakauwi? Sino kaya ang naghatid sa akin? Ang naalala ko lang ay nakasiksik ako sa leeg ni Linus habang nakaupo paharap sa kanya. Nakatulog siguro ako pagkasiksik ko sa katawan niya at pagkapikit ko? Ang sarap kasi ng haplos niya sa buhok ko na madalas niyang ginagawa. Daig pa ang kahit anong klase ng sleeping pills.
Bumaba na ako papunta sa dining pagkatapos maligo at magbihis ng pambahay na maluwag na white sando at maikling cotton shorts. Nasa dulo na ako ng hagdan nang makarinig ako ng mga boses galing sa hardin. May mga tao na nag-uusap doon. Sa halip tuloy na sa kusina’y sa hardin ko dinala ang mga paa.
Pagsilip ko’y nabungaran ko si daddy na kausap sina Caleb at Linus. Si Luna ay kasama rin nila pero hindi ito nakikisali sa usapan kaya purong panlalaking boses lang ang narinig ko sa hagdan, tahimik lang ito na kumakain. Isinigaw ni Caleb ang pangalan ko nang makita niya ako. Buwisit talaga! Muntik na akong atakehin sa tawag niya! Kalalaking tao’y napakabungangero!
Humalik ako sa pisngi ni Daddy at naupo sa kanyang tabi. Kaharap ko'y si Luna. Napagigitnaan siya nina Caleb at Linus. Nakatitig sa akin ang huli. Pinanlakihan ko siya ng mga mata, takot na baka mahalata ni Daddy ang paninitig niya. Umiling siya at nangingiting nag-iwas ng tingin.
"I will not stay too long, kids. I have to go. Feel at home. Magsabi kayo kay Sadie kung mayroon pa kayong ibang kailangan.” Nagpaalam na si Daddy.
Sinundan ko si daddy ng tingin hanggang sa makalabas siya. Sumandal ako sa sandalan ng upuan ko. Naghalukipkip ako at pinag-krus ang mga hita. Tiningnan ko sila isa-isa.
"What are you doing here? At this early?”
Tumawa ng malakas si Caleb na may paghampas pa sa lamesa. Binigyan ko siya ng nalilito at masamang taas-baba na tingin.
"Ano’ng nakakatawa?" Naiinis na dahil napansin na maging si Linus ay pinipigilan lang ang matawa.
"Hindi mo ba maalala ang kababuyan mo kagabi? Hindi ako makapaniwala! Unang beses kitang makitang gano’n!" Nasa labi pa rin ni Caleb ang ngisi.
"Ano nga?" Mahihimigan na ng iritasyon ang boses ko.
"You fell asleep while straddling him like a eight year old kid!” Tinuro niya si Linus. “Ayaw mong bumitaw kaya buhat ka niya sa ganoong posisyon hanggang sa makasakay sa sasakyan! Pinagtitinginan kayo sa party! Sinukahan mo siya kaya dito na kami natulog!"
Napalabi ako at napabaling kay Linus. Ngumiti lang siya sa akin. Nagbaba ako ng tingin sa suot niya at nakita na katulad ito ng suot niya kagabi. Iisipin kong hindi siya naligo kahit nasukahan ko siya kung hindi ko lang naalala na marami nga pala siyang baon na puting t-shirt.
Hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo itong si Caleb. Lasing ako pero hindi ko maalala na sumuka ako. Nasobrahan siguro ako sa pagsayaw lalo at iba't ibang uri ng alak ang natikman ko. Hindi rin naman ako pinipigilan ni Linus sa pag-inom at nakabantay lang.
"Kung si Linus lang pala ang nasukahan ko, bakit pati kayong dalawa nandito?" Salitan ko silang tiningnan ni Luna.
Sumimangot si Caleb at mukhang alam ko na kahit hindi pa siya magsalita.
"Sinukahan mo ang sasakyan ko! Sa tingin mo ba, iuuwi ko iyon na amoy suka? Malalagot ako kay Kuya dahil may usapan kami na hihiramin niya iyon! Dito na kami pinatulog ni Tito at pinalinis niya rin ang sasakyan ko!"
Natawa ako at napairap. Mabuti nga sa kanya. Tinatawanan ko si Caleb subalit nang matanto na dito rin natulog si Luna, napahinto ako. Kung dito siya natulog, saan siya natulog? Inilipat ko ang mga mata kay Linus at sinamaan siya ng tingin nang makitang kinakausap niya si Luna kahit nasa gitna nila si Caleb.
Lasing si Luna kagabi katulad ko. Ang daming pumasok sa isip ko habang pinapanood silang dalawa na nag-uusap at nagngingitian. Pagbaling ni Linus sa akin, nahuli niya ang matalas kong tingin sa kanya. Walang salitang tinitigan niya ako habang nangungusap ang mga mata kung ano ang ginawa niya. Lalong uminit ang ulo ko. Napa-irap ako at tumayo para tumungo sa kusina. Kailangan ko ng malamig na tubig dahil pakiramdam ko, kumukulo ako ngayon.
Pagkapasok ko sa kusina, naramdaman ko ang kaniyang pagsunod. Nakatayo siya sa tabi ng lamesa, nakatingin sa akin habang umiinom ako ng tubig. Hawak ko ang babasagin na pitsel. Sa kabilang kamay ay ang baso na iniinuman ko. Ang sarap mambato ng pitsel. Hindi ko alam kung dahil ba sa hang-over ito pero naiinis ako. Naiinis ako sa maduming naiisip ko. Paano kung dahil lasing ay nag-confess si Luna kay Linus? Ano’ng naging reaksyon niya? Paano kung dahil lasing, walang hiya niyang hinalikan si Linus? Humalik ba siya pabalik sa kaibigan niya?
“You look angry. What’s the problem?” Dahan dahan siyang lumapit sa akin at kinuha ang pitsel na hawak ko. Ibinaba niya iyon sa lamesa.
Tinalikuran ko siya. Lumakad ako palayo sa kaniya at sumandal sa fridge. Kunot-noo naman siyang lumapit at ikinulong ako sa kaniyang katawan at sa fridge na nasa aking likuran. Niyuyuko niya ako habang nakatingala ako sa kaniya. Mabuti na lang at naligo ako bago bumaba. Kung hindi ay nakakahiya dahil ang bango niya. Kahit galit ay iyon ang unang pumasok sa isip ko. Binalewala ko muna iyon dahil naalala kong dapat ay galit ako.
"Sadie?" Nakatingin siya sa akin nang malumanay habang hinahaplos ng hinlalaki ang pisngi ko. “What did I do?”
"Saan ka natulog kagabi? Sa guest room?" Masama pa rin ang tingin ko sa kanya.
"Yeah, why?" Paos niyang tanong habang hinahaplos na ang ibabang labi ko.
Papungay nang papungay ang mga mata niya kahit wala naman akong ginagawa at nag-uusap lang kami. Lumampas ang hinlalaking daliri niya sa labi ko dahilan para tumama iyon sa aking ngipin. Para bang nagpipigil siyang ipasok iyon at diinan ang dila ko. Para akong nanlambot at biglang nawala ang inis. Nagsimula na ring lumamlam ang mga mata ko. Sandali. Galit ako, hindi ba? Kumurap ako sabay hawi sa kamay niya bago pa ako bumigay.
"Si Luna, saan siya natulog?" Wala ba siyang inamin sa ‘yo? Gusto ko sana iyon na idugtong.
Tumingin siya sa mga mata ko at parang nagtataka kung bakit ko itatanong kung saan natulog si Luna gayong tungkol sa amin ang dapat na pag-uusapan. Nang maisip niya ang sagot sa bakit, napaiwas ako ng tingin.
Tinulak ko siya nang marinig kong mahina siyang natawa. Lumapit ako sa sink at nilapag ang baso roon. Hindi pa ako muling nakakaharap sa kaniya'y may dalawang braso na na pumulupot sa mga bewang ko mula sa aking likuran papunta sa aking tiyan. Ang kaniyang mukha ay nakasilip sa leeg ko para makita ako. Hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi habang nakangiti siya.
"Why are you asking me that kind of question?" Mariringgan ng panunukso ang boses niya.
Napasimangot ako at itinagilid ang aking mukha para maharap siya na nakasilip pa rin sa pagitan ng leeg at balikat ko. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi niya nang hindi na mapigilan ang ngiting aabot na yata sa kanyang tenga.
"You didn't answer my question!" Medyo naiinis na. “Saan siya natulog? Saan ka natulog?”
Tinulak ko siya at humarap ng tuluyan sa kaniya. Bakit hindi na lang kasi niya sagutin para malaman ko ang sagot?
Pinanliitan niya ako ng mga mata. Hindi mawala-wala ang malaking ngiti sa labi niya.
“As far as I remember, I have never slept with another woman next to me. Not even with my mother and not even with my grandmother. Lalo na kay Luna. Namulat ako na mayroon akong sariling kuwarto kaya alam ko na wala pa.” Nakatitig lang siya sa mga mata ko. He stared at me as if his eyes were flirting. "But if you want to sleep with me in the same bed, papayag ako. I want you to be the first and the last woman I can be in bed with."
Naghalukipkip ako at nagpipilit pa rin na magmukhang masungit. Kahit kaunti na lang ay mangingiti na ako.
"Saan mo natutunan iyan?" Taas kilay na tanong ko. “Using your tongue to flirt?”
Natawa siya at madiin na halik ang isinagot sa akin. Pinaghiwalay niya ang mga labi namin. Hinapit ako sa aking bewang at muli akong hinalikan.
"Hindi ko rin alam. Sa ‘yo? You are my teacher in flirt subjects anyway." Hinihingal na bulong niya't nagsimulang laliman ang halik.
Hindi na ako nakahabol dahil pagkatapos ng huling salitay niya’y hindi na niya tinantanan ang labi ko. Halos mahiwalay na ang ulo ko sa aking leeg dahil sa diin at lalim ng paghalik niya.
"Linus..."
Napakapit ako sa braso niya habang pilit tinutugunan ang halik niya. Ilang minuto kaming naghahalikan sa kusina bago tumigil dahil may mga kasama kami na nasa hardin.
Sa mga sumunod na araw, hatid-sundo na ako ni Linus. Hindi naman nagtatanong si Daddy dahil sanay siyang salitan ang mga kaibigan ko sa paghatid at pagsundo sa akin. He met Linus so I think he thought he was one of my new friends.
Naglalakad ako papunta sa parking lot nang mapansin ko si Aston at Luna na magkausap. Parang kanina pa sila may pinag-uusapan na seryoso at hindi puwedeng marinig nang kahit na sino dahil pansin kong pilit na hinihinaan ang mga boses kahit nagtatalo sila.
Natanto kong seryoso nga talaga nang mapahilamos si Aston ng dalawang palad sa mukha at mapasabunot sa buhok niya. Parang sobrang aburido sa kung ano man na sinasabi ni Luna.
Magtatago sana ako para marinig dahil nakaka-intriga na kailan lang naman sila nagkakilala pero parang may pinagtatalunan nang malaking bagay. Kaya lang, bago pa ako makapagtago, may yumakap na sa akin mula sa likuran. Pagkaharap ko sa kanya'y bigla akong hinalikan ng mariin sa labi. Wala akong nagawa kundi tugunin iyon.
"I told you to wait," angal niya dahil nauna akong lumabas papuntang parking lot.
Habang tumatagal, sobrang nasasanay na ako sa presensiya niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na papunta sa kaniyang sasakyan. Nakita kami nina Luna at Aston na bigla na lamang nahinto sa pag-uusap. Nagkunwari akong nabigla at ngayon lang sila nakita.
"Aston! Uuwi na ba kayo?" Tumingin ako kay Luna at pabalik kay Aston.
Kunot-noo pa rin at may galit sa mga mata ni Aston nang bumaling sa amin.
"Ano’ng ginagawa n’yo rito? Sabay ba kayong uuwi?" Tanong ko ulit nang walang sumagot sa kanila.
"Nagkasalubong lang kami dito bago kayo dumating," walang ganang sagot ni Aston.
Pinigilan kong mapakunot ang noo dahil alam ko na nagsisinungaling siya. I don’t know what he did but I will trust him because he’s more mature with Caleb and he’s my friend. Kaya ikikibit balikat ko na lang kung ano man 'yon. Mukha rin kasi na mayroon silang pinagtatalunan ni Luna na tahimik na lamang ngayon na nakayuko.
“Are you okay?” Tanong ni Linus kay Luna.
Tumango ang isa. Ngumiti si Linus at ginulo ang buhok niya.
"Mauna na kami,” paalam niya sa dalawa at saka ako nilingon. “Let's go?"
Tumango lang ako at ngumiti sa dalawa bago magpaalam. Pagkasakay sa sasakyan, nadaanan pa namin sila kung saan namin sila iniwanan. Masama ang tingin ni Aston kay Luna na maamo at mukhang maiiyak na na nakatingala sa kanya.